Chapter 27
Tinitigan ko ang numerong ibinigay ni lola. Wala akong balak na tawagan ito. Hindi ko alam kung anong demonyo ang bumulong rito, nagulat nalang ako ng may dumating na mensahe.
Folke:
Take your time Cross. Just text me if you are ready to leave with us. We will also bring nanay together.
Pinatay ko ang cellphone at kaagad na tumunganga sa kisame. Wala akong balak na sumama sa kanila.
Bakit ba gustong gusto nila akong kunin? Dahil ba malaki na ako at mayroon nang silbi? Kung ganon bakit pa nila ako ginawa.
Marami ang tumatakbo sa isipan ko, bumalik sa ala ala ko ang naging sagutan ng magkapatid kahapon. Isa pa ito na naging malaking misteryo.
Maaga kaming nakarating rito sa mansion ng Zargon. Hindi naman sinasadyang may lakad si sir Racer. Nagkita ang magkapatid at parang takang taka ito na nakatingin kay Val.
Flashback
"Bakit magkasama kayong tatlo? Nagkabati na kayo, bro?" nakakunot ang noong tanong nito bagkos ay papalit palit ng tingin sa amin.
Umiling naman si Klein rito kaagad na hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Dumagdag pa ito sa mga isipin ko, alam ko na may pinapahiwatig ang tinginan nilang iyan.
"May problema ba?" hindi ko mapigilang tanong.
Tumikhim si sir Racer at kaagad na nagpaalam dahil may kikitain pa raw siyang tao.
Gulong gulo naman akong nagpabalik balik ng tingin sa dalawa. Bumuntong hininga naman ako bago napagdesisyunang pumasok na sa loob.
Para akong lantang gulay na naglalakad patungo sa itaas, sa silid ni Klein. Inalalayan naman nila ako paakyat.
Hinila kaagad ako ng kadiliman pero bago iyon narinig ko pa ang boses ni Val na siyang nagsalita.
"He needs to know everything, Ak." anong kailangan kong malaman Sevilleja. Magkusa kayo baka sakaling maintindihan ko pa.
Gusto ko pa sanang makinig kaya lang kinain na ako ng kadiliman.
Napalikwas ako ng mapanaginipan ang masamang pangyayari. Kumakabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba.
Inikot ko ang paningin ngunit walang tao, wala akong kasama. Napatitig na naman tuloy ako sa kisame.
Ang hirap palang magdesisyon ng mag-isa. Matagal ko narin itong hinintay ngunit hindi naman ako ganon ka-desperado para agad na pumayag sa gusto nila.
Gusto ko lang malaman ang buong katotohanan na magmumula sa bibig nila.
Bumangon ako at pumunta sa veranda nagbabakasakaling doon sila nagtambay, pero wala ni anino nila.
Siguro nasa baba.
Napagpasyahan ko nalang na magbasa ng libro habang hinihintay sila.
Bumalik ako sa kama at prenteng umupo. Romeo and Juliet. Sa pagkakaalam ko sad ang ending nito. Nabanggit ito ni ma'am Picache sa subject na Literature.
Hindi ko nga lang nabasa ang buong kwento. Nababaling rin kasi agad ang atensyon ko sa katabi ko na madaldal. Maliban dito madali rin akong mawalan ng gana lalo na sa mahahabang kwento.
Naaaliw na ako kakabasa hanggang sa may nalaglag na litrato. Kaagad ko itong pinulot, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Klein habang may kaakbay na babae. Maganda, sobrang ganda.
May kung anong bumaliktad at pumiit sa tiyan ko. Sino ang babaeng 'to?
Bago pa ako magselos napagdesisyunan ko nang ibalik ang litrato, kaya lang nakuha ng sulat kamay ang atensyon ko. Maliit lang ang pagkakasulat pero naiintindihan ko.
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romance"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl