CHAPTER 36

713 19 0
                                    

Malayo man ay tanaw na tanaw ko ang tatlong taong kausap nina Mam Cria sa Leaving room. Paharap sa amin ang pwesto nila kaya kitang kita ko ang mga mukha nila


Nakaramdam ako ng kaunting lungkot at kakaibang saya ng makita ko siya



"Keo" mahinang bigkas ko sa pangalan niya. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa kamay ko


"Stop staring at him. Nagseselos ako"


Agad na inalis ko ang tingin ko kay Keo at ibinaling sa lalaking katabi ko. Wala sa akin ang tingin nito. Ngunit bakas ang kakaibang tinging ipinupukol nito kay Keo.



"Kaibigan ko lang si Keo. At masaya lang ako kasi nakita ko siya ulit. Ilang linggo kasi siyang hindi pumasok" mahinahong saad ko


"Kahit na. Kailangan bang titigan mo pa siya" sagot niya bago binitawan ang kamay ko at nauna ng naglakad. Naiiling na nakatingin lang ako sa kaniya. Napakaseloso talaga.


Naglakad na lang din ako at sumunod sa kaniya.


"Mom" tawag pansin ni Señorito sa Mommy niya ng makalapit na kami sa pwesto nila. Mukhang napaka-seryoso ng pinag uusapan nila dahil hindi man lang nila napansin ang pagdating namin



Nabaling sa amin ang atensiyon nilang lahat kasama na ang Daddy ni Keo at ang isa pang lalaking kasama nito.



Nagulat ako ng mabilis na tumayo si Keorin at naglakad palapit sa akin. Kakaiba ang klase ng pagtingin nito sa akin. Para siyang malungkot na hindi ko maintindihan.



"K-kae"



Nabigla ako ng yakapin ako nito ng sobrang higpit.


"Kaeriz"



Agad na kumunot ang noo ko dahil sa pangalang bigkas niya


Kaeriz?



Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Napatitig ako sa mukha niya. Nakangiti ang mga labi niya pero pansin ko ang luha sa mga mata niya. Balak ko sanang punasan iyon kaya lang..


"Let go of her"


Hinila ako ni Señorito palapit sa kaniya. Tinignan ko siya at sinimangutan.


"Bakit ka nanghihila?" Inis kong tanong sa kaniya.




"He hugged you. Anong gusto mong gawin ko? Manuod lang at pabayaan siya. No fucking way, Hayana" Bakas ang galit sa tono niya. Inirapan ko na lang siya. Nagsimula na naman akong makaramdam ng inis sa kaniya. Napakaseloso. Minsan nakakairita na.


Muli kong tinignan si Keo. Tipid itong ngumiti sa akin bago bumalik sa inuupuan niya kanina.

Parang may kakaiba sa kanya.


"Ehem. Mabuti at nandito kayong dalawa. Creigh, Hayana"



Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling sa nagsalita. Si Mam Cria. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa inasal ko sa harapan nila. Lalo na at nasungitan ko pa si Señorito.


"Why Mom? Is there something wrong?"



"Wala Anak. Pero may importante lang na sasabihin si Mr. Li"




Nabaling naman ang atensiyon ko sa Daddy ni Keorin. Nahuli ko itong titig na titig sa akin na muling ikinakunot ng noo ko.



"Take a sit Son, Hayana" ani Sir Lucio.




THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon