CHAPTER 6

1.4K 24 0
                                    

Simula ng umalis si Señorito ay naging tahimik ang buong Mansion. Walang nag uutos, walang nagagalit at higit sa lahat walang sumisigaw. Sabi nga nila Luisa ay parang may natanggal na isang bagay na nakabara sa mga lalamunan nila kaya nakakahinga na sila ng maluwag.


Pero ako, parang mas lalong nadagdagan ang isipin ko simula ng umalis s'ya dahil doon sa sinabi n'ya na sisingilin n'ya ako sa pagbalik n'ya. Alam ko naman ang ibig n'yang sabihin. Kabayaran para sa pagpapanatili n'ya dito kay Luisa. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa pagbalik n'ya pa. At ano naman kaya ang hihingiin n'yang kabayaran.



Pero kahit ano pa man iyon. Kailangan ko iyong ibigay sa kanya. Baka kasi kapag hindi ko ginawa, baka tuluyan n'ya ng paalisin si Luisa.


Nandito ako ngayon sa Hospital kung nasaan naka-confine si Tita Grace, ang Mama ni Lyndon. Nag day-off ako para madalaw ko naman s'ya. Ilang buwan ko na rin kasi s'yang hindi nakikita gaya ni Lyndon.



Ng marating ko ang kwarto ni Tita ay kaagad din akong pumasok, naabutan ko si Manang Fe na nagbabantay sa kanya. Si Manang Fe ang Yaya ni Tita noong bata pa s'ya. Tapat ito sa pamilya nila Tita, kaya heto kahit hindi na s'ya nasuswelduhan ay hindi n'ya pa rin iniiwan si Tita.


"Manang Fe" pantawag pansin ko dito. Lumingon naman ito at gulat na gulat ng makita ako.


"Hayana? Naku Hija, mabuti naman at nakadalaw ka" masayang ani nito.


Ibinaba ko muna sa lamesa ang dala kong mga prutas bago ako lumapit sa kanya at yumakap.


"Kamusta na po si Tita, Manang?" Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tumitingin kay Tita na mahimbing na natutulog.



Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita.


"Habang tumatagal mas lumalaki daw ang butas sa puso n'ya hija. Ang sabi ng Doctor mas maganda daw kung maooperahan na s'ya kaagad. Pero wala pa naman tayong pera eh. Kung hindi sana namatay si Harry, hindi sana malulugi ang Kompanya. Edi sana matagal ng naoperahan si Grace" malungkot nitong sagot


Lumapit ako sa higaan ni Tita at umupo sa upuan sa gilid nito. Hinawakan ko ang isang kamay nito at hinaplos.


"Lumaban ka Tita ha, 'wag na 'wag mo kaming iiwan ni Lyndon. Pangako, gagawin ko ang lahat para mas mapadali ang operasyon mo"



Mahirap at masakit na nakikita s'ya sa ganitong kalagayan. Ang taong tumulong at nag Aruga sa akin. Ang taong itinuring akong pamilya.


"Nakakausap mo ba si Lyndon hija? Matagal na din kasi s'yang hindi pumupunta rito?" Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti


"Nakausap ko po s'ya noong nakaraan Manang. Mukhang sinusubsob n'ya po sa trabaho ang sarili n'ya kaya siguro hindi pa s'ya nakakapunta rito" malungkot na sagot ko



"Lahat talaga gagawin ni Lyndon para sa Mama n'ya" sambit nito na ikinangiti ko


"Kasi mahal na mahal n'ya po si Tita, Manang"


"Alam ko iyon hija" nakangiting sambit nito.



May mga ilan pa kaming napagkwentuhan ni Manang Fe bago ko naisipang magpaalam na at bumalik na ng Mansion. Hindi ko na nahintay pang magising si Tita dahil ilang oras lang ang paalam ko kay Aling Li. Naitanong n'ya rin kung ayos lang daw ba ang pinapasukan kong trabaho. Sinabi ko namang ayos lang dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko na lang ikwenento ang tungkol sa Señorito dahil alam kong mag aalala din s'ya.



THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon