Chapter 28

60 4 2
                                    

Chapter 28

Papunta na sana kami ngayon sa Quadrangle kaya lang nagtext si Val na sa bahay niya na lang raw kami mag-bonding. Huminto kami sa malaking bahay na kulay Blue.

Nakaabang siya sa gilid ng nakabukas na gate. Lumiwanag kaagad ang mukha niya ng makita kami. Sumenyas siya na ipasok namin ang kotse, dumiretso naman kami sa Parking space niya.

Yumakap kaagad siya sa amin, binigyan kami ng magagaan na mga halik sa bawat pisngi. Ganon rin ang ginawa namin ni Klein.

Pumasok kami sa loob at kaagad na sumalubong ang isang Siberian dog. Lumingkis ito sa paa ni Klein na kaagad rin niyang kinarga.

"Mag-isa ka lang rito?" busy ako kakalingon sa mga painting na nakasabit sa pader. Nakuha na nito ang atensyon ko pagkapasok pa lang namin kanina.

"I am, pero hindi na ngayon."

Hindi ka na nag-iisa, nandito lang kami. Gusto kong sabihin ang katagang iyan ngunit inunahan ako ng kaba. Ang saya na nararamdaman namin ngayon siguradong may kapalit na kalungkutan.

Kakayanin kaya namin? Kakayanin ko kaya kung sakali. Kaya kong lumaban hanggang dulo, hanggang may nakikita pa ako na kaunting pag-asa, kakayanin ko.

Pero kung ang pag-asa na iyon ang siyang susugat sa puso ko...parang hindi ko kakayanin.

"Let's go to movie room." magkabilaan kong hinawakan ang kamay nila. Ang sarap sa pakiramdam na hawak ko ang kamay nila.

Nakapili na kami ng papanoorin, Halo S3. Buhay na buhay ang dugo ko hanggang sa natapos ang palabas. Naubos rin ang isang bowl ng popcorn at ilang can of beers.

Nagpaalam muna ako na mag-cr lang, kanina pa umiinit ang pantog ko. Hinugasan ko rin ng preskong tubig ang mukha.

Napag-usapan namin na dito nalang matulog. Nagkasya naman kami sa king size bed niya, malaki pa nga ang espasyo.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa hindi na nakayanan ang antok. Nakangiti kong sinalubong ang kadiliman.

Napabangon ako sa kinahihigaan agad na kinapa ang dalawa. Mahimbing na natutulog si Val samantalang hindi ko mahagilap si Klein.

Bumangon ako at agad na tumungo sa c.r akala ko pa dito ko makikita si Klein. Matapos maghugas ng kamay ay dumiretso ako sa pinto. Inuuhaw at medyo masakit ang lalamunan ko.

Pipihitin ko na sana ang siradura ng pinto kaya lang may narinig akong nag-uusap, tila nag-aaway.

Sino ang kausap niya?

Hindi ko matuloy tuloy ang pagpasok para akong natuod sa kinatatayuan. May nag-uudyok rin sa akin na pakinggan ang pag-uusapan nila.

"When you broke up with me, you also told me that you...love me. Yet, it's not convincing. I don't love you anymore Hersh. I have someone right now, someone who's so important to me." napatango-tango naman ako habang pinipisil ang labi. Bakit parang hindi ako kuntento sa naging sagot niya, parang may kulang.

"Una mo akong sinaktan. You choose your career over me. Kaya kitang samahan no'n kung ginusto mo lang. Pinagtabuyan mo 'ko at humanap ka ng iba. Nasaktan ako, Hersh." gustong gusto ko ng umalis hindi naman pumapayag ang isipan ko.

"That's why you also used my bestfriend for your own benefits?"

What? Si Sevilleja ba ang tintukoy niya. Patuloy lang sa pagtibok ang puso ko. Kaya lang hanggang sa patagal ang usapan nila nakaramdam na ako ng kutob.

"What do you mean? You and Sevilleja are fiancee?" hindi ako makagalaw, pinipigilan ko rin palang huminga. Kung saan saan na umaabot ang iniisip ko. Paano nangyari, iyan ba ang tinatago nilang dalawa?

"Do you still love me?" mahinang tugon niya. Nawawalan narin ng lakas ang buong katawan ko. Hindi ko na kakayanin pang makinig sa pag-uusap nilang dalawa kaya unti unti akong umatras.

"You still love...me." napahawak ako sa dibdib na malakas ang tibok, patagal ng patagal parang sinasaksak na ito ng nagtataliman na mga punyal.

"I don't know Hersh but...I miss you, also." nanghihina akong tumalikod pabalik sa loob ng silid ni Val.

Dahan dahan akong sumampa sa kama. Nakita ko ang mahimbing niyang pagtulog. Ipinikit ko ang mga mata at inisip na lang ang magandang nangyari sa araw na ito.

Bago pa ako tuluyang lamunin ng kadiliman naramdaman ko pa ang kamay na yumakap sa aking tiyan. Napangiti nalang ako ng mapait.

KASAMA KO si Pedro para mamitas ng Watermelon sa farm. Sumama narin ako dahil wala naman akong magawa sa mansion. Ngayon pa na bigla bigla nalang pumapasok sa isip ko ang narinig ko noong isang gabi.

Busy sa pag-ma-manage ng restaurant si Klein, minsan lang kung umuwi rito sa Makati. Binabantayan pa kasi ni sir Ashton si Yllon dahil nagkasakit ito. Lumalambot rin pala ang isang 'yon.

Iba rin talaga kapag tinamaan ka ng pag-ibig ni Kupido. Wala ba namang sinasanto.

Pukos rin muna si Val sa Quadrangle at iyong V&H Enterprise. Ibinalik niya kasi sa ama ang kompanya nila, hindi na muna siya ang nag handle nito.

"May hot news pala Cross. Gusto mong marinig? Chika ko sayo." lumapit pa siya para lang sabihin 'yan. Malayo ang apat pa na kasama namin.

"Sabihin mo na." nakukuryoso rin ako.

Luminga linga pa siya sa paligid bago mas lumapit sa akin at bumulong,

"Umuwi na si ma'am Hershey rito sa Pilipinas, kahapon pa. Huwag kang magselos Cross, ex na 'yon." pampalubag loob niya. Maling balita talaga itong si Pedro. Mas lalo lang niya akong pina-overthink.

"Bakit naman ako magseselos?" depensa ko agad. Kumamot naman siya sa ulo at hilaw na nginitian ako.

"Alam na namin uy. Iba rin kaya tumitig sayo si sir Asher. Mukhang napuruhan talaga ni kupido." pinanlakihan ko tuloy siya ng mga mata. Patawa tawa lang itong tumalikod sa akin.

Namin. Nag hang yata ang utak ko.

"Namin!" hindi ko napigilang mapataas ang boses. Tuwang tuwa naman siya sa reaksyon ko.

"May mata kami, Cross." napatampal nalang ako sa noo.

Bakit nakakaramdaman ako ng masamang kutob. Hindi rin normal ang pagtibok ng puso ko.Hanggang sa pag-uwi nasa isip ko parin iyong sinabi ni Pedro.

Nakabihis na ako ng panglakad, susunduin ko ngayon sa restaurant si Klein. Mag-aalas-Otso narin kasi ng gabi baka naghihintay na rin iyon.

Buong byahe nakinig lang ako ng mga kanta ni Jamie Miller at Miley Cyrus. Nagparking ako sa labas ng restaurant, malaki ang building at pawang mga mayayaman lang ang makakapasok rito.

Pumasok ako sa loob, wala nang staff na nagkalat. Tahimik rin ang paligid hinanap ko agad ang sadya ko. Kaya lang hindi ko siya nakita rito sa first floor.

Umakyat ako patungo sa Second floor.  Nawala ang ngiti ko sa nakita. Hindi naman ako na-inform na ganito palang eksena ang maaabutan ko.

Naramdaman ko nalang na may namumuo na palang luha sa mga mata ko. Umalis na ako sa lugar na iyon bago pa nila ako makita. Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa pisngi.

Lalaki ka Cross, bakit ka umiiyak?

Tinawagan ko ang numero niya, nakailang ring pa ito bago niya sinagot. Pinahid ko naman ang luha sa pisngi at huminga ng malalim.

"Hey babe nasa labas na ako, kakarating ko lang. Hindi pa kayo closed?" kunwaring tanong ko. Tumahimik naman ang paligid. Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga.

"Palabas na ako babe. I love you." no. You didn't.

"Um. I love you too, babe." pinatay ko na ang tawag. Inayos ko ang magulo kong buhok at pinahid ang basang pisngi.

Him kissing someone means he's disrespecting me as his partner.

| Sairoimes |

Under the Stormy Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon