"Oh! May napili na ba kayo kung sino magiging officers niyo?!"
"Meron na cher!" Sabi halos lahat ng mga kaklase ko. Eto naman ako, nakaupong walang kibo pa rin. Katamad magsalita eh.
"Sige. Sino boto niyo maging President?" Maraming nagtaas ng kamay.
"I nominate Lia as a President." Si Lia ay napaka responsible kaya sa kanya ako boboto. Si Pia naman ang nag-boto sa kanya kasi magpinsan silang dalawa kaya tulungan. Alam ko na gusto naman ni Lia maging President.
May nagsusulat sa black board ng mga nominees. Parang kilala ko yung nagsusulat dahil sa buhok niya. Palagi ko kasi siyang nakikita last year. Hm. Eh dahil nga nagsusulat siya sa blackboard, hindi ko makita yung muka niya. Nung pagtalikod niya...
Oonga. Kilala ko siya. Siya ung MVP namin sa volleyball last year. Ang pangalan nga pala niya ay Patricia. Parang sikat siyang studyante somehow pero parang hindi rin. 50 50 I guess. Kasi lagi kong naririnig yung pangalan niya pero parang hindi naman siya familiar sa iba.
"I nominate Ryan as President!"
"I nominate Cara as president!"
"The nomination for the President is now closed." Sabi niTeacher Leah
"I SECOND THE MOTION!"
Bumoto na sila. Mygad. Asa pa kayo mananalo ako.
Si Lia ay nakakuha ng 11 votes.
Si Ryan ay 15 votes.
Ako naman nakakuha ng 6 votes. Worth it grabe. -insert sarcastic tone here-
"So the President is Ryan! Congratulations!" Sayang. Gusto ko pa naman si Lia yung Pres.
"Let's vote for the Vice President! Shall we?"
"I nominate Lia as Vice President!" Ako na mismo nagsabi. Kailangan na niya talaga manalo.
"I nominate Cara as Vice President!" Moriah nominated me again. Ayos lang yan.
"I nominate Patty as a Vice President!" Nagulat ako sa boses na iyon. Hindi ko ineexpect na magsasalita siya. Sa pagkaka investigate ko, talagang tahimik siya. Investigate talaga eh noh. Plus, ang fluent niya talaga mag-English. Inggit ako. LOL.
Tinitigan ni Patricia si Ann. Halatang ayaw ni Patricia maging Vice President kaya nagtawanan kaming lahat.
"The nomination for the Vice President is now closed."
"I SECOND THE MOTION!" Eto nanamang mayabang to! Nakakainis na eh! Hindi ba siya talaga titigil?! Tadyakan ko yan eh. Yes, of course si Matthew. The one and only mayabang.
Ang votes ni Patricia ay 4. Tuwang-tuwa si Patricia. Syempre! Sino ba ang hindi matutuwa kung hindi ka naboto as the Vice President pag ayaw mo naman talaga?
Ako naman ay 12.
Si Lia naman ay 16.
Malapit na ako. Phew! Buti naman hindi ako umabot.
"So the Vice President is Lia!"
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...