Nagising talaga ako ng maaga. Nakalimutan ko kagabi na hindi pa pala ako tapos mag-aral sa Religion. Nabored kasi ako kaya nag-on tas napagod tas nakatulog nang maaga pero ok lang kahit 80% lang ako dun. Hindi naman kasi major subject namin. Basta wag lang bumaksak. Hindi ako makakapasa niyan para next year.
[Kyla's POV]
Siguradong nag-aaral na naman tong si Cara. Hindi ba siya tumitingin sa oras? Malapit nang mag-6:30 wala pa rin siya. Naiwan ko lang yung cellphone ko sa bahay eh. Itetext ko na lang siya sana at i-remind sa kanya kung anong oras na pero alam niyo hindi naman talaga yun masipag. Nagsisipag sipagan lang.
"Hoy Kyla! Bat ka tulala dyan? Hindi ka nagshashare dyan! Sino ba crush mo?" Biglang nagsalita si Grace.
"Nakakainis ka talaga Grace! Crush agad?! Si Cara kasi eh! Nag-aaral na naman kaya ma-lalate siya. Hindi kasi tumitingin yung shungang yun sa orasan. Kainis naman siya!"
"Ahahaha! Malay ko ba kung si Cara ang iniisip mo. Kasi sabi ko sayo mag-share ka naman dyan. Eh ang damot mo."
"Hi Kyla!"
[Joash's POV]
Ako nga pala si Joash. May gusto ako kay Kyla kaso hindi ko pa nasasabi sa kanya na gusto ko siya kasi kadalasan pag may gusto ka sa isang tao, nilalayuan ka. Ayoko na layuan ako ni Kyla pero sana hindi siya ganun.
"Hello! Bat ka napadaan hah?" Hindi niya ako ini-snob! Yes!
"Ah. Wala naman! Kasi pupunta ako dun kila May eh napadaan ako dito kaya nag-hi na lang muna ako sayo kasi baka sabihin mo na snob ako."
"Ahh."
Tas umalis na ako. Hindi naman talaga ako papunta kila May eh. Palusot ko lang yun. Syempre pag gusto mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para lang mapansin ka. Wag ka ngang manhid Kyla. Haha!
[Kyla's POV]
"Pansin kong lagi kang binabati ni Joash. Nako teh, alam na this."
"Friendly lang yun. Inggit ka lang dahil ako ang binati niya hindi ikaw. Haha!"
"Dafuq! Kung friendly siya, edi dapat pati ako babatiin niya rin! Duh Kyla! Usong gamitin ang utak!" Tiningnan ko na lang nang masama si Grace. Daming alam.
"Kylaaa! Bat hindi mo man lang tinext na ma-lalate ako?!" Ay grabe. Ako pa sinisi?
"Sorry naman hah? Kasalanan ko kasing nag-aaral ako at kasalanan ko rin na hindi ako tumitingin sa oras kaya hindi ko namalayan na late na pala ako." At nginitian ko si Cara tas tumawa naman siya nang malakas.
"Cara! Alam mo ba na nag-hi na naman si Joash kay Kyla? Omg." Inirapan ko si Grace.
"Talaga?! I smell something labadubs."
"AHAHAHAHA LABADUBS!"
"Hindi nga kasi! Friendly lang siya guys. Tigilan niyo nga ako." Sinimangutan ko silang dalawa.
"Sinabi din niya kanina na friendly lang siya. Aminin mo na kasi na kinilig ka! Promise! Kikiligin kami!" Bwiset mga to. Ako pa napagtripan.
Bahala sila. Basta ako hinihintay ko yung prinsipe ko. Ahahaha! Yuck. Too corny. Buti na lang nag-bell na kaya hindi na ako nila maaasar pa.
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...