Unti-unti na ako nagiging maingay ulit. Paano ba naman. Ang nasa harap ko rin pala ay maingay at yung katabi niya. Sila ay sina Marjorie at Koleen.
Si Marjorie ay matangkad. Medyo maputi, short-haired na kulot. Parang siga pero mabait rin. Nagkasundo naman kami.
Si Koleen naman ay mabait din. Mas maliit din siya sa akin. Kung ako ay 5'1 siya ay parang mga 4'8. Simpleng maganda, maingay at makulit.
Wala naman kaming halos ginawa sa subjects namin. Nagpakilala lang ang mga teachers at nagpakilala rin kami sa kanila. Pero ang pinakagusto at pinakahinihintay naming subject.
Reading.
"Sige! Iisahin ko kayong lahat. Titingnan ko kung natatandaan ko pa kayo."
Lahat namin kilala yung teacher sa Reading except sa isa naming kaklase na transferee. Kasi teacher namin din siya last year. Sino ba naman makakalimot sa teacher na 'to? Nakakatawa, maganda at palaging nakangiti.
Teacher Ces ang tawag namin sa kanya. Makulit rin naman siya parang kaklase lang namin. Swerte nga nung mga naging adviser siya last year eh.
"Ikaw ay si... Ann! Ann Gabrielle! Tama ba?"
Sa totoo lang nung narinig ko yung pangalan na yun, nagulat ako. Wala akong kilala na Ann Gabrielle. Tiningnan ko kung sino siya pero nakatalikod siya. Short-haired and matangkad.
Halos kilala ko lahat ng students dito kasi mula Grade 2 pa ako nag-aral dito. Halos lahat naging kaklase ko na pero siya hindi pa.
"Hmm. Ikaw ay si?"
Lahat kami nagsigawan. Halos lahat kilala na niya sa classroom kaso si Moriah nakalimutan niya.
"Cher! Hindi niyo na po ba ako nakikilala?! Ako si Moriah! Kayo cher ha! Nakalimutan niyo na ako!" Bigla na lang sumigaw si Moriah.
"Sorry naman! Eh sa 2 months tayong di nagkita, makikilala ko pa ba kayong lahat?" Lahat ay nagsitahimik. Walang kibo. Awkward silence.
"Kaya nga!" Sabay-sabay naming sinabi. Yung iba naman nahuli. Atleast masaya kami.
"Tama nga naman si teacher! Hindi pwedeng magkamali?!" Nagsitingin kami kung sino yung nagsabi nun pero walang kumibo nung sinabi niya yun kasi kilala namin yung boses na yun. Matthew.
Ang PINAKAmayabang sa buong batch namin. Meron din namang nag agree sa kanya para 'di siya nagmukang tanga. Kaibigan pala niya yung nag agree sa kanya. Matulungin din naman siya pero tuwing tutulong siya, pinagyayabang naman din niya.
Pagdating nung Lunch, nagpa simple ako pumunta sa blackboard para tingnan yung muka nung Ann Gabrielle na yun. Parang may feeling ako na gusto ko siyang makilala pero hindi ko lang alam kung paano.
Sa muka niya, muka siyang tahimik. Naka-glasses pala siya. May hawak-hawak siyang libro. Perks Of Being A Wallflower.
Hindi ko siya kinausap. Hindi man lang din ako nagpakilala. Parang na aawkward ako pag kakausapin ko siya kasi yung muka niya pati nakakatakot na hindi mo maintindihan. Baka pag kausapin ko siya, maiirita lang siya sa akin kasi nagbabasa siya ng libro kaya ayoko siyang guluhin.
Englishera nga pala siya kaya hindi siya masyado nagsasalita. Nakakaintindi naman siya ng tagalog siguro.
***
Naka-uwi na ako ng bahay. Pagkatapos ko magbihis ay agad akong humiga sa kama ko.
I'm friendly, yes. Pero umaatras ang bibig ko kapag kakausapin siya. Ganun ba siya nakakatakot? Tae lang.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Mahirap talaga pagod ka kaya nakakatulog ka na lang nang 'di mo namamalayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/4897356-288-k59098.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Ficção AdolescenteMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...