Chapter 6
"May problema ba pre?" nangangati kong tanong sa kanya, iniwas naman niya ang tingin ngunit ilang sandali lang ay binalik na naman sa akin. Ang creepy niya.
"Wala," bigla namang kumabog ang dibdib ko nang ngumiti siya sa akin. "I guess you're familiar. Are you alone?" kilala niya ba ako? nah, malabo pa sa malabo.
"Siguro kamukha ko lang pre, atsaka may kasama ako yung binabantayan ko at mga kaibigan niya." kumunot naman ang noo niya, parang may gusto pa siyang sasabihin ngunit tumango rin sa huli. Bumalik naman sa dati iyong nakangiti niyang mukha habang nakatitig sa.....akin?
"Ikaw, may kasama ka?" tanong ko pa na kaagad niyang ikinasimangot. Ngunit hindi ko inasahan ang sunod niyang isasagot.
"Ikaw." pinag-t-tripan ba ako ng lalaking 'to. Malamang ako ang kasama niya ngayon pero iba naman kasi ang ibig kung sabihin.
"Sabog ka ba pre?" tumawa pa ako, ngunit ang hindi ko inaasahang makita ay ang bigla niyang pamumula. Sobrang natamaan na siguro ito ng alak. "Mag-isa ka lang?" tanong ko pa.
"Hm, I'm all alone. Pwede mo ba akong samahan sa baba?" napatango naman ako sa kanya, pwede naman kaso baka hinahanap na ako. Pumayag nalang ako dahil mag-isa daw siya e, naaawa lang ako.
"Ge."
Malaki rin pala itong Quadrangle High, may pa garden pa sa likuran. Pili lang ang mga tao rito hindi masyadong maingay, hindi tulad sa loob na parang mabibingi na ako sa lakas ng musika.
Umupo kami sa pinaka dulong bahagi nitong garden, may dalawang upuan habang may maliit na wooden desk. Mangha akong nakatingin sa paligid, meron palang ganito sa lugar na ito.
"Maganda ba?" tumango tango naman ako habang nakatingin parin sa paligid, may kumikislap kislap pa kasing lights mula sa maliliit na halaman. May ibinulong pa siya sa sarili na hindi ko naintindihan.
"So, may gusto ka bang kainin?" nagtaka naman akong tumingin sa kanya. May pagkain ba sa lugar na ito? Yung pulutan ata ang ibig sabihin niya.
"Hm. Chips. Masarap pang pulutan." mahina naman siyang tumawa ngunit sumeryoso rin agad.
"I mean pagkain, anong gusto mong kainin?" sabog talaga 'to. Meron ba no'n sa lugar na ito? Pagkain, chips tapos tubig, alak. Ang galing rin e, hindi ko nga nakayanan iyong kalahating alak na pinainom nila Zak, lasing na nga yata ako.
"Fried Chicken, nilagang itlog, tapos barbeque at fried rice." tumawa pa ako ng mahina na agad napansin ang pagngiti nitong isa.
Ano bang problema ng mga tao ngayon, wagas kung makangiti bagama't panay naman ang titig sa akin? Ang weird ko ba, o sila talaga ang weird.
"Yan lang ba? Then, I must partnered it with Coke." may kinalikot naman siya sa kanyang cellphone kaya napabalik ang tingin ko sa mga halamang nagkikislapan.
Kung alam ko lang na may ganito, dito na sana ako dumidiretso at nagtatambay habang naghihintay sa kanila. Napalingon naman kaagad ako ng may naisip akong itanong sa kanya. Ngunit napamaang ako ng pagharap ko'y nagkanda hulog hulog ang cellphone niya. Mabuti nga at nasalo niya rin kundi sayang kung mabasag lang.
"Nangyari sayo?" inalis naman niya ang tingin sa akin at napakagat sa ibabang labi, "Pwede kayang dito magtambay habang hinihintay ko ang amo ko?" nag-aalanganin kong tanong sa kanya, na nakatuon ang tingin sa telepono, parang may zi-no-zoom siyang litrato. Ngunit umahon naman kaagad ang tingin ng mapansing nakatingin ako sa kanya, ngumiti na naman siya.
"Yes, you can." ako naman ang napangiti sa sandaling ito.
"Okay. Ano pala ang pangalan mo pre?" nakangiti ko pa ring tanong sa kanya dahil wala lang, masaya ako. Pumula na naman iyong mukha niya. Kanina pa 'to a, nag-ba-blush ba siya? What, why?
Tumikhim naman siya bago nagsalita, "Valdimer pre at....." naghehesitang pinutol niya ang sasabihin. "ako ang may-ari nitong Bar." nanlaki naman ang mga mata ko, napatayo pa ako sa pagkakagulat. Hindi ko alam, baka naiisip niya na lumalapit ako sa kanya dahil dito, at baka may iba siyang iisipin sa akin. Pero siya naman ang unang lumapit sa akin. Hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya.
"A, pre balik na pala ako ro'n sa loob." aalis na sana ako ng hinuli niya ang kaliwang kamay ko.
"Don't. I mean, bakit ka aalis? I'm sorry, okay, at ngayon ko lang nasabi ang totoo but trust me I'm comfortable being with you. Wala akong iniisip na iba, okay? Gusto ko lang makipag kaibigan sayo." natataranta niyang paliwanag habang nakahawak parin sa kamay ko. Napabuntong hininga naman ako, agad na ngumiti sa kanya.
"Okay." mahina kong bulong, sapat na para marinig niya. Nabasa niya siguro ang emosyon sa mukha ko, ayoko talagang makipag-kaibigan sa mga mayayaman iwas narin gulo. Pero parang mahihirapan ako sa isang 'to. Mabait naman siya o nagbait baitan lang?
Magsasalita na sana siya ng dumating ang waiter na may dalang mga...pagkain? At mas nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang mga ito. Yung mga pagkaing sinabi ko kanina sa kanya nasa harapan ko na. Tang-ina.
"Wag ka nang magalit okay? Kakain na muna tayo." malumanay niyang pagkakasabi parang nag-iingat sa mga sasabihin. Tumango nalang ako at tahimik na kumain.
Naiisip ko palang ang mga rason kung bakit siya mabait sa akin, kung bakit niya ito ginagawa ay kinikilabutan na ako. Ngunit parang mabait naman siya?
"Hindi ako galit atsaka tawagin mo nalang akong Cross." mahinang pagkakasabi ko na pinagmamasdan ko siyang mabuti. Mayaman talaga ang datingan niya, hindi maitatanggi pero ano ang kailangan niya sa akin? Huwag niyang sabihing gusto niya ako?
Hindi ko rin inaasahan ang sumunod na lumabas sa bibig niya.
"Okay, Cross. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I like you." agad kong naibuga ang iniinom na Coke, may pumasok pa sa ilong ko. Binigyan niya kaagad ako ng panyo at tinapik tapik ang aking likuran. Tama nga ang hinala ko.
Akala ko ba kakaibiganin lang?
"Nagbibiro ka ba?" napakagat naman siya sa kanyang pang-ibabang labi.
Sinaman ko naman siya ng tingin, "Don't think this as a joke Cross, I like you, I really like you a lot." tumawa naman ako.
"Pre, ito palang ang unang pagkikita natin, like mo na ako kaagad. Pwedeng patagalin ng 5 months." pabirong saad ko na may yamot sa tuno. Hindi naman ako nandidiri sa ideya, anong kaso niya na love at first sight?
"Okay."
"Anong okay?" taka kung tanong habang pinagmamasdan itong si Valdimer. Ngunit napanganga ako sa susunod niyang sinabi.
"Okay. Okay sa akin ang 5 months kahit 5 years pa yan, Cross. I want to court you." hindi na ako makapagsalita ng binanggit niya ang mga katagang iyan. Para akong nasa impromptu speech na hindi malaman kung ano ang isasagot.
Fine then tignan natin, "Okay, let's get to know each other for 5 months or if magtagal edi 5 years. Pero, mayroon akong trabaho huwag kang umasa na magkikita tayong palagi." ano ba naman ito, sinamahan ko lang bakit may pa "let's get to know each other" pang nangyayari.
Hindi kaagad ako nakapag react ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Kung siguro may maliligaw sa bandang ito, iisipin nilang may nagkaka-mabutihan nang mag ama. Hindi naman kasi halata kung matanda na itong si Valdimer, o teenager pa malaki kasi ang katawan, pero mas malaki parin ang sa'kin. Pero nagpaligaw? Yuck. Bading.
| Sairoimes |
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romansa"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl