Chapter 5
Mag-iisang Linggo na nang mangyari ang bagay na iyon. Pansin ko lang iniiwasan ako ng amo ko.
Kung ganon ang arte naman niya. Hindi ko nga alam kung sino iyong humalik sa akin, tapos intruder pa.
Hindi ko pansin ang araw na muntik ko na ring makalimutan si Lola Usang.
No'ng nakalabas ako ng mansyon, kaagad akong nagpa-load. Kinamusta ko si Lola at pinadalhan na rin ng kaunting pera.
Matapos kong maligo sa Bodyguard's Bathroom dumiritso ako sa kitchen. Ako nalang siguro ang magluluto para sa umagahan.
Pagkaalis ko do'n sa Bodyguard's Quarter kanina, tulog pa ang lahat, humihilik pa ang iba.
Naka Black Tshirt at Black shorts ako ng bumalik sa Bodyguard's Quarter, napakamot ako sa tenga.
Sigurado ba silang pumunta sila rito para magtrabaho? o magpalaki ng bayag.
Naghanap nalang ako ng mga gagamiting sangkap para sa Chicken Adobo. Bukas pa kasi ulit kami makakalabas para bumili ng stock ng mga pagkain sa mansyon, araw ng Sabado.
Ilang minuto rin ang ginugol ko bago natapos ang lahat. Nilanghap ko muna bago tiniknam, ang sarap naman talaga.
Nagulat pa ako ng may umakbay sa akin, si Calister lang pala.
"Hindi mo kami ginising. Nakatulong sana kami." kahit na paghahampasin ko pa sila ng walis, hindi rin sila magigising.
Daig pa nila yung alarm clock ko dati sa lakas nilang humilik.
"Okay lang. Gisingin mo nalang yung iba."
Pagkabalik niya nagsisulputan narin ang mga mukha ng mga bagong gising. May laway pa sa gilid ng labi, habang may bakat ring unan sa mukha.
Kinagat ko nalang ang labi ko habang palihim na tumatawa. Grabi, dinaig pa nila iyong donyo sa kanto, hari ng boy laway.
"Maghugas muna kayo ng mukha. Isama niyo narin pati bunganga, baka mahimatay nalang kami bigla, makonsensya naman kayo." hindi ko alam pero sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilang tumawa, hayop na'to.
"Baka may mahimatay. Maawa naman sana."
Masaya ang umagang iyon, nakakausap ko narin silang lahat. Gumaan bigla iyong pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan.
Siguro dahil kumportable ako kasama sila, o di kaya ay dahil mababait sila.
Nararamdaman ko nang may karamay ako, hindi lang sa mga gawain kundi sa saya at lungkot ng buhay ko.
Ang tagal narin pala no'ng unang pasuk ko rito, 1 month na bilang tagasama kay Asher, sakit nga talaga sa ulo.
Sa pagsama ko sa kanya sa iba't ibang club, walang araw na wala siyang nakakaaway.
Kung nagsuntukan sila dahil sa isang babae, ako naman baka makasuntok ng taong laging dikit ng dikit.
Bubungiin ko nalang 'to.
"Zak, bakit ba dikit ka nang dikit kay Cross? Babae ka ba?" mas kumapit ng mahigpit si Zakairus sa akin.
"Ano naman ngayon, huy Sage hindi ko pa nalimutan iyong pag-iyak mo dahil sa isang babae. Mas nagkakamukha kayo ng pwet mo." nagsisimula na naman sila, sarap tapalan ang mga bibig.
"Ikaw iyon e, nang-aaway ka pa ng litrato. Sino ba ang nagsabi na magbabading nalang siya dahil sinaktan ng isang babae?" rebut ni Sage na ikinangiwi ko.
Napabaling naman ang tingin ko kay Zak, na nanlalaki ang mga mata at nakanguso habang kumikibot ang labi.
"Ano ka ngayon?" tapang-tapangan ni Sage, alam niyang dehado si Zak sa pagkakataong ito.
Akala ko rin napipi na itong tuko na nakadikit sa akin, "Shut up, canal licker."
Hindi ko alam kung si sir Asher ba talaga iyong kailangan kong bantayan o itong dalawa.
Nagkaintindihan kasi ang magkakapatid na mag-inom sa Quadrangle High, hindi naman mawawala itong dalawang buntot ni sir Racer.
Nangunguna pa sa kakupalan itong mukhang tuko.
Nagmamasid lang ako sa paligid habang tahimik naman ang dalawa, wala pa kasi si Tyrone. Pero binasag rin ni Zak ang katahimikan sa aming tatlo.
"Umiinom ka ba Cross?" napatingin naman ako sa kanya.
"Umiinom naman ako minsan." pero mukhang pagsisisihan kong sumagot pa ako sa kanya. Ngumisi ito habang nagkatitigan sila ni Sage.
"Inom!"
Napatingin tuloy ako sa paligid, sumigaw ba naman ang dalawa ng sabay.
Hindi ko tuloy alam kung tama bang sa kanila ako sumama.
Sumama lang ako sa kanilang dalawa dahil naiilang ako sa titig nong kaibigan ni sir Asher.
Isipin mo nga isa kang lalaki tapos nakatitig ka sa isang maskulado rin, anong mararamdaman mo?
Siniko naman ako ni Zak dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Inom muna. Wag ka nang lilingon doon." kinuha ko nalang ang basong may lamang alak.
Napapikit pa ako dahil sa sobrang pait. Anong klaseng alak ba ito? Parang sinusunog ang laman ko.o
"Ang kupad talagang kumilos ni Tyrone, anong oras na o?" madramang pagkakasabi ni Sage habang nakahawak sa sintido, habang hindi pa naman ganon katagal bago kami nakarating dito.
Pinasa naman ni Zak ang baso kay Sage, "Huy, madaya ka Zak bakit punu itong sa akin. Yung sa'yo kalahati lang, yung totoo gusto mo ba akong magkasakit sa apdo." kinuha naman ni Zak ang maliit na unan na hindi ko rin alam kung saan niya napulot.
Nasapol naman sa mukha si Sage, "Bobo mo talaga. Atay yun! Hindi ka pa nga umiinom tinatamaan ka na." natatawang pagkakasabi ni Zak.
Hindi ko talaga alam kung paano nagsusurvive si sir Racer sa dalawang 'to.
Inisang lagok ko ang alak, mukhang pati ako natatamaan na. Napahawak naman ako sa lalamunan, grabi ang tapang.
Nagpaalam ako sa dalawa na pupunta lang ng banyo, muntik ko nang tusukin ang mga mata nila ng tignan nila ako nang may malisyosong tingin.
Napahawak ako sa pader ng biglang umikot ang paningin ko. Sinampal sampal ko pa ang pisngi para lang mabawasan ang kalasingan, ang hina mo.
Nang luminaw ang paningin ko agad akong pumunta sa may dulong cubicle. Ibinaba ko ang aking pants, sa wakas nakahinga na rin.
Naalala ko naman ang kasamahan sa mansion, nakakalabas rin kaya ang mga iyon katulad ko na may libreng inom pa.
Naalala ko naman si Yllon na hindi pa nakaka-uwi sa mansion, malamang kasama non ang amo niyang si sir Ashton.
Tinapos ko na agad at naghugas ng mga kamay. Naramdaman kong may pumasok, hindi nga ako nagkamali dahil bigla itong tumabi sa akin at naghugas ng kamay.
Binalingan ko ng tingin ng matagpuan ko itong nakatitig sa akin.
Sinamaan ko naman ito ng tingin at binilisan pa ang paghugas ng kamay, bakit pa kasi ako nagsabon, ang dulas tuloy.
May problema kaya ito sa akin, hindi ba naman inaalis ang pagkatitig sa akin. Tumaas naman ang sulok ng labi nito na hindi ko alam kung bakit.
Nangilabot ako sa di ko malamang dahilan.
| Sairoimes |
![](https://img.wattpad.com/cover/372108979-288-k569316.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
RomanceE P I L O G U E "Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Polyamory | bl