Chapter 14
"They really need him, nay. But don't worry, his homeland can await for his return. We gotta go." nagmano muna si Folke kay lola—ang lalaking asul ang mga mata.
Nagsunuran narin ang kasamahan niya sabay yakap kay lola, sina Stefan, Ludde, Joakim and Alek.
7 PM na at may hahabulin pa silang byahe papuntang Sweden. Sinamahan namin sila hanggang sa labas.
"Ingat kayo." tinanaw namin ang itim na Van hanggang sa hindi ko na ito makita.
Hinarap ko naman si lola na may nagtatanong na tingin. Bigla nalang niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"I love you, nak." tinapik tapik ko naman ang likuran niya.
Hindi ko alam kung anong drama ba ito. Ang tapik kanina ay napalitan ng mahigpit na yakap.
"Ang sweet naman ni lola. I love you too, la." pagkatapos ng dramahan namin pumasok na kami sa loob.
Medyo nawala at nabawasan ang bumabagabag sa isipan ko. Kung hindi pa handa si lola, rerespetuhin ko parin ang desisyon niya.
Naalala ko kaagad na Sunday pala bukas, baka gusto ni lola magsimba. Tumungo naman si lola sa sofa kaya nagkaroon agad ako ng pagkakataon na kunin ang damit na binili ko para sa kanya.
Nang makuha na, tinago ko naman sa likuran at dahan dahang pumunta kay lola na may kung anong kinakalikot sa Keypad na Nokia.
"La, may ibibigay ako sa'yo." ngumiti pa ako ng malaki sa kanya dahil siguradong magugustuhan niya itong binili ko.
Pinakita ko sa kanya ang Duster at Floral dress. Sayang saya siya sa nakikita, ako rin naman, masaya rin ako na nareregalohan ko siya kahit papaano.
Buong buhay niya sa akin lang nakatuon ang atensyon niya, binubuhay niya ako na para bang totoong pamilya.
Alam ko yung hirap na pinagdaanan niya. Hindi man niya sabihin alam kong sobra siyang nahihirapan. Mag-isa lang siya pero nagawa niya pa akong pag-aralin ng Elementary at Highschool.
Nakikita ko iyon araw araw. Kaya tumigil ako sa pag-aaral ng tumuntong na siyang Senior Citizen, hindi ko kayang makita siyang nagtatrabaho.
Humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi pa sana ako papayagan ngunit palagi kong kinukulit.
Malaki narin naman ako, kayang kaya ko nang magtrabaho.
Iyon ang simula, kung paano ako naging isang matapang na mandirigma.
"Salamat talaga nak." umupo rin ako sa tabi niya.
Sinusuri pa ni lola ang kabuuan nito, ang tela at ang pagkakatahi nito.
"Susuotin ko ito bukas. Sasama ka ba bukas sa simbahan?"
"Opo la, may bago rin kaya akong damit." pagmamalaki ko pa.
Maingay ang paligid na nagmumula sa mga taong nakakasabayan naming naglakad.
Kakatapos lang ng simba, parang nakahinga ako ng maluwag. Magaan rin ang pakiramdam ko.
Naalis lahat ng pangamba at takot na lumulukob sa buong pagkatao ko.
Sinusulit ko ang natitirang oras kasama si lola. Babalik na ako pa-Makati bukas.
Mag-iisa na naman si lola sa bahay. Naiisip ko na naman kung gaano siya kalungkot sa tuwing wala siyang kasama sa bahay.
"Nak, bili tayong Ice cream?" minsan rin si lola nagiging isip bata, mahilig talaga siya sa Ice cream.
Kahit noon paman iyan na ang palaging pasalubong niya sa akin. Inakbayan ko naman si lola patungo sa Ice cream stall.
Maraming mga bata ang bumibili kaya nagsisiksikan kami para lang una kaming mabigyan.

BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
RomansaE P I L O G U E "Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Polyamory | bl