Chapter 2
I bowed my head, tulad ng nakasanayan ko. Pag-angat ko seryoso parin itong nakatingin sa akin, walang nagbago, kahit ang ekspresyon nito sa mukha.
"Gutom ako." napatikhim naman sila nanay Nineth at tatay Jobert.
"Then why are you eating my Macaroni?" plastado ang inis sa mukha, habang mapanuri ang tingin sa akin.
"Masarap." maikli kong sabi.
"Who are you?" ngayon ay nakaupo na siya habang nakaharap sa akin. Hindi ko inakalang isa rin siyang imbestigador.
"Crossant Jaze Roxas. Personal Driver of your younger brother, Asher." inalis niya naman agad ang tingin matapos ko iyong banggitin.
"Hm. Nay Nineth, I want Macaroni please,." paghingi nito na ngayon ay maamo na ang tingin. "Fried Chicken?" tanong nito sa akin. Halos diko makilala ang ugali nito. Kanina lang seryoso, mapanuri, mapanghusga at alanganin ang trato sa akin.
Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Umiling nalang ako dahil busog narin naman ako. "Hindi na." tugon ko.
"K." nakatutok ang paningin sa Macaroni, ganito ba talaga ka adik ang lalaking ito. Ilang segundo lang ang lumipas ang kaninang punong puno ay halos maubos na.
Tumayo na ako para hugasan ang nagamit ko ng biglang pumunta si Nanay Nineth sa tabi ko. "Ako nalang maghuhugas niyan anak. Pumunta ka nalang kay ma'am Sharline baka may gustong ipagawa iyon." kahit may katandaan na, makikita mo parin ang liksi niya kung kumilos.
"Sigi po, nay." paalam ko sa kanila at tumalikod. "Una na ako sir." yumuko pa ako, ngunit bigla itong nabulunan.
Binabagtas ko ang mahabang pasilyo, halos masilaw ako sa liwanag, lalo na sa nagkikinangang Aranya. Nadaanan ko ulit ang family Portrait, na may pagkamangha at lungkot. Kailan kaya..? Inalis ko agad ito sa isip.
Hindi ko sila nahanap sa living room, lumabas nalang muna ako para magpahangin. Binagtas ko ang likurang bahagi na may puno, malaki ito. May nakatambay na mga kalalakihan, naghahampasan pa ang dalawa.
Napatingin naman sa gawi ko ang lalaking naka-clean cut, na parang nambubugbog ng walang dahilan. Iikot na sana ako pabalik ng may bigla itong tinawag. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ngunit napatigil ng ako pala ang tinutukoy niya.
"Hey! Lalaking naka Black Pants at Black Sleeves. Can you come here with us." nagdadalawang isip pa ako ngunit sumunod rin. Sa aura at tindig nila ay parang may kakayahan, mayayaman. "Have a sit." kaya wala akong nagawa.
"Are you new?" nakahawak pa sa panga nito. Ito iyong tumawag sa akin kanina.
"Oo." humahalakhak naman ang dalawang lalaki na naghahampasan kanina.
"Ang tipid mo namang magsalita dude. Tyrone nga pala dude." nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba. Ngunit tinanggap ko nalang, sumunod naman ang dalawang lalaki.
"Zakairus here pre. I'm always available just call me." katulad ng nauna ay tinanggap ko parin, pero takang taka ako sa pinagsasabi niya. Available, for what?
Binatukan naman nitong isa ang nauna, bago ito nakipagkamay sa akin. "Ako ang palaging available kahit 24/7 pa, makokontak mo ako palagi. Sage, pare." hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin, komportable naman ako.
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romance"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl