CHAPTER 38

667 14 1
                                    

HAYANA'S POV

"Aalis ka?" Kunot noong tanong ko kay Señorito. Bihis na bihis kasi siya.

Wala naman kaming pasok ngayon dahil Sabado. At sa pag kakaalala ko rin ay sa susunod na linggo pa ulit kami uuwi ng Mansion. Bakit siya bihis na bihis ngayon.

"Yup. And not only me. Kasama ka" Sagot nito habang tinutupi ang sleeves ng long sleeves na suot niya. Ibinaba ko ang hawak kong mangkok na may lamang sopas sa lamesa saka tumayo at lumapit ng kaunti sa pwesto niya.

"Huh? Saan naman tayo pupunta?"


"We'll gonna visit someone" sagot nito saka lumapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi

"Sino?"


"Someone special in my heart" sagot nito bago ngumiti. Lumayo siya sa akin at naglakad patungong salas.


Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng selos dahil sa sinabi niya.


Agad kong pinukpok ng mahina ang ulo ko. Baka naman hindi babae 'di ba. Malay mo naman iba Hayana. Lagi na lang akong ganito. Parang gumagaya na ako sa pagiging seloso niya. Hayss!


Pero hindi niyo naman kasi ako masisisi. Normal lang naman na magselos 'di ba? Lalo pa't sinabi niyang special sa puso niya ang taong 'yon.

Parang ayoko na lang na sumama sa pupuntahan niya.

"Hey wife! Let's go?" Untag nito sa akin habang nakapamewang na nakatayo sa bukana ng pintuan.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumango sa kaniya.

"What's with the deep sigh? May problema ka ba?" Tanong nito saka humakbang palapit sa akin. Ipinulupot nito ang mga braso sa aking beywang saka tumapat ang Mukha niya sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot tsaka ngumiti ng tipid.

Ayokong mag alala siya. Nitong mga nagdaang araw. Madalas ko siyang nasusungitan. Mabuti na nga lang at hindi siya napipikon sa akin. Pero may oras din na alam kong nagtitimpi lang siya.

"Mag-papalit lang muna ako ng damit sandali" paalam ko na tinanguan niya lang


"I'll wait you outside" aniya saka ako muling hinalikan sa labi na hindi ko alam kung ilang segundo ang itinagal. Siya na rin ang unang bumitaw. Ngumiti ito bago tumalikod at naglakad palabas ng kusina.


Bagsak balikat ko namang tinungo ang kwarto ko para makapag-palit.



Sa katunayan ay tinatamad akong kumilos ngayon. Hindi dahil sa nagseselos ako. Sadyang tinatamad lang talaga ako. Sa katunayan pa ay noong nakaraan pa ako ganito. Para akong tinatamad kumilos lagi. Kaya madalas ay si Señorito na ang nagluluto o di naman kaya'y paminsan-minsan ay siya na ang naglilinis ng buong Unit namin.



Nagpalit lang ako ng Maong na pantalon at sleeveless na pang itaas. Gusto ko sanang mag short lang dahil doon ako komportable kaya lang baka magalit na naman yung dragon. Kaya no choice.



Lumabas na ako pagkatapos kong magpalit. Nadatnan ko siya sa labas ng Unit namin na may kausap sa telepono. Hinintay ko muna siyang matapos makipag usap bago ako lumapit sa kaniya.



"Let's go" aya niya na tinanguan ko na lang. Hinawakan nito ang kanang kamay ko tsaka ako hinila papasok sa malapit lang na elevator.

____

"Why are you so silent?"

Saglit ko siyang nilingon. Wala sa akin ang atensiyon niya dahil abala siya sa pagmamaneho.


THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon