Chapter 35

57 5 0
                                    

Chapter 35

ALARIK'S POV

"It is the only way of regaining my forgiveness. Don't disturb me again."

My voice played in my head repeatedly like a broken radio. I don't know why but there's a piece of me that melting while looking at them in a miserable situation.

I can clearly see the pain itching in their eyes, hopelessness can visibly seen in their faces...reason why I didn't get enough sleep last night.

Wala na sana iyon sa akin dahil hindi ko naman sila kilala pero parang may bumubulong sa akin na kausapin silang muli. Pati sa pagtulog ko ang nagmamakaawang mukha nila ang nakikita ko.

Katulad ngayon na bumibilis na naman ang puso ko kahit wala namang magandang dahilan.

I didn't even drink coffee this day, or even a months now. This is really frustrating.

Habang pababa ako sa may hagdan narinig ko si lola na may kausap sa lumang Keypad niya.

Hindi ko intensyon na makinig sa pag-uusap nila kaya lang mas naging klaro ng papalapit ako sa kinalalagyan ni lola.

Madadaanan pa ang pwesto ni lola bago marating ang kitchen side.

"Mag-iingat kayo sa byahe 'nak. Intindihin niyo nalang si Cross, alam ko na darating ang tamang oras na maalala niya rin kayo." mahihimigan ang lungkot sa boses ni lola.

Kung kilala ni lola ang mga taong 'yon, so totoo nga na kakilala ko rin sila...at boyfriend ko? Pumintig na naman sa sakit ang aking sintido pero hindi ito ang binigyan ng atensyon ko.

May mga boses akong naririnig...mga boses na narinig ko na ng paulit ulit sa isip ko. Malabo ang papalabas na sikat ng araw sa buong kapaligiran....

"I love you, my Vlash."

Ramdam ko ang pighati sa mga ala-alang nasaksihan. Lumingon ako kay lola na sa akin na rin nakatingin. Nagmamadali siyang lumapit at hinawakan ang ulo ko.

"May masakit ba sayo 'nak? Teka tatawag lang ako ng doctor..." bago pa makaalis si lola ay niyakap ko na siya.

"Huwag na 'la...maayos na ako." mahinang bulong ko at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanya.

Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan. Why I became emotional all of a sudden? Hindi ko maintidihan ang sarili.

Huminga ako ng malalim bago bumitaw sa pagkakayap sa kanya.

"Sino ang kausap mo kanina 'la?" kunwaring tanong ko sa kanya.

Inilingan niya ako at kaagad na hinawakan ang magkabilaang mukha. Pilit ang ngiting ipinakita ni lola sa akin. Hindi man lang ito umabot sa mga mata niya.

"Hindi mo talaga sila naaalala 'nak? Pero okay lang, ang sabi ni Valdimer, magpagaling ka raw. Huwag mong pilitin ang sarili para lang makaalala. Ang pangyayari sa kasal ng kakambal mo at ang nangyari kahapon...binibiro ka lang raw nila, kung nakikilala mo parin sila. Kalimutan mo raw ang lahat ng mga nangyari. They are just one of your closest friend in the Philippines." mahabang wika ni lola.

Pilit akong tumango kay lola, naniniwala sa kung anumang sasabihin niya.

Then, there's nothing to worry about. Kaibigan lang pala, bakit pa nagbibiro ng ganoong bagay.

Kung nagpakilala lang sana sila sa mabuting paraan hindi na sana nangyari ang lahat ng iyon. May posibilidad pa na maalala ko sila.

"Where are they 'la?" tanong ko kay lola para makipag-ayos sana.

Kaya lang yumuko si lola at may kung anong pinahiran sa mukha. Nang mag-angat siya ng mukha ay kaagad na nagpilit ng ngiti.

"Uuwi na sila sa Pilipinas mamayang gabi. Mag-iingat at maging masaya ka raw, 'nak...." iyon lang ang huling sinabi ni lola.

Under the Stormy Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon