[Eric's POV]
"Oo. Tas muka ni Moriah grabe. She hates me so much. Ahahahaha!" Tinetext ko ang kabarkada ko nang marinig ko yung boses niya. Kilala ko yun.
Pagtingin ko sa tabi ko, siya nga. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako matandaan ni Kaye. Matagal din kaming hindi nagkita. Pumunta kasi kami ng ibang bansa. 8 years na kaming hindi nagkikita.
"Bakit kasi umuwi kayo agad? Hindi niyo tuloy na-witness ang moment na yun." Nakita ko siyang nag-smirk. Nakakahiya ka Kaye. Lakas ng boses mo pero hindi siya nagbago. Madaldal pa rin.
"Maya na lang. Nasa MRT pa ako eh. Masyado mo na akong miss. Babush." Hindi. May nagbago pala sa kanya. Naging makapal. Haha.
Hawak-hawak niya yung sabitan dito sa tren. Hindi niya alam na nasa left side niya lang ako. Nung parating na kami sa isang station, biglang nag-vibrate cellphone niya tas kinuha niya kaya saktong paghinto, nabangga niya ako dahil hindi na siya nakahawak sa hawakan. Nag-sorry siya at tiningnan niya muka ko. Nagulat naman siya na may nakita siyang gwapo. Swerte naman niya. Nabangga ako.
"Sorry ulit." At yumuko ulit siya.
"Ok lang. Hawakan mo kasi yung nasa taas diba? O baka naman yung sa baba ang gusto mong hawakan?" Nanlaki naman yung mata niya. Pinigilan ko tawa ko.
"ANO?!" Napakagat naman siya sa labi. Shit.
"Baka kasi yung floor ang gusto mong hawakan hindi yung sabitan. Ikaw kung ano-ano iniisip mo." Nag-iwas naman siya ng tingin. Haha. Cute niya.
"Sabay na tayo. Parehas lang din naman ang dadaanan natin eh." Tiningnan naman niya ako.
"Hindi kaya. May pupuntahan pa ako." At nag-iwas na naman siya ng tingin. Isa pang nagbago sa kanya. Mas gumaling siyang magsinungaling.
"Edi sasamahan kita."
"Hindi pwede. Girls lang." Tinitigan ko naman siya.
"Haler! Girl kaya ako ate!" Nakakahiya na kung nakakahiya pero bakit ko nga ba ginawa to?
Narinig ko naman siyang tumawa nang malakas.
"Ang pangit! Hindi bagay sayo! Ahahahahaha!"
"Ibig mong sabihin mas bagay sakin maging gwapo?" Tumigil naman siya sa pagtawa at inirapan ako. Natawa naman ako.
"Bakit mo ako sinusundan?" Lumabas na kami ng tren.
"Parehas naman kasi tayo ng dadaanan kaya talagang magsasabay tayo. Wag feeler." Totoo naman na parehas kami ng daan. Ilang lakad lang, makakarating na ako sa bahay ni Kaye.
"Hindi nga tayo close kaya wag mo kong kausapin at wag mo kong sabayan." Binilisan naman niyang maglakad pero nahabol ko siya.
"Parang kanina lang hindi mo ko pinagtatawanan noh?"
"Hindi nga. Panaginip mo lang yun." Napabuntong-hininga na lang ako.
"Naaalala mo na ba ako, Kaye?" Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako.
"Pwede bang diretsuhin mo na lang ako? Hindi ako si Madam Auring na magaling manghula at bagsak nga ako sa panghuhula ng sagot sa test eh sayo pa kaya?" Nagtatanong nang maayos, dami-daming sinabi.
"Ako si Eric. Magkaibigan tayo nung Kinder tayo. Close friends pa nga eh. Hindi mo ba natatandaan?" Kumunot naman ang noo niya.
"Wala nga akong matandaan na naging ka-close ko nung Kinder ako eh. Sa tingin ko nga, loner ako nun."
"Hindi ka nag-iisa dati. Nasa tabi mo nga ako eh. Hindi naman ako multo kaya panigurado na nakikita mo ako nun." Nakita ko naman siyang ngumiti pero nawala din agad.
"Wala talaga. Wala na nga rin akong maalaalang kaklase eh. Kaibigan pa kaya?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi kaya nagka-amnesia si Kaye? Tatanga-tanga kasi kaya baka nabagok niya ulo kung saan.
"Uwi na nga lang tayo." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"Teka nga! Hindi nga kita ka-close eh! Hindi pala kita kilala!"
"Kilala mo ako at ka-close mo ako. Sadyang accidentally na-delete mo yung files sa utak mo na naglalaman ng documents tungkol sa akin."
"Ang deep ni koya. Hindi kita ma-reach." Slow. Tsh.
Sa huli, pinabayaan na lang niya akong kaladkarin siya hanggang nakarating na siya sa bahay niya. Hinatid ko na siya hanggang bahay niya baka mamaya mapaano pa siya.
[Cara's POV]
Hindi ko makalimutan yung sinabi niya sa akin. Eric ang pangalan niya diba?
Sadyang accidentally na-delete mo yung files sa utak mo na naglalaman ng documents tungkol sa akin.
Na-gets ko talaga ang ibig sabihin nun pero nagtataka lang ako, bakit parang ang saya ko kapag kasama siya? Yung feeling na kuntento ka na kasama ang isang tao. Yung feeling na wala kang matandaan na kahit ano pero parang meron nga talaga kayong pinagsamahan. Nagulat ako nang biglang may nag-chat sa akin. Siya pa talaga.
( Uy! Sasama ka bukas para malaman yung section mo? ) Chat sa akin ni Macey.
( Oo. Ikaw? Sama ka rin? )
( Oo. Sabihin mo sa akin kung ano section mo. )
( "Bakit hindi mo na lang tingnan? Pupunta ka rin naman dun eh." )
( "Ehh. Sige na. Kailangan namin malaman eh." )
( "Ayoko nga. :P" )
( "Sige na nga... :P" )
Coversation ended. Uh.
***
Hinanap ko agad kung saan naka-post yung section namin. Medj natagal-tagalan ako dahil langya nalagpasan ko na pala.
Hindi ko kaklase si Marjorie. Hindi ko rin kaklase si Moriah. Magkaklase naman sina Patricia at Ann. Aba imbyerna. Iwanan ba naman ako?
Nakita ko naman na magkaklase kami ni Eunice kaya medj naging okay ako. Magkaklase naman sina Kyla at Macey. Langya futhafefe.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Macey na may next year pa. Eto na yung next year oh. Hinintay ko pero hindi pa rin kami magkaklase. Fudge life. Na-miss ko lalo tuloy siya.
Tinext ko si Kyla kung alam na ba niya yung sections namin at alam na nga daw niya. Tinawanan pa nga niya ako na hindi kami magkaklase ni Macey at sila daw yung magkaklase eh. Kairita.
Malayo yung classroom nila Ann kaya hindi ko sila makikita siguro nang ganun kadali. Hindi katulad nung classroom nila Kyla na katabi lang namin. Pwede akong mangapit-bahay tuwing recess at lunch. Kay Moriah, malayo-layo din tas kina Marjorie, malapit-lapit lang kaso tinatamad ako.
Umuwi na ako ng bahay at inayos na gamit ko para bukas. Hindi ko alam kung magiging excited ba ako or maiinis. Excited dahil makikita ko na sila pero nakakainis dahil gigising na naman nang maaga.
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...