Chapter 22
Isang linggo na ang nakalipas ngunit patuloy paring bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala. Nakauwi kami bandang 2 AM, nagpasundo kami kina Hilton at Calister.
"What if pupunta tayo ng Siargao this month? 2 weeks."
Naglilinis ako ngayon dito sa silid niya, may bookshelf sa gilid ng glass table, may lampshades, 100 inches na TV at sa isang pinto naman ay ang closet niya.
Nakaharap siya sa akin habang nakadapa sa kama.
"Ikaw babe? Maganda rin naman doon." komento ko.
Sinasabi niya kasing mag bakasyon raw kami. Okay rin naman sa Siargao. Sa napapanood kong mga video napaka ganda nga tapos malinis ang paligid. Kaya nga maraming turista ang nagbabakasyon.
"Then it's settled na, Siargao for 2 weeks. Isasama ba natin si Valdimer?" nitong nagdaang araw nasasanay narin siyang pakisamahan si Val.
"Itanong nalang natin mamaya. Mukhang busy pa naman ang isang yon."
Nakahilera ng maayos ang mga libro niya sa bookshelf. Madali lang gawin ang pina patrabaho niya. Maglilinis lang nang buong silid.
Tinapik niya ang gilid ng kama. Humiga ako rito at sandaling napapikit. Ang gaan sa pakiramdam.
Agad naman siyang yumakap sa akin. Humarap ako sa kanya at agad na pinatakan ng magagaang halik ang buong mukha.
"Babe." napatitig ako sa kanya. Seryoso niya akong tinitigan bagama't may nangungusap na tingin.
"Babe." tugon ko naman na agad niyang ikinangiti. Gusto lang ata nitong magpa-baby kaya nagpapapansin.
Hinaplos niya ang mukha ko, "Whatever happened, don't you ever leave me. You're bound to love me forever."
"I do. Mamahalin kita kahit na makakalaban ko ang buong mundo. Kahit na ipaglayo man tayo ng tadhana hahanapin parin kita. Babalik at babalik parin ako sayo."
Pinaglalaruan ko ang buhok na humaharang sa mga mata niya. Iniisip na paano pa ako makakaalis sa kanya —sa kanila kung kahit pagpikit pa lang nakakatakot nang gawin. Baka pag mulat ng mga mata ko, hindi na pala ako ang gusto. Baka mapagtanto nila na hindi naman pala nila ako mahal.
Natatakot akong mapag-iwanan pero mas nakakatakot na malaman na hindi naman talaga ako ang mahal.
"They said that chase your dreams. That's what I'm doing now. Chasing you is the best feeling I would be proud of and I will always be."
Masasabi kong napaka swerte ko sa taong 'to. Siguro kung iiwan man ako ng taong 'to magagawa ko paring magpasalamat. Marami akong natutunan sa kanya na masasabi kong napakagandang bagay.
"If I am your dream then I think I have the rights to actually make it happen." nakangising saad ko sa kanya. Masaya ako sa mga naririnig ko ngayong araw.
"Really?" hindi makapaniwalang titig ang ipinupukol niya sa akin. Ayaw pa atang maniwala.
"From the very beginning you already owned me, babe. Fortunately, you are."
Sinusuntok niya ang gilid ko habang bagama't namumula ang magkabilaang pisngi. Kinikilig na naman ang lalaking to...sigurado.
"Kinikilig ako. Puta!" tinakpan ko naman ang bibig niya. Nakakagulat rin rin talaga kapag nagmumura siya sa lengguwaheng tagalog.
Inunan niya naman ang malaking braso ko na nagpapahinga sa malambot na kama.
Nagulat pa ako ng makita si Yllon sa sofa habang nagdadampi ng yelo sa pisngi. Palagi nalang napapaaway sa kanto, hindi na'to maganda.
"Napaaway ka na naman?" naglakad ako papunta sa sofa.
Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagdampi ng bimpo. Ang daming sinusuong na gusot.
"Maiwan na muna kita. Magpagaling ka." tuloy tuloy ang pasok ko sa loob, nakangiting humiga sa malambot na kama.
Mababaliw na yata ako.
Paikot ikot ako sa kinahihigaan habang iniisip ang mga sinabi ni Klein kanina. Gago, ako pa ata ang mas kinilig sa aming dalawa.
Kapag pipikit naman ako agad na lumalabas ang mukha niya. Hindi na tuloy ako mapakali.
Nandito kami ni Hilton sa Vet. Magkasama kaming pumasok sa loob, sumalubong sa amin ang isang lalaki na nakangiti.
"Kukunin mo na ang aso kuya? Nakatulog na si Spark." masayahin ang batang 'to. Sa akin naman siya tumingin. "Hi po. Ikaw po ba ang boyfriend ni kuya?" nanlaki naman ang mga mata ko. Napabaling ako kay Hilton, na namilog rin ang mga mata. Hindi rin inasahan ang tanong ng kanyang kapatid.
Sa akin naman siya bumaling at bahagyang bumulong, "Huwag mo nalang pansinin."
"Kamusta. Hindi ako ang boyfriend ng kuya mo." tumango tango naman ito.
"Okay po. Ako po pala si Hunter, nagtatrabaho po ako rito."
Sinamahan niya kami hanggang sa kay Doc. Nagbatian naman ang dalawa.
Kaagad rin naman kaming umalis ng makuha si Hoggie. Payapa parin itong natutulog hanggang sa makarating kami sa mansion.
Kaagad na sumalubong sa amin ang isang malaking aso na kulay itim, humihingal pa. Tinapik tapik naman ni Hilton ang ulo nito.
"Pasensiya pala kanina, hindi ko rin inaasahan na itatanong ni Hunter ang bagay na iyon sa'yo."
"Ano ka ba, okay lang iyon. Pagbalik mo ro'n isama mo na ang boyfriend mo." mahina naman itong natawa.
"Kung sasama ang makulit na 'yon."
Magkaiba kami ng daan na tinahak. Pagpasok ko sa loob ng Bodyguards Quarter namataan ko agad ang mga nagkalat na balat ng chichirya. Nakukunsumi kong pinulot bawat isa, mabuti nalang hindi nilanggam.
Nag-vibrate naman ang cellphone na nasa bulsa, iniisip na si Val ang nagtext. Hindi na siya madalas magpadala ng mensahe sa akin. Naiintindihan ko naman kung gaano siya ka busy sa trabaho.
Lola Usang:
Ingat ka diyan nak. Wag magpapalipas ng kain. May sasabihin ako pag-uwi mo. Mahal ka ni nanay.
Cross:
Miss na kita la. Mahal na mahal ka ni Cross. Kain ka rin sa tamang oras la.
Nilagyan ko pa ng red heart emoji. Ang sweet talaga ni lola.
Hanggang sa natapos akong mamulot ng nakakalat na basura nasa isip ko parin si lola. Ito na ba yung hinihintay kong tamang oras. Kasi may ibubunyag rin ako sa kanya.
Cross:
May ipapakilala rin ako sayo la. Huwag kang magagalit ah.
Tamad kung binuksan ang pinto at kaagad na bumungad ang masayang mukha ni Klein. Pinagmasdan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Pinupukulan ko siya ng nagtatanong na tingin. Anong meron?
"Babe. Can you go out with me?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Bakit ganyan ang suot niya, parang pupunta sa party.
"Saan naman?" nagsususpetsa kong tanong. Iba ang kutob ko sa ngiti niyang 'yan.
"Let's go to Andreas party."
Sabi ko na nga ba. Hindi naman ako makahindi dahil nangungusap ang namumungay niyang mga mata sa akin. Kinukuha ang loob ko sa pamamagitan nito.
May nilahad naman siyang damit na susuotin ko. Isang pares na formal suit ang ibinigay niya.
Nakasunod sa bawat galaw ko ang tingin niya. Kahit na sa paghubad ng pang-ibaba hindi parin niya ako nilulubayan ng mapanuksong tingin.
"Alam ko ang nasa isip mo, babe." nginuso ko pa ang harapan niya. "Galit na."
Natatawa ko naman siyang tinalikuran.
"It's your fault babe." at ako pa nga ang nasisi.
"Okay. Kailangan ko pa ata 'yang paamuhin." naglakad naman ako papunta sa kanya. "Let's give it a quickie, babe." kaagad naman siyang tumango ng walang pag-aalinlangan.
| Sairoimes |
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romans"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl