Hay salamat! Natapos na rin ang exams namin!
Lumabas na ako ng school at buti naman nakita ko si Kyla pero hindi niya ako nakita kasi may kinakausap siya. Ka-busmate naman niya kaya sinigaw ko na lang ang pangalan niya.
"Kyla!" Lumingon naman siya sa akin kaya nilapitan ko na siya.
"Buti naman nakita kita dito sa labas! Lagi ka na lang kasing first trip!"
"AHAHAHAHA! Nagkataon lang kasi na naiwanan ako ng school bus namin kaya yun. Nandito pa ako."
Maingay tuloy kami dahil maingay rin pala ang kasama ni Kyla na ka-busmate niya. Pangalan niya ay Angel. Baliw na kaming dalawa ni Kyla. Pag pinagsama kaming dalawa, ang lakas na ng pwersa. Nadagdagan pa ng isa. Kaming tatlo pa kaya? Mas lalo na! Rhyming siya fre! Haha!
Biglang dumating ang school bus ko. Sayang naman. Ang saya-saya kasi pag kasama ko sila. Nagpaalam na lang kao sa kanila.
Minsan pag na-bobored ako, kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Wala naman pati ako magawa sa bus eh. Pag nagiging idle yung utak ko, nakakapag-imagine ako or nakakaalala ng mga memories.
Tuloy naaalala ko na naman yung last year. Parang bata talaga kami nun. Wala kaming pake kung sino man makakita sa amin. Ma-weirdan man sila kasi malaki na kami. Yung Bente Uno times namin. Hindi na kami nakakapag Bente Uno ngayon. How sad life is.
Gusto ko ulit bumalik sa pagka-bata. Yung wala kaming pake kung ano man ginagawa namin.
Nagulat na lang ako nang narinig ko sa radyo... "Now playing, My Life Would Suck Without You by Kelly Clarkson."
Yung kantang nga pala yun ay ang favorite ko last year. Idol ko rin kasi si Kelly Clarkson mula Grade 2 pa ako kaso hindi yung die hard pero isa parin ako sa fans niya and forever na yun.
Nakarating na rin ako sa bahay. Buti naman natapos yung kanta bago ako makarating dito. Favorite ko pa rin yung kantang yun hanggang ngayon. One of my favorites lang pala.
Nakahiga ako sa kama nung nag-iimagine ako. Tumayo ako at naghalungkat ng mga luma kong gamit.. May nakita akong pink na Hello Kitty na wallet. Tiningnan ko yung loob nun. I saw ripped papers with writings on it.
Nasa SM Bicutan ako ngayon. Wala lang. Trip ko lang magpalamig. Wala kasi akong magawa sa bahay dahil bakasyon na namin eh. Saka nagbabaka sakali ako na may makita akong kaklase ko dito or ka-close pala. Miss ko na sila.
Miss ko lang namang pumasok dahil sa mga kaibigan ko hindi mismo yung mga subjects sa school at para mag aral. No just no. Hindi ko naman kasi pwedeng puntahan ang mga bahay nila Ann, Patricia, Kyla at Euncie. Masyadong malayo yung mga bahay nila sa akin. Kung may short cut lang sa underground papunta sa mga bahay nila, araw-araw ako pupunta sa bahay nilakaso wala eh.
May nakita akong damit sa American Blvd. Hello Kitty siya kaso hindi sa akin kasya. Masyadong maliit. The perks of being fat. Sucks.
Napako rin ang mata ko sa isang notebook. Ang design niya ay puro robot. Robots na makukulay. Ewan ko kung bakit ko tong nagustuhan yung mga robots pero irdk. Tiningnan ko yung price. P19.75. Mura na. Parang hindi naman siyang pang school notebook para siya pang... journal.
Napag isipan ko na mag sulat ng journal kasi may mga times na wala akong magawa at napaka-bored ako so isusulat ko na lang yung mga nangyayari sa akin. Remembrance ko pati to noh para pagtawanan ko after 2 or more years na ang nakalipas.
Journal ko last year. Mahilg lang talaga ako magsulat ng mga ganun.
Pagkatapos kong basahin ang mga yun, ngayon ko lang na-realize na ang drama ko pala last yearkasi puro pangalan ng bestfriend ko ang nakalagay dun. Ewan ko kung bakit pero parang halos araw-araw namimiss ko yun eh dahil palagi siyang nakalagay dito. Imbyerna. What the heck?
Parang ang selfish pati ang ugali ko nun or sabihin na lang natin na talagang selfish ako hanggang ngayon? Ang panget ko pati magsulat! Script pa! Kung ano-ano talaga ang pinagsusulat ko dito. Mas baliw kasi ako last year pero mas maingay at makulit ako this year. Magka-iba naman yun diba? Wag niyong sabihin hindi.
Pagkatapos kong basahin ang Journal kong yun, tinext ko na lang si Kyla tungkol dun. Alam kong alam niya rin yun pero hindi ko lang alam kung natatandaan pa niya yung tungkol dito.
Nagulat si Kyla at natawa dahil nasa akin pa rin daw yun. Alam niya kasi na sira na yung notebook kong yun dahil sinira ng tatlong tao. Basta tatlo sila. Tsh.
Tinapak-tapakan. Hinagis-hagis kung saan-saan. Pinag-tripan pa. Sht lang! -__-
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Novela JuvenilMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...