Nabalik ako sa realidad nang biglang tumunog ang phone ko. Nilagyan ko na ng ringtone kasi laging nawawala. Si Kyla, of course ang nag-text. Mangungulit lang nanaman siya. Sisirain niya ang pagmomoment ko. Hindi pala sisirain. SINIRA na niya.
( " Ano na gawa mo dyan?! Ang boring eh! Ang daya mo! Hindi ka naboboring! :'( XDDD" )
( "Lol. Wala nga ako ginagawa eh. Nakahiga lang ako sa kama ko." )
( "Maniwala. XD" )
( "Edi wag :P XDD" ) In-off ko na cellphone ko. Magdusa siya.
Lumabas muna ako ng bahay. Suot ko lang naman ay leggings at t-shirt. Pumunta ako sa park. Pagpunta ko dun, may mga estudyante ng ibang school. Titigan ba daw naman ako? Hirap talaga maging maganda kaya ayokong lumabas ng bahay eh //insert sarcastic tone here
Umalis na lang ako at pumunta ng court. Tumambay muna ako. Madilim yung court kaya hindi masyadong kita ako. Kaunti lang din naman ang tao. Baka may mangidnap sakin? Uh. Like makukuha nila ako. Keri ko kung dalawa lang sila or tatlo pero kapag apat, hindi na.
Nandito lang ako nakaupo. Nagpapahangin. I miss them. I miss my old friends. So much na it hurts. Yung feeling na gusto mo sila pa rin ang gusto mo maging kaibigan until the end pero minsan dapat nating alam na bilang lang sa daliri ang mga permanenteng kaibigan.
Umalis na lang ulit ako para tingnan kung nandun pa ba yung mga langya sa park at pagtingin ko nandun pa nga. Maglalakad sana ako pabalik na ng bahay kaso may humarang sakin.
"Kilala mo pa ba ako?" Tanong ng isang lalaki sa harapan ko.
Kumunot naman noo ko sa sinabi niya. Hindi ko nga siya kilala eh. Baka dumadamoves?
"Hindi." Aalis na sana ako pero
"Alahanin mo ha? Ang tanda mo na Kaye. Haha." Napatigil ako sa tinawag niya sakin. Kaye? Hindi ko nga yun pangalan eh. Pag tingin ko sa likod, nandun na siya sa mga kasama niya at nagtatawanan sila. Baka pinagtitripan lang nila ako. Sa dami-daming tao, bakit ako pa? Imbyerna.
Pagka-uwi ko, humiga ako sa kama. Kaye? Sounds familiar pero I know na hindi ako yun.
Hindi nga ba?
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Roman pour AdolescentsMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...