Chapter 4
Tahimik ang paligid, walang gustong bumasag, kahit na ako. Hindi ko rin alam ang sasabihin. 'Yung mararamdaman ko sa sinabi ni sir Asher. Ang first kiss ko nakuha ng hindi ko kilalang tao, worst is sa lalaki pa.
Narating namin ang mansyon. Bumaba ako at pinagbuksan siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ng ikutan niya ako ng mata, ngunit galit parin ang tingin. Isinarado ko ang kotse ng makaalis si sir Asher.
Hinayaan ko nalang siya sumunod nalang rin ako papasok. Naabutan ko pa sila ma'am Sharline na kinakausap si sir Asher. Masama naman ang timpla ng mukha habang nakikinig. Tuluyan akong pumasok sa living room ng umakyat na ito paitaas.
"Kinausap ko siya tungkol sayo, ayun nagulo ang mukha ng sinabi kong ikaw ang bagong personal driver." kaya pala. Wala akong dapat ikabahala. Kung may mangyari handa naman akong managot. "Magpapahinga ka na ba son? Nasa bodyguards Quarter ang tutuluyan mo. May isang silid doon na bakante, yung pinakadulo. Kompleto na ang gamit roon. Kung may kailangan ka pa son, lumapit ka lang sa akin, o di kaya magtanong ka kay Yllon."
"Yes, ma'am." ngunit sinamaan niya ako ng tingin. "Ah, Salamat ate Sharline, tutuloy na ako." alam ko na kung sa'n ang bodyguards Quarter, nasa may dulo iyon ng likurang bahagi nitong mansion.
Kung pagbabasehan ang trabaho ko ngayon, walang wala ito sa mga nauna. Karga rito, karga roon. Utos rito, utos roon. Hindi pa pwedeng magpahinga, oras na makita kang nakatunganga dalawa lang ang kahihinatnan. Pagagalitan ka o Tanggal ka na. Masaklap ang buhay lalong lalo na sa hindi nakapag-aral. Magiging utusan ka lang o di kaya mamatay kakahintay sa himala.
Nagawa kong i-give up ang pangarap ko ngunit hindi naman ako nagsisisi. Kung ang pagsuko ang tanging solusyon para mabawasan ang pasanin niya sa buhay, handa kong talikuran ang lahat matulungan lang si lola Usang.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong wala sa sarili, namalayan ko nalang na nandito na ako sa harap ng Bodyguards Quarter. Maingay sa loob gusto ko nalang tuloy bumalik doon kay ate Sharline saka humingi ng pabor, hindi ako papalag kahit na aso ang katabi, basta hindi nangangagat.
Sa huli pinihit ko parin ang busol ng pinto gumawa pa ito ng kaunting ingay. Hindi ko na nilingon ang mga taong nanonood ng palabas, ano yan nanonood ng porn tapos padaliang tumayo? Nailing nalang ako.
Malaki itong Bodyguards Quarter, lampas twenty rooms. Kaya lang exclusive for dumi o ihi lang itong banyo. Ganito talagang pangyayari kailangan ko nang makipagkaibigan. Magtatanong nalang siguro ako. Sino naman ang tatanungin ko? si Yllon. Nakabalik na kaya, baka nalintikan na iyon sa amo niya.
Ilang minuto akong nag-isip-isip ng sumagi sa isip ko si Lola Usang. Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya ang kalagayan niya roon? Hindi ko naman masasabing matanda na siya, maliksi pa kasi ang kilos niya samantalang malusog ang pangangatawan. Ibang iba sa mga taong nasa 60's, kuba na kung kumilos, halos hindi narin makagalaw.
Tumayo ako mula sa malambot na kama, umikot pa ang paningin ko. Namataan ko naman ang isang cellphone na Samsung Galaxy S25. Dali dali kung kinuha hanggang sa isinilid ko ito sa kanang bulsa ko. Okay rin para makontak ko kaagad si Lola Usang. May maliit naman iyong keypad tatawagan ko nalang siya kapag nakapag-load ako.
Tumuloy na ako sa paglabas nagugutom narin ako. Kaagad napatingin sila hindi ko alam kung naiinis, nagagalit o masaya. Napansin ko ang maliit na nakatingin sa akin habang nakangiti, ito nalang siguro ang kakaibiganin ko. Hindi naman siguro ito madaldal.
"Hi.." nagdadalawang isip ako kung ganito ba dapat batiin ang bagong kakilala, kaya lang tinawanan ako. Kung noon ang pangyayaring ito siguradong mahihiya ako, iba kasi ngayon kailangan kong makiayon sa kanila para maka-survive. Napahawak nalang ako sa tenga. Wala na, natablan na nang hiya.
"For real bro HAHAHA espadahan tayo mamaya. Sinong talo siya ang maghuhugas ng pinggan." napahiyaw naman itong bubwit, napahawak nalang siya sa ulo na hinampas ng unan.
Kumaway naman ang isa, "Hi din bro. Bago ka?" mukhang mabait ang isang 'to.
"Bobo ka ba Thomas, syempre bago. Ngayon nga lang natin iyan nakita. Tsk. Humihingi ako ng kapatawaran sa kabobohan nito pare."
"Huy may amnesia kayo? 1+1 equals dalawang bobo." kaya ang nangyari naghabulan ang tatlo. I think, okay naman sila.
"New bodyguard? o new driver?" tanong nitong tahimik lang sa gilid na nanonood ng Thai movie.
"Personal Driver, ni sir Asher."
"Hm. Calister bro, don't need to be so formal. Kita mo 'yung tatlo, walang hiya ang mga iyon." napatingin naman ako sa tatlo na hinihingal habang hawak ang tyan. Naglakad na rin papunta rito.
"Crossant. Cross nalang itawag mo sa akin." malumanay kung sabi.
"Uy! uy! Ano iyan huh bakit hindi kami kasali." iyong tisoy na singkit ang mata ang nagsalita. "Hi bro. Cheyster pala, birthday ko pala ngayong next friday, bilhan mo ako ng cake." binatukan naman siya ng katabi.
"Nasan ang hiya mo, Cheys. Tae nang Carabao nalang ang dalhin mo par. Ipakain natin sa kanya." natawa nalang rin ako. "Kristof pala." kumaway ito.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang dalawa. Habang may kaunting pawis sa noo. "Hi. Ako si Pedro, mabait ako. Isasama kita bukas sa Melon Farm." paano ako makakatanggi kung pala desisyon siya.
"Ay! Pumayag ba siya Pedro, bumalik ka nga do'n sa Kingdom mo." tinulak pa siya no'ng isa.
"Ahem. My name is Isiah, 23 years old. Born in June 7, 2001 and my mother's name is Marialita Gueva..." hindi na niya nasundan dahil tinakpan na nila ang bibig niya. Nagsihalakhakan naman ang iba. Pft.
"Hayaan mo na siya pre. Kulang yan sa buwan. Tawagin mo nalang akong Gregory." tinanguan ko siya.
"Shawn Quintos pre. Welcome dito." I mouthed "thank you".
"Call me Jaylorn, part." kinaway pa nito ang kamay.
"Sayang wala pa dito ang iba. Si Yllon kasama pa ata si sir Ashton. Pero si Hilton pauwi na raw. Nagbabantay iyon ng mga aso." napatango nalang ako.
"Kilala ko na si Yllon. Nakita ko siya kanina kasama niya iyong amo niya. Kinausap niya rin ako."
"Mabuti naman kung ganon. Isa rin iyong baliw pero matino naman." marahan akong tumawa, parang hindi naman.
Bumalik sa isip ko ang dahilan kung bakit ako lumabas. Napahaplos ako sa tiyan ko. "Kumain na kayo?"
"Tapos na kami pre. Calister samahan mo nga baka masunog ang buong kusina." si Shawn sa nagbibirong tono.
"Ulol! Igagaya mo pa siya sa'yo, Palabas. Ang trust issue sa sarili ibinaling sa iba." si Pedro. Bago niya pa mahampas ng unan kumaripas na ito ng takbo papunta sa kanang pinto, na lalong ikinasimangot nitong isa.
"Ibibitin ko talaga patiwarik iyong si San Pedro. Makikita niya. Hmp!"
Hindi ko akalaing ganito ang mga ugali nila, malayo sa tindig at porma. Isip bata. Kung tutuusin mas mabuti nang ganito.
| Sairoimes |
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romance"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl