CHAPTER 17

1K 21 1
                                    

Gaya ng utos ng Señorito, pagkatapos ng morning class ay dumiretso ako sa opisina niya. Hindi pa ako nakakapag tanghalian. Mahirap na at baka mainip na naman ang isang iyon.


Todo ingat din ako dahil baka bigla ko na namang makasalubong si Lyndon. Dapat ko na s'yang iwasan. Para maituon n'ya na ang atensyon n'ya kay Samira. Hindi na masyadong masakit, siguro ay paunti unti ng tinatanggap ng sistema ko na hindi talaga kaming dalawa ang para sa isa't isa. At noon pa man alam ko ng hindi rin kami ang magkakatuluyan dahil alam ko kung sino talaga ang para sa kanya.


Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko namalayan ang pagbangga ko sa isang tao. Mabuti na lang at mahina lang kaya hindi ako natumba.



"Are you okay?" Tumingala ako para tignan ang taong nakabunggo ko. Natigilan ako at napatitig sa mukha niya.


Napakaganda n'ya. Para s'yang anghel


"Are you okay miss? Nasaktan ka ba?" Nabalik lang ako sa ulirat ng haplusin nito ang pisngi ko.


"O-okay lang po ako. Kayo po, hindi po ba kayo nasaktan? Pasensya na po, napalalim ang pag iisip ko kaya hindi ko namalayan may makakasalubong ako" nahihiyang Saad ko.


"It's okay. Hindi naman ako nasaktan eh. Anyway mauna na ako sa iyo. May meeting pa akong iaattend. Be careful next time okay" ngiting sabi nito. Ngumiti ako sa kanya bago tumango.



Tumalikod na rin ito at nagsimulang magklakad paalis. Hanggang sa makalayo ito ay hindi ko inalais ang tingin ko sa kanya.



Bakit gano'n. Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa ginawa n'yang paghaplos sa pisngi ko.



Sino kaya s'ya? Bakit pakiramdam ko kilala ko ang babaeng iyon.




"Tsk. Why are you still here? And whose your looking at?" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.


Kunot noong sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Señorito Creigh


"Ah. Eh. Wala po"


"Tsk. Let's go"



Hinawakan nito ang kamay ko kaya nabaling ang atensyon ko doon. Nagsimula na ring kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nagsimula na itong maglakad habang magkahawak ang aming mga kamay.


Hanggang sa makarating kami sa opisina n'ya ay hindi nito binitawan ang kamay ko.



Binitawan lang nito ang kamay ko ng hilahin nito ang swivel chair n'ya at umupo doon. Sumenyas ito na kumandong ako sa kanya.



Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago sinunod ang utos n'ya. Umupo ako ng paharap sa kanya. Pag kaupo ko ay hinapit ako nito at mas lalo pang inilapit sa kanya. Nagsimula na ring pumulupot ang mga braso nito sa beywang ko kaya nagsimula na rin akong kabahan.


Kakaiba rin ang klase ng pagtitig n'ya sa akin. Pero sinalubong ko pa rin iyon.


"Are you ready for your punishment, hmm?"

Tumama ang bango ng amoy mint nitong hininga sa aking mukha. Bigla akong napalunok ng pisilin nito ng bahagya ang beywang ko.


Bigla akong kinilabutan ng tumaas ang mga palad nito at parang minamasahe ang likod ko. Pati ang mga balahibo ko sa katawan ay tila nakaramdam ng kilabot dahil nagsitayuan silang lahat.



"S..Señori..to" hindi ko alam kung bakit tila nahihirapan ako sa pagsalita. Hinahaplos lang naman nito ang likod ko pero pakiramdam ko may hatid na kakaibang sensasyon iyon sa katawan ko.


THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon