CHAPTER 3

1.4K 21 0
                                    

Pagkahatid sa akin ng Señorito sa Mansion ay agad din itong umalis dahil may klase pa raw ito. Binaha ako ng tanong mula sa mga kasamahan ko kung bakit daw ako isinama ng Señorito. Sinabi ko sa kanila kung anong ginawa ko doon maliban sa nagpasubo ito sa akin.

Nagtataka nga sila dahil ito daw ang unang beses na nagsama ito ng kasambahay sa condo unit niya. Kahit nga daw si Aling Li na Yaya nito ay hindi pa nakakapasok sa condo unit ng Señorito. Nanatili lang akong tahimik dahil wala naman akong alam dahil nga bago pa lang ako sa pamilyang ito. Malay ko ba sa tinatakbo ng utak ng demonyong Señorito na 'yon.

Kasalukuyan akong narito sa kwarto ko. Tuwing hapon ay may dalawang oras kaming pahinga. Magsisimula na naman ang trabaho pagsapit ng 4 ng hapon.

Bigla kong naalala na nasa akin nga pala ang telepono ni Luisa dahil hiniram ko kanina.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at dali daling kinuha ang telepono na nasa cabinet ko. Kaagad kong dinial ang numero ni Lyndon. Mabuti na lang at memoryado ko ang numero n'ya. Nakatatlong ring bago n'ya ito sinagot.

( "Hello? Sino to?" )

Hindi ko mapigilang mapaluha ng marinig ko ang boses n'ya. Sobrang miss na miss ko na s'ya.

"L-lyndon" Napakagat labi ako na pumiyok ang boses ko.

( "Hon? Is this you?" )

Sunod sunod na pagtango ang ginawa ko kahit na hindi n'ya naman nakikita.

( "Answer me. Ikaw ba 'to Hon? Hayana please!" )

"A-ako 'to Lyndon" mahinang sagot ko kasunod ng iilang pag hikbi

( " Bakit ngayon ka lang tumawag? Teka kamusta ka na? Pinuntahan kita kina Mam Cristy pero wala nang tao sa bahay nila. Isinama ka ba nila? Nasaan ka Hon?" ) Sunod sunod na tanong nito na ikinangiti ko. Pinunasan ko ang mga luha kong tuloy tuloy sa pag agos.

"A-ayos lang ako Lyndon. Wala na ako kina Mam Cristy dahil nagmigrate na sila sa Amerika. Inilipat nila ako dito sa Kaibigan n'ya. Ikaw kamusta ka na? Kayo ni Tita?" Pinilit kong pinasigla ang boses ko dahil ayokong marinig n'yang umiiyak ako. Mag aalala lang s'ya kapag nagkataon.


( "Okay lang ako Hon, huwag mo akong intindihin. Si Mama nasa Hospital pa rin. Lalong lumalala yung kondisyon n'ya kaya ito doble kayod ako. Pero 'wag kang mag alala. Magiging okay din ang lahat. Ikaw, huwag mong masyadong papagurin ang sarili mo ha. Ayokong magkasakit ka" ) sagot nito na mas lalong ikinatulo ng mga luha ko.

"M-miss na miss na k-kita Lyndon" kumawala ang isang hikbi sa bibig ko na alam kong nadinig n'ya.

( "Hey Hon, are you crying?" )

Kahit hindi ko s'ya nakikita, alam kong natataranta na s'ya. Ayaw na ayaw n'ya kasi na umiiyak ako.

Ayoko s'yang mag alala kaya pinakalma ko ang sarili ko bago sumagot.

"M-masaya lang ako kasi nakausap uli kita"

( "Ako rin Hon. Basta pangako. Magkakasama uli tayo. Babalik uli tayo nila Mama gaya ng dati. Sige na Hon, tinatawag na ako ng boss ko. Call me again later okay. I love you" )

"Mahal din kita Lyndon"


Pagkababa n'ya ng tawag ay niyakap ko ang telepono. Iniisip ko na s'ya ang kayakap ko. Gusto ko na silang makasama ulit. Gusto ko ng bumalik yung dati. At mangyayari lang iyon, kapag gumaling na si Tita.

Kaya kailangan kong mag doble kayod gaya ni Lyndon. Kailangan naming makaipon agad para ma-operahan na si Tita. Pinunasan ko ang mga luha kong halos ayaw na yatang tumigil sa pag agos.

THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon