CHAPTER 25

734 19 0
                                    

HAYANA'S POV

" M-mahal mo pa ba ako Hayana? Kasi ako, mahal na mahal pa rin kita. At kahit na kailan, hindi na magbabago iyon"



Bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Paano ko ba sasabihing, hindi na siya at may iba na. O dapat bang sabihin ko na, hindi talaga naging siya kahit na kailan.

"Oo" Diretsong sagot ko. Biglang umaliwalas ang mukha niya at ngumiti ng malawak


Oo mahal kita. Mahal kita bilang kaibigan at nakakatandang kapatid lang Lyndon.


"Really? Then kaya mo ba akong hintayin Hayana. Pangako pagkatapos ng operasyon ni Mama, babalikan kita. Tatakas ta-"



"Hindi Lyndon. Isang malaking pagkakamali 'yang gusto mong gawin. Para ka na ring nanloko ng tao kapag ginawa mo 'yan. At isa pa kawawa si Samira"




Ayokong ng dahil lang sa akin malagay sa alanganin ang buhay nila ni Tita Grace. Kilala ko ang Daddy ni Samira. Masiyado siyang ma-impluwensiya. Kaya niyang gawin lahat.


"Pero paano tayo Hayana. I want us back katulad ng dati"




"Kaya pa naman nating bumalik sa dati eh. Pero hindi na pwede 'yong tayong dalawa bilang magkasintahan Lyndon. "




"Pero mahal mo pa naman ako hindi ba?"




"Oo mahal kita. Pero hindi na katulad ng dati Lyndon. Marami ng nagbago. Isa na doon ang nararamdaman ko para sa iyo" seryosong saad ko. Ayoko ng umasa pa siya. Gusto kong totoong maging masaya siya.



"W-what do you mean? W-why? M-may iba na ba?" Garalgal na ang boses nito. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Ayoko siyang nakikitang ganito dahil nasasaktan din ako.



Mukhang tama sila Hakari. Mukhang kaya ko lang minahal si Lyndon ay dahil mahal niya ako. At natatakot lang akong masaktan siya kaya pinaniwala ko siya pati na ang sarili ko na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.



Isa akong malaking tanga.


"Tell me Hayana. May mahal ka na bang i-iba?" Iniwas ko ang tingin ko saka sumagot.

"Oo. I'm sorry"



"Si Lucwein ba?" Hindi ako sumagot. Hindi ako makahanap ng tamang isasagot sa kaniya.



"S-siya ba?" Pag uulit niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kawalan.

"Naging mahirap para sa akin noong sumuko ka Lyndon. Alam mo bang sa iyo lang ako nakadepende noon. Kasi kayo lang ni Tita 'yung pamilya ko. Sabi ko, baka hindi ko kayanin kapag wala ka na sa tabi ko. Pero kinaya ko. Noong panahong sumuko ka na, may taong laging nandiyan para sa akin. Hindi niya ako obligasyon pero sa tuwing kailangan ko siya, nandoon siya. Hindi niya man pinapahalata pero pinaparamdam niya. Nakakatawa lang kasi, napakamanhid ko pala. At kanina ko lang narealized na Mahal ko na siya" saad ko saka inalala lahat ng mga bagay na ginawa ni Señorito para sa akin. Pero syempre hindi kasama ang pagsusungit at pagsigaw niya sa akin noon.




Pero mukhang ang ugali niyang iyon ang nagustuhan ko. Mukhang sa pagiging Bipolar niya ako nahulog.




Posible palang mangyari ang ganoon. Na sa kakaibang pag-uugali ka ng isang tao makukuha.


"So, si Lucwein nga"



Humarap ako sa kaniya at tumango. Wala rin naman kasing mangyayari kung itatanggi ko pa.




THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon