Chapter 29
Nanahimik lang ako buong byahe. Binalewala ko muna ang nakita kanina sa loob, nagpatugtog nalang ako ng kung anong kanta. Kaya lang sobrang timing naman ng kanta ni Moira.
Nakita ko naman ang pagbaling niya sa pwesto ko. Hindi ko siya pinansin at pinokus nalang ang tingin sa daan. Hindi ko naman hahayaang mamatay kami dahil lang sa nasaktan ako.
"Stop the car, babe." nakatutok ang paningin niya sa akin. Napalunok ako ng laway, hininto ang kotse sa gilid ng daan.
Binabato ko siya ng nagtatanong na tingin. Tinanggal niya ang seatbelt at lumapit sa akin. Mapanuri ang tingin hanggang sa pinahiran niya ang gilid ng mga mata ko.
"Are you crying?" agad akong umiling para maitago ang basag na tinig. Huminga ako ng malalim, malaki ang ngiti na ipinakita sa kanya.
"Hindi ah. May pumasok lang na pilikmata, mahapdi kaya kinati ko." hindi pa siya kumbinsido pero sumuko rin sa huli. Hinalikan niya muna ang noo ko bago sinuot ang seat belt.
"Sleep when we get home." napatango nalang ako habang mahigpit ang kapit sa manibela.
Tell me, would it be too much to ask if you break it to me gently?
That I'm walking the next without you beside me
And who I hold on today, tomorrow will just be a memoryBakit pakiramdam ko malapit nang matapos ang kwentong 'to. Huwag naman sanang umabot sa puntong magmamakaawa ako para lang hindi nila ako iwan.
Iisipin ko palang na ibang tao na ang kanilang kasama, kahawak nang kamay, kapiling sa gabi at sinasabihan ng I love you...halos hindi na ako makahinga.
And then I would look back at all of this
And wonder why I stayed in here just to watch you disappear
So I breath and let you go
How do I breath and let you go?Hindi ko kayang panoorin sila habang papalayo at iba ang kasama, ngunit mas hindi ko gugustuhing piliin nila ako...dahil naaawa sila.
Before its too late, I'll take a step aw–
Nagulat ako ng pinatay niya ang kanta. Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa mansion.
"Can we talk, babe, please?" nagmamakaawa siya sa harap ko. Gusto akong hawakan pero umiwas ako.
"Not now, Klein. Matutulog na ako." malalaki ang hakbang hanggang sa makarating ako sa Bodyguard's Quarter. Itutulog ko muna 'to.
Naabutan ko naman sila na inaasar si Yllon. Nagsilingonan naman sila ng marinig ang pagsarado ng pinto. Kumaway si Isiah, lumapit naman si Pedro at kumapit sa kaliwang braso ko, hinatak papunta sa kumpulan nila.
Natatawa akong umupo katabi si Isiah. Nang-uusisa ang tingin kay Yllon.
"Nagkasakit ka raw?" panimula ko, sumasabay sa diskarte nila. Namula ang pisngi nito at halos hindi na makatingin sa akin.
"Okay na,"
"Magaling ba mag-alaga ang isang Ashton Jandrei?" sinapak niya si Calister na kaagad dumaing sa sakit. "Magaling nga...ang lakas ng loob manakit." nakabusangot na mukha at may himig na panunudyo nito sa kanya.
"Gusto mong mamatay?" tanging nasabi nalang nito, na kaagad naming tinawanan.
Nakapikit na ang dalawa kong mga mata pero hanggang ngayon hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Sevilleja.
To BigBaby:
Magkita tayo bukas sa Q.H Garden.

BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
RomanceE P I L O G U E "Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Polyamory | bl