Chapter 12
Nagliligpit ako ng mga kalat dito sa B.Q ng masagi ko ang basket na may lamang mga damit ni Yllon. Pinulot ko nalang ulit at binalik sa basket. Napahinto ako ng makita ang isang duguang sleeves, saan 'to galing? Bakit may dugo? Ilalagay ko na sana ito sa basket ng may nalaglag na litrato mula sa damit nito. Nagtataka ako habang nakatitig sa masayang pamilya, parang pamilyar ang batang ito.
May pagkahawig ni...Yllon? Tama. Si Yllon nga ito tapos ang mga magulang niya. Ibabalik ko na sana sa loob ng masilip ko ang nakasulat sa likuran nito.
"Maghihiganti ako para sa'yo. Maghihiganti ako sa kanila." mahina kong bigkas, iyan ang nakasulat. Sino naman ang paghihigantihan niya? Kung maghihiganti siya, wala na ako roong kinalaman. Problema nila ng magpamilya kaya wala ako sa lugar na manghimasok kahit na naiisip kong masama ang maghiganti.
Napahiga kaagad ako sa kama, sobrang pagod ang nararamdaman ko. Nilinisan ko ba naman lahat ng mga nakakalat sa sala, sa kitchen, at sa c.r. Magiging extra-kasambahay pa ata ako.
Ngunit napabangon rin kaagad dahil may kailangan pa pala akong gagawin. Kumuha muna ako ng damit bago dire-diretsong tumungo sa Bodyguard's Bathroom. Naabutan kong nagbabanlaw na si Yllon ng buong katawan. Napahinto ang paningin ko sa gilid nito na may tahi, parang bago lang ang mga sugat na natamo niya. Malaki laki rin ang tahi nito sa gilid. Kaya ba may dugo ro'n sa damit niya? Hindi ko namalayang nakaharap na pala si Yllon sa gawi ko.
Napatikhim naman ako at umiwas ng tingin sa gilid niya. Baka akala nito binubusuhan ko siya.
"Kanina ka pa?" tanong pa niya na ikinalingon ko sa gawi niya.
"Bago lang, ikaw kanina ka pa rito? At iyan..." sabay nguso ko sa gilid niya na may tahi, napaiwas naman siya ng tingin. Lumilikot rin ang paningin niya.
"Kanina pa ako rito..."
Hindi ko na siya kinulit pa, tumango nalang ako at tumalikod na. May rights naman siyang hindi sumagot, alam ko rin naman ang salitang privacy. Nakatalikod lang ako sa kanya habang inaalis ang saplot sa katawan. Ang lagkit ng buong katawan ko, kaya sunod sunod ang pagbanlaw ko sa buong katawan.
"May nangyari lang na hindi maganda, napaaway sa kanto." napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi ako naniniwala. Hindi normal na tao ang gumawa niyan sa kanya. Kung taong kanto lang hindi ganyan ang makukuha niyang sugat, mabubugbog lang siya, pero iyang sugat sa gilid parang malalim e.
"Nakabawi ka ba? Gusto mo balikan natin?" nagbibiro kong tanong sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na seseryosohin niya pala.
"Handa ka ba. Handa ka bang pumatay ng tao." sa pagkataranta, mukha ko na pala ang sinasabunan ko. Tang-ina talaga.
Inilingan ko nalang siya dahil ayoko pang maging kriminal. Naghahanap nga ako ng matinong trabaho tapos sa kulungan lang rin naman ang bagsak. Wag nalang uy! Biniro ko pa siya na ipakulam nalang namin ang taong iyon. Napatawa naman siya. Kaya agad na gumaan ang paligid.
"Okay lang ako." pagsasalita niya sa gitna ng pananahimik ko.
"Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako....kahit na ano, pag-uusapan natin yan. Nandito lang ako...kami." tanging nasabi ko nalang bago nagbanlaw sa sarili. Hindi na siya sumagot pa pero alam kung narinig niya ang sinabi ko kanina. Malihim rin pala ang pandak na 'to.
"Una na ako." tanging nasabi nalang niya bago lumabas.
Akala ko pa naman sa aming lahat siya iyong taong magdadabog kung may problema, handang ipaalam sa nakakapaligid na mayroon siyang dinaramdam, yung ang daling lapitan at bigyan ng payo. Ngunit hindi ko talaga inaasahan na malihim pala ang isang 'yon. Tinapos ko na ang huling banlaw bago nagbihis ng pambahay na damit. Walang lakad ngayon si sir Asher. Kaya makakapag empake ako ng mga damit dadalhin ko sa pag-uwi ko bukas.
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romance"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl