Chapter 10
Dumating ang Linggo na parang gusto ko lang matulog buong araw. Ngunit hindi naman ako makatulog dahil panay ang kalabit nitong si Pedro. Para pang patong nakanguso, ang sarap hambalusin nitong tsanelas ko.
"Ano na naman ba?" dahil kinakalabit niya parin ako ng paulit ulit kahit na nagtalukbong na ako ng kumot. Kapag iyang kamay niya naputol ko wala na siyang ipangkalabit.
"Sumama ka na kasi C. Nando'n na sila kuya Hilton sa ilog." hindi talaga matatahimik ang kaluluwa ni Pedro hangga't hindi ako pumapayag. Sa huli sumama nalang tuloy ako kahit na gustong gusto kong dalhin iyong kama.
Pagkarating namin sa ilog nandoon na nga ang lahat. May pagkaing nakalatag sa dahon ng saging, ngunit napatampal nalang ako sa noo ng makitang may dalang planggana si Thomas na palutang lutang sa ilog. Si Isiah naman na may dalang Tupperware na may maraming kuchinta at Puto. Habang tinitigan ang kaabnormalan nila parang nawala tuloy bigla ang antok ko.
Umupo nalang muna ako sa batuhan habang pinagmamasdan sila. Hindi naman pala masamang maging kaibigan sila. Para silang mga batang Grade 1, na parang walang problema. Bumuntong hininga ako at napapikit sa preskong hangin na tumatama sa pisngi ko. Ngunit napatayo kaagad ng may bumuhos sa katawan.
"Tang-ina ang ginaw!" tawang tawa lang sila habang bumabalik sa ilog. Napagpasyahan ko naring lumublob sa ilog. Hinanap ko naman ang may pakana at nakitang nasa pinaka ilalim na si Greg.
Ngunit ng maalalang hindi ko pa pala naaalis ang pang-itaas, lumuwas muna ako at hinubad sabay patong sa may batuhan. Pagbalik ko sa ilog agad naman silang nag-singhapan. Nang hindi makatiis ang tatlong abnoy ay lumapit na talaga ito sa akin at wierdong tinitigan ang aking hulmadong abs. Hindi pa napigilan ni Peter at sinusundot sundot pa ito. Hinampas ko naman ang daliri niya.
"Sanaol may 8 packs." si Calister na natatawa sa itsura ni Peter.
"Bakit ako wala." naiiyak ring sambit ni Thomas na panay ang himas sa tiyan.
Si Isiah na naiiyak na habang nakamasid sa akin, problema ba ng abnoy na ito. Nabatukan na naman tuloy siya ni Chester na nakangisi lang sa tabi niya.
"Madaya si Lord." inikutan pa ako ng mata. Inilingan ko nalang sila.
"Huwag kasi palaging libog ang trabahuin, napapala niyo." si Hilton na nakangising binibiro si Isiah. Inirapan lang tuloy siya. Inirapan lang siya ni Isiah at kaagad na lumublob sa ilalim.
Bumalik naman sila sa kanilang ginagawa. Lumangoy ako papunta sa pwesto ni Yllon ng biglang may dumamba sa likod ko. Hindi naman mabigat nasasakal lang ako dahil sa pagkakakapit niya sa leeg ko. Napaubo tuloy ako ng mapasukan ng kaunting tubig ang bibig ko. Hinampas hampas ko naman ang nasa likod ko.
"Aray! aray! Cross! Ang sakit." napatigil naman ako ng marinig ko ang boses ni Pedro. Hinayaan ko nalang siya, bahala na siya sa buhay niya. Pumunta naman ako sa ilalim at lumangoy ng nakasakay parin siya sa akin. Pag-ahon ko nagkanda ubo-ubo naman siya.
Huli na nang mapansin kong may bago palang dating na mga tao. Kasama na doon sila Zak at Sage na masama ang tingin sa likuran ko. Bumahakhak naman itong nasa likuran ko, akalain mo 'yun napasukan pa iyan ng tubig. "May galit ata." bulong niya na patuloy paring nakakapit sa akin ng mahigpit.
Nang mapagawi ang tingin ko kay sir Asher, nakayuko lang ito habang may ka text. Napangisi lang si Racer habang nagmamasid sa kapatid. Nandito rin pala iyong mga kaibigan niya. Fucking shit! Wag mo lang isipin Cross, gago hindi pa ako nakakabawi kay Jaylorn. Panay ba naman ang iwas sa akin.
Napabalik lang ako sa kasalukuyan ng kalabitin ako ni Pedro sa leeg. Muntik ko narin siyang makalimutan, hindi ko alam kung kumakain pa ba ang lalaking ito, ang gaan ba naman.
"Bakit?" may ibinulong naman siya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Anong may nagseselos sa tabi tabi, napatikhim tuloy ako dahil nagsimula ng mag hip-hop ang puso ko.
"Tumahimik ka." bumalik tuloy ako sa pwesto ko kanina na abot ang tubig hanggang dibdib ko. Nagulat nalang ako ng may umahon sa harapan ko. Tang-ina? Anong ginagawa nito sa harapan ko? Bakit siya dito pumunta?
"Hala, ikaw 'yung kagabi diba? Anong kailangan mo kay C, huh?" niinis nitong tanong sa lalaki. Hindi parin nawawala ang ngisi nito sa labi habang nakatingin sa akin.
"Nabighani lang ako sa kagwapuhan ng kinakapitan mo. Pwede ko ba siyang hiramin muna?" humagikhik naman si Pedro na unti unti akong kinukurot. Sana huwag siyang pumayag. Napapadasal na ako dahil sa inis at hiya, gago! Kapag ito pumayag ilulublob ko siya ng matagal hanggang sa mawalan siya ng hininga.
"Hindi pwede pre, may gagawin pa kami." pagkatapos tumawa siya ng mahina sa ulunan ko. Nang-iinis ang tono na alam kong napansin nitong lalaking hanggang ngayon ayaw akong lubayan ng tingin.
"Then, I think you want to hear some corny confessions while hugging him, and listening to us." napamura naman si Pedro hanggang sa unti unti itong bumitaw. Hindi ako agad nakabawi ng bigla itong lumapit sa harapan ko, ng hindi ito nakuntento sa distansya namin. Hahabulin ko pa sana si Pedro ng mabatukan man lang sana ngunit hindi ko na ito mahagilap.
Tumikhim naman ito kaya agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung kanina pa ba sila narito, hindi ko kasi napansin ang pagdating nila o sadyang nag enjoy lang ako sa ginagawa naming paglangoy.
"Hindi mo pa pala alam ang pangalan ko. By the way, I'm Eldrew Diaz." nakipagkamay nalang rin ako. "Cross, pre." sobrang awkward para sa akin na nakakaharap ko iyong taong napag-confess-an ko kahit hindi naman totoo. Baka inakala niya talagang may crush ako sa kanya. Asa siya!
"Tungkol do'n sa sinabi mo kagabi, is that true? I thought ako pa ang mauunang mag confess sa'yo?" mahina pa siyang natawa, kaya nakita ko ang mapuputi niyang mga ngipin.
Ano ba naman ang nangyayari sa mga tao ngayon?
Napapikit ako dahil sa kunsumisyon, ano na naman ba itong napasok ko?
Handa na sana akong magpaliwanag ng biglang may lumitaw sa harapan namin. Si sir Racer na may multong ngisi sa labi habang nakatingin sa akin na agad ring lumingon sa kaliwang banda. Paglingon ko, nandoon si sir Asher sa malaking bato habang masamang nakatingin sa amin...sa akin? Ngunit agad niya ring ibinaling ang paningin sa kinakaing Kuchinta.
"Drew, puntahan mo na ang kaibigan mo do'n, baka ibalibag ka no'n ng wala sa oras." naguguluhan naman si Eldrew dahil sa pahayag ni sir Racer. Pabalik balik ang paningin kay sir Asher at kay sir Racer, hindi malaman kung ano ang naging kasalanan niya.
Nang makaalis si Eldrew ay agad na bumuhakhak ng tawa si sir Racer. Nang mapagtanto kong pinagloloko niya lang ito, hindi ko rin mapigilang matawa.
"Salamat." tinanguan niya lang ako at agad na lumangoy papunta kay Isiah, na busy kakalangoy na parang palaka.
Agad namang sumigaw si Isiah dahil hinawakan nito ang paa niya na siyang dahilan para hindi siya makausad. Tinulak pa nito si Isiah, na naging dahilan ng pagpasok ng tubig sa ilong at tenga.
"Hayop kang Poncio Pilato kang animal ka papa..." hindi naman nito natuloy ang sasabihin ng makita ang taong nasa harapan niya.
"Ha! Ha! Hayop sa ganda o hayop sa ganda o hayop ka, sir Racer kanta talaga iyon." parang bibe na nagpa-kyut si Isiah sa harap ni sir Racer. Kinurot lang nito ang pisngi ni Isiah na siyang ikinasimangot ng isa.
Parang may nangangamoy a.
| Sairoimes |
BINABASA MO ANG
Under the Stormy Ocean (Completed)
Romantik"Amidst of the stormy ocean, under it, I found them in the bustling waves that gives me serenity of peace." Poly | bl