Chapter 12 - A Sad Fairytale

348 10 5
                                    

[Kyla's POV]

Pagkatapos ng klase, umuwi na rin agad ako. Wala ako sa mood. Ewan ko ba kung bakit. Meron na ba ako? Kakatapos ko lang naman.

Buti pa si Tony, may lovelife na. Sila na ni Neo. Eh ako kaya? Kailan darating ang lovelife ko? May nararamdaman pa naman ako ng kaunti kay Nico.

Si Nico nga pala ang gusto ko last year. Hindi naman siya gwapo. Mabait siya. Wala naman kasi sa labas yun eh. Kung magmamahal man ako, sa loob ko yun tinitingnan. Kaya sa lahat ng babae dyan! Umayos kayo!

Ang maganda rin dun. Gusto rin ako ni Nico! Yie! Kiligs! Ay nako. Ang landi!

Gusto niya nga akong ligawan eh kaso ayaw ko pa. Bawal pa din ako.

Gusto ko yung lovelife ko perfect parang isang Fairytale. Sa huli, Happy Ending.

Kaso yung lovelife ko last year ibang klaseng fairytale. Sad ang ending. Alam kong hindi lahat ng fairytale happy ang ending. May sad rin. At alam ko rin na walang lovelife na perfect. Kung meron man, sa mga libro lang yun. Kainis.

Dahil hindi ko siya sinagot, nagalit sa akin si Nico. Nagalit na rin ako sa kanya. Edi galit na kami sa isa't isa! Oh diba?

Kung talagang mahal mo ang isang tao, willing ka na hintayin mo yung taong mahal mo pero kung hindi ka naman willing, hindi mo naman talaga siya mahal kahit ilang beses mo pang sabihin na mahal na mahal mo siya.

Buti pa si Neo. Na-understand niya si Tony. I mean. Secret pala na sila diba?

Basta ang gusto ko sa lalaki ay mabait, matino, palangiti at palaging nagpapangiti sa akin.

Sa pagkaka alam ko, hindi naman ganun si Nico. Mabait lang siya. So wala na pala akong gusto dun? Ang gulo ko.

[Eunice's POV]

May kaklase nga pala akong transferee. Pangalan niya ay Bryan.

Ever since nung kinausap ko siya, parang may iba akong nararamdaman. Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang natutuwa pag kausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit, kung paano, at kung ano iyon.

Parang ang lungkot ng mundo ko once na hindi ko siya kakausapin. Kailangan may araw na kakausapin ko siya. Iba yung saya kong nararamdaman pag kasama siya kumpara kina Kyla at Cara.

Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Ano ba meron sa kanya? I mean. Marami namang lalaki dito sa mundo pero bakit siya? Hindi naman sa ayaw ko. Hindi rin naman sa gusto ko. Nagtataka lang talaga ako bakit siya yung napili nito.

Destiny daw? Ahahahaha! Natatawa naman ako. Hindi ko nga alam kung totoo ba to o hindi.

Hindi ko ma-control sarili ko. Para bang it is making their own decisions?

Yung mga paa ko, kusang lumalapit sa kanya. Mga mata ko, kusang tinititigan siya. Bibig ko, kusang kinakausap siya. Mga kamay ko, kusang kinakawayan siya at...

Ang puso ko, kusang tumitibok nang napakabilis kapag nandiyan siya.

Hindi ko alam kung ano yun pero sabi nila ay love. Love nga ba talaga? Yuck. Sa tingin ko, hinding-hindi ako maiinlove kay Bryan. Basta ang alam ko lang... Hinding hindi ako ma-iinlove sa isang tao.

Crazy Friends Forever (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon