Chapter 23
Nandito na kami sa General Luna, Kaimana Resort Siargao. Medyo mahal ang bayad sa pansamantalang tutuluyan namin.
Napamaang kami ng makita ang kabuuan, napakalinis at napaka-aliwalas ng paligid. Makikita mula rito sa terrace ang malawak na swimming pool at garden area. Sobrang worth it.
Dahil tatlo naman kami napagpasyahan naming ipagdikit ang dalawang kama. Mabuti nalang king size, hindi na kami magiging Sardinas pa.
Tumuloy ako sa may terrace. Ang ganda ng paligid, malamig ang hangin na tumatama sa buong katawan. Magandang mamuhay sa ganitong lugar. Hindi rin masyadong maingay di tulad ng siyudad.
Napabalik ang tingin ko sa dalawa. Malayang nakadapa si Klein na pinagtutulak naman ni Val. Pinandilatan naman ito ng mga mata ni Klein. Ako palagi ang nagiging referee kapag nagkukulitan sila.
Lumabas kami para kumain. Lalakarin pa kasi ng ilang metro. Binabati kami ng mga taong nadadaanan, nakangiti rin namin itong tinutugunan. Ang friendly ng mga tao, madali lang sigurong makahanap ng kakaibiganin.
Kaagad kaming binati ng mga crew. Humanap muna kami ng mauupuan. Katapat namin ang mga turistang dayuhan, apat na lalaki at apat rin na babae. May sumipa naman sa paa ko na siyang kinagitla ko.
Pinanliitan ako ng mga mata ni Klein, tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi nilulugar ang selos.
Bumalik naman si Val habang nagtatakang pabalik balik ng tingin sa aming dalawa. Siya ang namili ng kakainin naming tatlo.
"Anong problema mo Zargon?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Napapisil muna ito sa ibabang labi bago tumugon.
"Wala." inikutan niya ako ng mata. Mamaya sa akin ang selosong 'to.
"Fried rice, Shrimp, Grilled fish, Crab and orange Juice lang ang in-order ko. Okay lang ba iyon?" tanong niya sa aming dalwa.
"Okay." sabay naming tugon, nagkatinginan pa kami bago nagtawanan.
Natahimik rin kami ng makuha namin ang atensyon ng mga tao. Selos kasi ng selos.
Mainit pa ang mga pagkain ng i-serve ang mga ito. Nakakalam ng sikmura ang bango ng mga putahe. Napatitig pa sandali sa katabi ko ang babae bago tuluyang umalis.
Mahina namang natawa si Val. Subukan niya lang lumandi habang kami pa.
Tahimik lamang kaming kumakain. Seryoso ang mga tingin habang pinapapak ang Shrimp. Paborito pala ni Val ang Crab tapos itong isa naman ay Shrimp pareho kaming dalawa.
Naubos namin lahat tanging paghimas nalang sa tiyan ang nagawa. Akalain mo 'yon malalakas rin pala silang kumain, akala ko puro diet lang ang iniisip.
Napagpasyahan nang dalawa na mamaya nalang mag surfing. Tirik na tirik ang araw. Nababawi naman ng preskong hangin.
Ang first activity namin ay mag surfing sa world famous Cloud 9 Siargao. Kinuha ko naman ang DSLR na nakasuksuk pa sa bag. Kahapon lang nila ito binili bagama't pinag-awayan pa.
Sinubukan ko namang kunan sila ng mga litrato. Nakanganga pa si Val na siyang mahina kong ikina tawa. Sa kabilang banda, kitang kita ang naglalaro na ngiti sa labi ni Klein.
"Magpahinga muna tayo babe. Halika rito." wika ni Klein na nakamulat na ang dalawang mata.
Inilingan ko naman siya, "Hindi magandang humiga habang busog pa."
"Tayu." nakasimangot ang mukha ng dalawa habang dahan dahang tumayo paalis sa kama.
Inakbayan ko naman ang dalawa at iginiya papuntang terrace. Umupo naman kami sa sofa na gawa sa matibay na yantok.

BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
RomanceE P I L O G U E "Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Polyamory | bl