Nagising ako nang maaga dahil nga nakatulog rin ako ng maaga. 6:10 AM ako nagising. 7:00 pa naman yung pasok namin. Naligo na lang ako at nagbihis. Itetext ko sana si Kyla pero nauna pa siya sa akin.
From: Kyla :D
( "Hoy adik! Gising ka na ba?" )
( "Adik ka ba talaga?! Anong oras na kaya? 6:11. Duh." )
From: Kyla :D
( "AHAHAHA! Kaya nga tinatanong kita eh diba? Shunga ka talaga! -_- xDDD" )
( "Geh pasok na ako. Gusto ko pumasok ng maaga. Ang aga ko nagising eh. Kita-kits na lang sa school! :P " )
Bawal magdala samin ng cellphone. Yung iba nagdadala pero ako hindi. Mabait ako eh. May inspection kasi pero magagaling sila. Hindi sila nahuhuli. Maliban na lang kung tumunog ang cellphone nila kasi nakalimutan nilang i-silent. Spotted tanga.
Pagkarating ko ng school namin, nauna pa sa akin si Kyla. Nagulat kaya ako pero nakalimutan ko. Mas malapit nga pala ang bahay niya kaysa sa akin. Kahit ako pa naman ang unang umalis, mas mauuna siya. Nakita ako ni Kyla.
"Hoy Cara! Bat ang tagal mo makarating dito ha! Kanina pa ako dito na naghihintay sayo! Ikaw pa man din ang unang umalis tas ako pa ang unang nakarating!"
"SYEMPRE MAS MALAPIT BAHAY MO KAYSA SAKIN! NILOLOKO MOKO?!"
"AHAHAHA! OO NA NGA LANG! Dun tayo kila Kelly at May."
"Ano naman ang gagawin ko dun? Hindi naman kami close."
"Halika na kasi!" Pumayag na lang ako.
Nandun nga ako, naka-upo. Nakikitawa na lang ako para hindi ako ma-awkward.
Hinahanap ko si Macey. Bakit wala siya? Hinahanap ko ulit. Baka hindi ko makita or baka nag-CR lang o baka bumili sa canteen o puro baka na lang!
"Cara! Sino naman hinahanap mo ha?! Siguro crush mo noh?!" Ay grabe! Bigla ka bang sigawan ng isang tao eh may iniisip kang iba! Sabay-sabay pang nagtilian.
Siya si Kelly. Kaklase siya namin ni Kyla last year. Ka-close rin siya ni Kyla.
"Sus! May hinahanap lang, crush na agad?!"
"OO! AHAHAHA!" Siya naman si May. Halos kaclose ko siya nung Grade 4 pa ako. Ewan ko kung paano pero ang alam ko ang Facebook ang dahilan eh. Lol.
"Sus. Alam ko na kung sino hinahanap ni Cara. Si Macey." Sabi ni Kyla.
Nang magring ang bell namin, nag line up na kami. Lahat nagsitahimik. Hindi ko rin kaklase sila May at Kelly. Kaclose lang talaga ni Kyla sila.
Umakyat na kam sa sariling classroom namin. Wala pa ang teacher kaya maingay ang klase. Sino ba ang hindi ganun? Sa pagkaka alam ko, halos lahat ng estudyante maingay kapag wala ang teacher. Of course kasali na ako dun.
"Dahil maingay kayo, mag e-elect na tayo ng mga officers. I'll be back in 10 mins para makapag-isip kayo kung sino ang President, Vice President, Secretary, at Sergeant At Arms." May dumating na teacher. Siya si Teacher Leah. Ang adviser at Filipino teacher namin. May edad na siya.
Pag kalabas ng teacher namin, nag-ingay ulit sila. Pumipili na kasi sila kung sino ang mga magiging officers. Nakikiramdam na lang ako. Hindi muna uso ang magsalita sa akin ngayon.
Lumipas ang 10 mins. Dumating na rin si Teacher Leah.
Am I even capable of being an officer? Nosebleed. Tae. Feeling ko ma-nonominate ako eh. Hindi naman sa assuming ako! Feel ko nga eh diba?
Dahil President ako last year, may 50% na chance na magiging officer ako pero ang maging President, 10% lang. May mga mas sikat akong kaklase. Depende na lang yun sa mga iboboto nila.
Ayoko naman maging President. Naka experience na ako last year. Ang hirap! Grabe! Nakaka stress! Kaya nga kain ako ng kain ng mga desserts para matanggal stress ko eh. Kaya mataba ako noon. Hay! Bahala na.
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...