Chapter 03

185 15 2
                                    

Chapter 3

Huminto ang kotse ni sir Racer kaya ipinarada ko narin ang akin. Quadrangle High. Malayo layo ito sa kabahayan ngunit marami parin ang pumupunta. Marami ang kotseng nakaparada sa Parking Lot. Mabuti nga at nakapag-book na pala si Sage kanina, habang papunta palang kami rito.

Hindi masyadong maingay ang paligid, napansin ko rin na makakapal ang pader na pumapalibut sa bar na ito. Tinted rin daw ang loob, sabi nitong katabi ko.

Naghintay ang tatlo sa entrance na panay turo sa mga babaeng bumababa mula sa kani-kanilang kotse. Napalingon ako sa likuran ng biglang may nagsalita.

"Hey, handsome can you accompany me tonight?" malanding pagkakasabi nito na ikinataas ng mga balhibo sa katawan ko. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong babae.

Tutugon na sana ako kaya lang naunahan ako nitong si sir Racer. "No, thank you miss. Saamin siya sasama. Maghanap ka nalang ng ibang ikakama." papasok na sila kaya sumunod nalang ako, nilingon ko ang babae na sinenyasan ko ng "sorry". After all babae parin iyon.

"Makakaisa ka na sana pre kung hindi lang pakialamero itong si Funti, happy happy lang dapat e. Mainit ang ulo ngayon." napansin ko nga wala siya sa mood. "Basta hahanap tayo ng babae mamaya. Okay?" tumango nalang ako kahit wala naman talaga akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay ang umuwi na kasama si sir Asher. Maingay dito. Sobrang ingay.

Lumingon lingon naman ako sa paligid dahil parami ng parami ang tao. Kakapasok palang namin ng may nabangga ako, nakabangga sa akin. Nilagpasan lang ako ng lasing na lalaki habang nakayakap sa baywang nong babae. Naamoy ko pa ang natapon na inumin nito sa aking dibdib. Ang tapang, ang baho.

"Huy Cross! Bilis. Dito, dito." iwinagayway pa ni Tyrone ang dalawang kamay, naiwan na pala ako.

Nakasunod lang ako sa kanila papunta sa VIP floor. Bigla akong hinarangan ng guard, hinanapan ng card. Pumunta naman agad sa tabi ko si sir Racer.

"He's with me." kilala na ata siya dahil pinapasok kaagad kami. The Rich connections advantages.

Sumabay sa paglalakad namin ang tatlong nauna. Binabagtas namin ang malawak na hallway papunta sa itaas. Nagsimula na akong makarinig ng ingay, iba't ibang klase ng ingay.

Ganito ba dapat, ako pa ang nahiya?

Huminto kami sa Room 035. Ito ang panghuli na pinto. "Papasukin na ba natin, i-su-surprise?" nagtulakan pa ang dalawa.

Ngunit si sir Racer parin ang bumukas sa pinto, patuloy parin kasi sa pagkulitan ang dalawa. Sarap itapon papunta sa first floor tignan natin kung hindi sila gugulong sa saya.

Bumati ang mabahong amoy kasabay ng malakas na tawanan ng nasa loob. Ngunit ang sinadya ko ay wala rito. Nang makita ng lalaking umiinom si sir Racer ay agad itong tumayo at nakipag fist bomb. Sumunod naman ang tatlo, nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang paligid.

Ang lalaking may kandung na babae ay lumingon sa gawi ko. "Rac, new friend? Pakilala mo naman kami." umiwas ako ng tingin habang ginagambala ang tingin sa paligid.

"No. He's here to fetch my cunning brother." tila naintindihan nito kaagad ang ibig sabihin ng lalaki. Sa buong buhay niya wala siyang itinuturing na kaibigan kundi ang trabaho at si lola Usang lang.

Tahimik lang akong nakatayo ngunit naramdaman ko ang pagkailang. Hindi na ako nasanay. Tsk.

"Labas lang ako." hindi ko na hinintay na makapagsalita ang nasa loob, dire-diretso ang tingin na binabagtas ang dim na hallway.

Sa di kalayuan may naaninag siyang dalawang bulto na gumagawa ng milagro. Maliwanag sa bandang ito, nagsimula siyang maglakad papunta rito. Kaya lang napatigil ng makita ang taong nakapikit habang nakakandung ang babaeng maikli ang damit. Mukha namang nagugustuhan nito ang ginagawa.

Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig, napamulat ng mata ang lalaki, si Asher Klein Zargon na galit ang tinging ipinipukol sa kanya.

"What the heck! You want to join?" nagsimula na akong makaramdam ng inis. Ngunit may naalala, kailangan ko pala itong iuwi sa mansyon. Mukhang hindi pa naman ito lasing.

"No thank you." kasabay non ang pagkuha ko sa pakete ng Strawberry Condom sa bulsa ng pantalon ko. Tinapon ko ito sa mukha niya, ang kaninang galit na mapang-asar, wala ng emosyon habang nakatitig sa akin.
"Pinapakuha ka ni ma'am Sharline at...utos niya 'yan. Hihintayin nalang kita sa labas." labas sa ilong na sabi ko, hindi ko na ulit nilingon si sir Asher.

Habang pababa napatingin sa gawi ko si manong guard. Nagpatuloy lang ako hanggang marating ang baba, nitong floor area.

Nagkanda tulak tulak ang iba, nasasagi pa ang tagiliran ko. Maraming lasing na sumasayaw habang may kahalikan sa gitna. Nagmamadali akong sumuot para makalabas. Sa nakakabwisit na panahon natulak pa ako nong lalaki. May nabangga ako sa likuran at hindi ko alam kung mabuti ba ito o masama. Paglingon ko sa gilid ay isang pares na mata ang sumalubong sa akin.

Lumapit ito sa akin na agad akong kinwelyuhan. Hindi ako pumalag nakita ko pa ang pagtaas nang kamao niya, itinagilid ko nalang ang mukha. Sasaluhin ko lahat ng suntok niya.

Ilang segundo na ang lumipas ngunit walang kamaong tumilapon sa mukha ko. Naaawa ba ito. Narinig ko pa itong nagmura. Binitawan niya ako kaya dali dali akong umalis, hindi ko na nilingon ang tawag niya.

Pagkalabas ko hinanap kaagad ng mga mata ko ang kotse. Naglakad ako papunta rito, pumasok sa loob at bahagyang napabuntong hininga. Unang araw pa nga lang ganito na ang kinahihinatnan, ano pa kaya sa susunod na mga araw.

Matutulog nalang muna ako. Mamaya pa naman siguro darating iyong si sir Asher. Pumikit ako, kaagad na kinain ng dilim. Ilang minuto na ata akong natutulog dahil nanaginip na ako.

Sa panaginip ko ay may humalik sa akin. Matagal. 2 minutes? Gusto ko nang gumising pero ayaw naman ng mga mata kong bumuka. Hanggang sa nawala ang malambot na labi.

Napabalikwas naman ako habang kusot-kusot ang mga mata. Ano bang klasing panaginip iyon. Nang ha-harass. Sign na ba ito para maghanap ng girlfriend?

Nataranta naman ako ng may kumatok. Inayos ko ang sarili at tinignan kung sino ang nasa labas. Ngunit napaayos rin ng upo ng makita kung sino ito, kaagad na lumabas at pinagbuksan ang lalaking galit ang matang ipinupukol sa akin.

"Who's that guy?" nagtaka naman akong tumingin sa kanya.

"Sino?" nakita niya ba ang lalaking muntik na akong suntukin. Iyon yata ang tinutukoy ni sir Asher. "Hindi ko iyon kilala sir." ngunit mas lalong lumukot ang mukha nito.

"The guy who just came out in this car." hindi naman ako makagalaw.

"Huh."

Are those real? Wtf! A guy?

| Sairoimes |

Under the Stormy Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon