Chapter 7 - Secret Lovers

500 13 1
                                    

"Who do you vote to be our Sergeant At Arms!? Girls first of course."

"Uy Cara! Pwede bang inominate ang sarili?" Bulong ni Koleen sa akin. Nasa harap ko lang naman siya.

"Oo naman! Sino ba nagsabing hindi?"

"Iboto mo ko ah!"

"Oo na! Iboto mo na sarili mo dali!"

"Cher cher! I nominate myself as Sergeant At Arms!" Nagtawanan kami lahat. Ok lang na inominate ni Koleen ang sarili niya. Mabait naman kasi siya hindi katulad ng iba.

"I nominate Moriah as Sergeant At Arms!"

"I nominate Marjorie as Sergeant At Arms!"

"Now for the Boys."

"Cher! Boys agad?! Paano cher yung Girls!? Hindi pa nagbobotohan ahh!" Halatang excited si Koleen.

"Mamaya pa. Pag sasabayin natin yung Girls at Boys."

"Ah... Lol."

"AYAN KASI! MASYADONG EXCITED! BOOOO!" Siya nga pala si Neo. Isa rin pala siyang mayabang. Nakalimutan kong ibanggit. Lagi naman kasi ganyan si Neo. Kontrabida ng buhay.

"CHE! WAG KA NGA NEO!"

"I nominate Neo as Sergeant At Arms! Woooo!"Binoto niya lang rin sarili niya. Attention seeker. Tss.

May nililigawan siya dati. Ewan ko lang kung hanggang ngayon. Tony ang pangalan niya. Mas matangkad siya sa akin. Isa rin siya sa mga kaclose ni Kyla. Magaling rin siya kumanta.

Gusto rin naman ni Tony si Neo kaya nga lang sabi ni Tony hindi pa pwedeng maging sila. Pinagbabawal pa siya ng parents niya. Uhm. Ano nga ba kwento sa akin ni Kyla nun?

Ah. Naalala ko na.

"Uy. Pwede bang ligawan kita?" Sabi ni Neo kay Tony.

"Hindi eh. Bawal pa kasi ako."

"Sige na please? Secret lang naman to eh."

"Sorry, pero bawal talaga. Natatakot ako baka mabuking tayo."

"Sige na nga. Naiintindihan kita. Basta secretly na parang TAYO hah? Wala na pwedeng umagaw sayo." At hinawakan niya ang kamay ni Tony.

"Sige." Kelegs.

"Hoy! Nagdadate na kayo dyan! Kayo ah. PDA! AHAHAHA!" Pagbabasag ni Kyla ng scene ng dalawa.

"Kayo na ba ni Neo!? Yie! Congrats hah Neo! Swerte ka dyan kay Tony! Woo! Party party tayo!" Kanchaw naman ni Grace.

"Baliw! Hindi pa kami noh. Parang single ako sa labas pero taken ako sa loob."

"AHAHAHA! Daming alam!"

"Hindi namin yan ipagkakalat. Promise."

"Thank you hah. Ang bait niyo talaga." Nginitian naman ni Tony yung dalawa.

"Hindi niyo pala ipagkakalat eh! Tayo na nga! Tama na ang drama! Ililibre ko kayo! Katulad nga sinabi ni Grace, party party! WOO!"

"Ohh diba! Magpaparty party rin tayo! Woo!" Tuwang-tuwa na sabi ni Grace.

"AHAHAHAHAHA! Halika na nga! Basta treat mo Neo hah?!" At parang kumislap ang mga mata ni Kyla dahil ililibre daw sila ng pagkain. Basta pagkain talaga eh.

"KASASABI NGA LANG AKO YUNG MANLILIBRE EH! ANG KULIT MO TALAGA KYLA!"

"Gusto namin sa restaurant na 4 stars!"

"Ay grabe! Magpapalibre na nga lang choosy pa?!"

"Syempre! Special kami eh! Ahahaha!"

Crazy Friends Forever (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon