CHAPTER 31

720 15 1
                                    

HAYANA'S POV

"Are they really your parents?"

Napalunok ako habang nakatingin kay Mr. Li. Hawak ni Keorin ang kamay ko na kahit paano ay nakatulong dahil nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim bago tumingin ng diretso sa mga mata niya.



"Ang totoo po. Wala talaga akong mga magulang" diretsong sagot ko.




Hindi ko alam pero parang may nag uudyok sa akin na sabihin sa kaniya ang totoo. Na wala talaga akong magulang. Kapag may nagtatanong kasi sa akin noon tungkol sa kanila. Madali para sa akin na sabihin na patay na sila. Madali para sa akin na magsinungaling. Pero ngayon, sa harap ng mga magulang ni Keo. Ang hirap magsabi ng hindi totoo.




"How did you say that?" Tanong niya.



"L-lumaki po kasi ako sa bahay ampunan. Iyon po ang sabi ng mga kumupkop sa akin"



"Orphanage?" Aniya.



Tumango naman ako"Opo"




"Then who are those people who raised you. Who took care of you as you grew up?" Seryosong tanong niya na ikinatigil ko. Muli akong napalunok. Bakit tila interesado siya sa mga magulang ko?




"Hon. That's enough. Why you seem interested of knowing about Hayana's Past. What's going on?" Saway ng Mommy ni Keorin. Mukhang napansin din nito ang kakaibang tanong ng asawa niya.



"It's nothing. I just want to know her well. Is there a problem with that?" Balewalang tugon nito at muling ibinalik sa akin ang tingin. Meron talagang kakaiba sa tingin niya. Hindi ko lang matukoy kung ano.




"No. But, it's too much" muling sabi ng Mommy ni Keo




"Ako na ang humihingi ng pasensya, Hija" baling nito sa akin saka ngumiti ng tipid


"A-ayos lang po" alanganing sagot ko.




Nilingon ko si Keo ng pisilin nito ang kamay ko. Binalingan ko siya saka nginitian ng tipid .




Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan ng bumukas ito. Pumasok ang lalaking nakasuot ng itim na uniforme gaya ng iba. Yumuko muna ito sandali pagkatapos ay lumakad ito palapit kay Mr. Li. May sinabi ito na hindi ko maintindihan dahil mukhang ibang lenggwahe. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumayo na rin ito at tumayo sa gilid ni Mr. Li.






"Something came up. Excuse me for a while" paalam ni Mr. Li saka tumayo at naglakad palabas kasama nung lalaki.




"Sorry for that again, Hija. Masiyadong naging matanong ang asawa ko" Yung Mommy ni Keorin



"Ayos lang po 'yon"




Ngumiti na lang ako sa kaniya ng tipid. Pero sa loob loob ko ay nagsimula na naman akong makaramdam ng lungkot. Lungkot dahil naalala ko nanaman ang mga pinagdaanan ko noon. Iwinaglit ko na lamang iyon sa isipan ko. Ayaw ko ng balikan pa ang nakaraan na iyon.





May mga ilan pa kaming napagkwentuhang tatlo. Nakakatuwa nga kasi madaldal ang Mommy ni Keorin. Marami siyang kwento. Lalo na tungkol sa kabataan ni Keo. Sabi niya rin na Tita na lang daw ang itawag ko sa kaniya. Hindi na rin bumalik ang Daddy ni Keorin kanina na siyang ipinagpasalamat ko.







Ngayon ay nakaupo ako rito sa malawak na Hardin nila Keorin. Nakapikit ako habang ninanamnam ang preskong simoy ng hangin. Maraming lantern ang nasa bawat sulok ng kabakuran nila kaya hindi masiyadong madilim kahit na alas otso na ng gabi.





THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon