Chapter 15

91 12 0
                                    

Chapter 15

Naghihintay ako sa tatlong kanina pa namimili ng printed Anime Shirt, nasa tabi ko naman si Darius. Nasabi niya kasing siya ang magbabayad sa bibilhin nila, ang tatlo tuloy hindi na matigil kakapili ng mga damit.

"Kamusta pala ang pinagtatrabahuan mo?" nakatuon na sa akin ang nagtatanong na tingin ni Darius. Binaba niya ang cellphone at agarang inilagay sa bulsa ng suot niyang loose pants.

"Ah, oo, mababait sila kuys." hindi ko na pinag-isipan pa, kusa nalang itong lumabas sa bibig ko. Iyan naman talaga ang totoo. Kung siguro mas maaga ko lang silang nakilala, hayahay na sana ang buhay.

"Ikaw ba?" nagtataka ako kung bakit niya tinanggap ang construction firm, kailanman hindi niya pinangarap na magmanage ng company nila.

"Ayos lang. Kahit gaano mo pala kaayaw, dadating parin ang araw na kakailanganin mo ito. And besides, habang tumatagal nagugustuhan ko narin ang ginagawa ko." nawala iyong pagtataka at napalitan ng pagkamangha, hindi ko maiisip na ang kinaaayawan niya ang magdadala sa kanya ng kasiyahan.

"Nagawa ko ang mga bagay na iyan dahil kay Harkin." proud na pagkakasabi niya.

"Congrats kuys. Masaya ako para sa inyong dalawa." tanggap ko sila, sana tanggapin din nila kami.

"Salamat Cross. Sayo ba?" pang-uusisa niya.

Wala pa akong naging girlfriend. Iniisip ko kasi noon ang estado ng buhay namin ni lola. Kaya nawala narin sa isip ko na isa pala akong binata. Kontento narin ako, lalo na ngayon.

"May sasabihin rin ako sa'yo...sa inyo, mamaya." hindi ko mapigilang mangamba. Paano kung ayaw nilang tanggapin? Paano kung huhusgahan nila ako? Pero sa ibang banda, kalma ang damdamin ko dahil kapareho lang naman kami ng sitwasyon ni Darius.

"Okay. Chill man, kung ano man iyan, wala kang dapat na ikabahala. Pero dapat katanggap tanggap."

Umuwi kami ng alas kwatro y media, sinamahan naman nila ako sa bahay. Karga din nila ang ibang gamit na binili ko. Tumayo naman agad si lola ng makita sila.

"Mga anak. Mabuti at napadalaw kayo dito?" masayang sabi ni lola. Nagmano naman kaagad sila, yumakap naman si Harkin kay lola, nagpapalambing.

"Lola may dala kaming masarap na ulam." nilagay ko muna ang mga pinamili sa gilid.

"Salamat naman. Hindi na sana kayo nag-abala pa." pahayag ni lola pero masaya naman.

"Para sa iyo po talaga ito 'la. Kaya kumain ka po ng marami mamaya." si Harkin na nasa tabi. Nakatanaw lang sa amin, amoy prinsesa ni Darius .

Dumating naman si ate Carla na kapitbahay namin. Nagulat pa siya ng makita kaming busy sa pag-a-arrange ng mga gamit.

"Nakauwi ka na pala Cross? Kamusta naman doon sa Makati? Hindi ka naman nahihirapan doon?" sunod sunod niyang tanong, napahinga naman ako ng malalim sabay bitaw ng halakhak. Natahimik lang ako ng samaan niya ako ng tingin, nananakmal nga pala ang mabangis na Lion.

"Oa mo naman te Carla. Sanay naman na ako, huwag kang mag alala dahil mababait ang mga tao roon. Malaki laki rin ang sahod ko." pahayag ko na ikinataas niya ng kilay.

"Sinasampal mo ba sa akin na mayaman ka na?" oa na reaksyon niya, nanlulumo pa ang mukha.

"Ikaw nagsabi niyan." napahimas naman ako sa braso na hinampas niya. Sadista talaga ang gurang na'to.

"Kulang ka ba sa dilig 'te." bago pa siya makalapit, patakbo akong tumungo sa kusina. Nauuhaw akong nagsalin ng tubig sa isang plastic cup.

Maya maya lang nagpaalam ako kay lola na lalabas lang kami. Ibinilin ko naman siya kay ate Carla. Nagpabili pa nga ito ng barbeque.

Under the Stormy Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon