[Cara's POV]
"'Kaye' nga tawag sa kanya eh."
"WEH?! Close sila!?"
Nakakairita si Eunice. Kailangang sabihin. Kaya ayoko tong maging kaklase eh.
"Ipakilala mo naman kami Cara!" Hindi nga kami close nun eh -____-
"Kyla, wag mong ipilit. Nag-iingat lang naman kasi si Cara. Baka daw agawin mo." Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Patricia.
Ako naman si Ms. Walkout. Mas lalo tuloy silang nagtawanan. Tapos na recess namin kaya kailangan ko nang umalis at bumalik na sa sariling classroom. Iniwan ko na lang dun si Eunice. Tae sila.
"Close ba kayo ni Eric Montinola?!"
"Omg! Bat ang swerte mo Cara?"
"Ikaw na!"
"Inagaw mo sakin si Fafa Eric! Hmp!"
Pagpasok ko sa classroom, yan na ang bumungad sakin. Ganun ba talaga siya kagwapo? Uh.
"Inyong-inyo na. Maghubad pa kayo sa harapan niya eh." Parang yan na ang gustong gawin nila. Halos maglaway na sila.
"Kung pwede nga lang." Landi talaga ni Mae.
Dumating na yung tatlo. Nagulat naman ako dahil wala akong narinig na nagtitilian sa labas bago sila makarating dito. Siguro may teacher na nakabantay kaya hindi makasigaw ang mga malalandi.
"Kumain ka ba?" Nakalimutan ko. Katabi ko nga pala yung isa.
"Tingin mo?"
"Kaya nga nagtatanong diba?" Nagsigawan naman yung dalawa niyang kasama na para bang barado daw ako. Tadyakan ko kaya mga itlog nila?
Dumating na yung teacher namin. Nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan. Buti naman tumahimik na yung katabi ko. Kainis.
***
Lunch na at wala akong balak bumaba papuntang canteen para kumain. Hindi naman ako gutom dahil naubos ko na baon ko nung recess.
"Hindi ka ba bababa, Cara?" Kanina sa recess ayaw nitong magpasama sakin tas ngayon tatanungin ako kung hindi ako bababa? Bastusan ba?
"Ewan ko sayo. Di mo ko tinulungan kanina nung recess. Loko-loko pala ha." Kumuha na lang ako ng papel at blue ballpen. Mas trip ko blue pag nagsusulat o basta kahit saan gamitin. Puro na lang kasi sila black. Para maiba naman.
Umalis na siya at nakalimutan ko pa lang may katabi ako.
"Bat di ka bababa?"
"Sa ayaw ko eh. Pake mo?"
"Sungit."
Nag drawing na lang ako ng kung ano-ano pero pumasok sa isip ko yung cheshire cat sa Alice In Wonderland. Naalala ko yung ngipin niya. I love creepy things tho. Nilagyan ko ng dugo yung ibang parts ng ngipin niya para mukang realistic. Waaaaaah! Masterpiece! Sabihin niyo nang weird ako pero yung pake ko? Nasa basurahan kasama niyo. Haha! I love it talaga!
"Kadiri naman yan." Tae. Nandito pa pala yung ugok na to.
"Pake mo ba? Umalis ka na nga."
"Ayoko nga. Maiiwan ka dito." Nagulat naman ako at tiningnan yung classroom. Aba at kaming dalawa lang ang natira dito.
"So? Asan yung dalawa mong ugok?"
"Ayun iniwanan din ako. Mag date na lang daw tayo." Sa isip-isp ko, wtf? Kami? Date? Nakakatawa.
"Pwede sila maging joker. Bat sila nagmodel?" Inirapan ko si Eric. Pati siya pala pwede. Group of jokers. Bagay diba?
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...