Nung 1st Year pa kasi ako, napaka inosente ko.
Minsan lang maingay at hindi pa masyadong makulit pero nagbago ang lahat pag kadating ko ng 2nd Year.
Simula nun, hindi na ako inosente. Napakakulit at napaka ingay ko na.
Pero akala ko mag iisa na lang ulit ako pagkatapos ng mga nangyari last year.
Pagkatapos kong mawalan ng isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pangalawang beses ko nang mawalan ng matalik na kaibigan or bestfriend.
Eh kayo? Ano mararamdaman niyo kapag nawalan ng isang bestfriend? Paano kapag nasanay kayo na meron kayong masasandalan? Mapagkakatiwalaan? Mapagsasabihan? Laging kasama kahit saan? Tinuring mo ng kapatid?
Paano kung yung bestfriend mong yun ay masyadong maraming memorya na iniwan sayo pero iniwan ka rin pala? Kahit ilang beses mong sinubukang magka-ayos kayo, siya yung parang umaayaw?
Makakahanap ka pa ba ulit ng bagong bestfriend? O nagsawa ka na dahil nainis ka sa mga taong nakilala mo dahil nalaman mo na iiwanan at iiwanan ka lang rin nila? Paano kung ikaw yung tipo na taong laging iniiwanan tas silang lahat yung mang-iiwan?
Ang sakit diba? Bahala na si Batman. Hindi ko na ata kayang mangilala pa ng ibang tao para magkaron lang ulit ng matalik na kaibigan.
Pero nagkamali ako. Weak lang talaga ako dahil hindi ko kaya makipag kilala sa ibang tao nang ganun-ganun na lang.
Hanggang sa may nakilala akong dalawang nilalang. Hindi ko silang tinatawag na tao dahil masyado silang extraordinary para tawagin kong tao.
At sa tingin ko, mga kalahi ko pa sila...
10/24/2019 — NOTE
Sorry guys. Grade school pa lang ako nung sinulat to kaya napakabobo sjskkdx. Nag-decide na lang ako i-publish at medj ayusin pag-ttype pero napaka-boring neto 😂
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...