Chapter 16

84 12 0
                                    

Chapter 16

Ngayon ang uwi ko pabalik sa Makati. Nandito ang buong tropa pati si ate Carla. Nag-iiyakan pa ang dalawang gago, akala mo naman mamamatay na ako.

Nagmensahe ako kahapon kay Vlad na uuwi na ako ngayon pati narin kay sir Asher. Hindi ko na natawagan pa, sana hindi magtampo. Naghahanda na ako ng isang daang paliwanag hindi naman pwedeng rason lang ng rason.

Sinabihan ko narin naman si lola na uuwi ako next month. Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata niya. Nagpapahatid nga ng mensaheng nagpapasalamat siya kila ma'am Sharline at sir Rafael.

Sinigurado rin naman ni ate Carla na palagi niyang dadalawin si lola basta may pasalubong siya pag-uwi ko. Kapal talaga ng mukha. Pwede naman sigurong ipam-pasalubong si Isiah, pareho kasi silang makakapal ang kalyo ng mukha. Sigurado ring magkakaintindihan sila.

Niyakap ko si lola ng mahigpit na ayaw na akong bitawan. Nakita ko naman na masiya siya sa dalawang araw na pananatili ko dito sa bahay. Ngunit nakikita ko talagang may bumabagabag sa kanyang isipan, pero pilit niyang pinipigilan na sabihin sa akin.

Isa ito sa ikinabahala ko, ramdam ko rin na hindi pa siya handa. Hindi ko nalang ipinahalata na nag-aalala ako sa kanya. Kung pwede ko lang alisin at ipalit sa akin kung ano man ang problema niya ngayon, matagal ko na sanang ginawa. But knowing lola, hindi iyan papayag. Ako pa ang mapapagalitan.

"Mahal na mahal kita 'la. Ingat ka palagi rito. Nandyan naman si ate Carla, ipapaubaya muna kita sa kanya. Huwag magpapalipas ng kain. Tatawag rin ako 'la if meron akong oras atsaka... huwag masyadong magpapagod, huwag mo masyadong pagurin ang sarili kakaisip. Kung ano man iyan 'la, handa akong makinig. Baka sa susunod na uwi ko rito, pwede na." hinalikan ko noo niya. Bumaling naman ako kay ate Carla.

"Oo na Cross, iingatan ko si lola alam mo naman na mahal na mahal ko iyan. Higit sa lahat para ko narin siyang nanay. Basta isa lang ang hinihingi ko sayo." kung makapunta kaming mall bibilhan ko siya ng libro, yung Encyclopedia o di kaya Almanac. Daig niya pa reminder ng alarm clock ko. Kanina pa yan e.

"Sa ilang beses mo bang ipinapaalala sa akin Carla, malilimutan ko pa kaya. Basta bantayan mo si lola baka may manligaw rito. Malayo pa naman ako." nahampas naman ako ni lola ng hanger. Ewan ko ba saan niya 'yan nakuha.

"Biro lang 'yun 'la, hindi ka naman mabiro." niyakap naman ako ni ate Carla na kaagad ring bumitaw. "Ingat ka do'n."

Tahimik lang ang apat sa gilid, nahinto narin kakaiyak ang dalawa. Nakaka-gago lang. Una kong pinuntahan si Bryden na sinapak pa ang tagiliran ko. Kung hindi lang ako paalis ngayon uupakan ko talaga siya. Naka ngisi lang ito na para bang walang ginawa.

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa anyo ni Kiernan. Mukhang masama ang pakiramdam. Hindi na yumakap sa akin, tinapik niya nalang ang balikat ko.

Naki-fist bomb lang ako kay Darius na seryoso na naman ang tingin. Nag-iiba lang kasi ang ng mukha niya sa dalawang rason. Una, kung nang-iinis at nang-tutukso siya. Pangalawa, kapag kausap niya si Harkin. Iba rin talaga ang nagagawa ng pag-ibig, pati yata bato lalambot.

"Huwag mo nalang pansinin iyang si Kiernan. Nagka Diarrhea ang gago." napasinghap naman ako. Sirok.

May kaibigan akong bisaya, si Ronald, narinig kong sinabihan niya ng 'sirok' si Barry. Akala ko talaga papuri ito, nagulat nalang ako ng sabihin niyang 'matakaw' pala ang ibig sabihin.

At ang panghuli, si Harkin. Naiiyak siyang kumapit sa akin, kaya ako pinagseselosan e. Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya. "Be happy always, Ark. I'm so proud of you." kung marami akong problemang kinahaharap sa buhay, siguro kalahati lang ito kung ikukumpara sa problema at isyu ni Harkin.

Marami na siyang karahasang napagdaanan, kaya todo protekta si Darius sa kanya...kami. Ayaw ko naring ungkatin ang nakaraan niya dahil hindi ko naman iyon kwento. Ang mahalaga lang ngayon ay ang kasiyahan niya, na maging masaya siya sa bawat segundo, oras at bawat araw na lilipas.

Hindi naman kasi dapat na tayo ang humanap ng kasiyahan, kusang darating iyan kung ito ay tamang panahon na.

Kung makakapagbigay ito ng kasiyahan sa iyong puso, kamitin mo ito, pagbigyan mo ang iyong sarili...na kahit sa isang pagkakataon... mararanasan mo ito.

Hindi naman mahalaga ang komento ng ibang tao sa'yo. Buhay mo iyan, anong paki nila. Nasasabi lang naman nila ang isang bagay kung ano ang nakikita nila, sa panglabas lang, wala naman talaga silang alam.

Hindi ganyan umiikot ang mundo. Minsan makakatagpo ka rin ng taong hindi huhusga sayo. Hindi mo na pipilitin pang gawin ang mga bagay dahil handa siya o silang tanggapin ka. Hindi man ngayon pero dadating rin ang tamang panahon.

"Be happy, too, Cross. I'm also proud of you. Ipakilala mo sa amin, kapag handa ka na." tumikhim naman ako. Nilakihan ko pa siya ng mata. Si ate Carla na handa nang maki-tsismis.

Hinarap ko naman si lola na walang kaalam alam, nalilito ang tingin na binabato sa amin.

"'La, may kasintahan na po ako." natuon naman ang tingin niya sa akin. Nakakunot ang noo habang sinusuri ako. Si ate Carla lang talaga ang OA na nag-react.

"Ano!? Sino? Maganda ba." gusto ko sana siyang tawanan. Hindi ko nalang ginawa baka sabihin pa niyang nagbibiro lang ako.

'Oo, gwapong-gwapo.'

Hindi ko muna sasabihin ngayon kay lola baka aatakihin sa puso. Maghahanap nalang ako ng tyempo, baka pagbalik ko rito. Tie na kami ni lola.

"Oo, 'te." natatawa ako sa reaksyon niya, gugulong talaga iyan pag nalaman niyang lalaki. Nasabi niya kasi sa akin noon na fan siya ng...bl?

Hindi ko pa alam noon kung ano ang ibig sabihin niyan. Kaya nagtanong ako sa kanya. Bl or boys' love, ang tawag sa dalawang lalaking magmamahalan.

Ganyang mga libro ang gusto niyang ipabili. Pwede rin namang may kasamang bible.

Nagtataka nga ako kung bakit siya natatagalan ni Enzo.

Hinahangaan ko rin ang relasyon nila. May tiwala, respeto, suporta at higit sa lahat, mahal nila ang isa't isa. Kahit na hindi sila palaging nagkakasama.

Napabaling naman ang tingin ko kay lola na naniningkit ang mga mata. "Akala ko ba trabaho lang ang hanap mo do'n." para pang nagtatampo ang tinig niya. Inakbayan ko naman si lola.

"Ano pang magagawa ko 'la, kusa ba namang lumapit, atsaka don't worry 'la, kaya tayong buhayin non. Kahit buong angkan mo pa." kinurot niya ang tagiliran ko na siyang ikina-halakhak ko. Sinundan pa ni Kiernan, na dadalhin ko raw dito sa susunod na uwi ko. Umusok tuloy ang tenga ko.

"Mabuti naman kung ganon. Ipakilala mo sa akin anak. Siguraduhin mo lang na mabait iyang kasintahan mo." napanguso nalang tuloy ako.

"Don't worry 'la, mabait 'yon tsaka malambing." palagi ngang nagpapa baby.

Matutuwa pa kaya si lola kung malalaman niyang lalaki? Nakakakaba na nakaka excite.

| Sairoimes |

Kunting tiis nalang matatapos na ang pagiging Tagalog era ni Cross.

Isa sa pinaka-maikli na na update. Hindi na kayang i-edit ng powers ko.

Under the Stormy Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon