CHAPTER 7

1.4K 27 0
                                    

"We're just starting, Hayana. We're not done yet" paos na bigkas nito pagkatapos ay muli na naman akong siniil ng isang mainit at mapusok na halik.

Hindi ako tumugon sa una, pero gaya kanina ay kinagat na naman nito ang ibabang labi ko kaya hindi ko napigilan ang pag awang ng bibig ko. Muli na naman nitong pinasok ang dila n'ya at pinuntirya ang dila ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal. Basta nakatulala lang akong nakatitig sa mga mata nitong nakapikit.


Nang bumitaw ito ay sabay kaming naghabol ng hininga. Idinikit nito ang noo sa noo ko. Tinitigan ako nito sa mata na s'ya ring ginawa ko. Nakaka-hipnostismo ang mga titig n'ya. Tingin na napakahirap iwasan.


Hinaplos nito ang mukha ko kasabay ng pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito na ikinabigla ko.


Totoo ba ang nakikita ko? Nakangiti ngayon si Señorito??


O baka naman isa lang itong panaginip. Paanong ngingiti ang Demonyo kong Señorito.


Pero hindi eh. Alam kong nangyayari ito ngayon dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang malambot nitong labi sa labi ko dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin kanina.

"That was so damn good, Hayana" sambit nito habang patuloy na hinahaplos ang mukha ko.


Bigla kong iniiwas ang tingin ko. Pakiramdam ko napakababa ko masyado. Madali akong napapasunod ng iba. Madali nila akong naloloko dahil napakahina ko, napakamatatakutin ko.



"I still want to feel your lips on mine..but I'm really tired right now" huling bigkas nito bago ko naramdaman ang unti-unting pagbigat ng kaniyang katawan hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang ulo nito sa balikat ko na ikinagulat ko.


"S-señorito?" Tawag ko rito pero wala na akong narinig na salita mula sa kaniya, sa halip ay isang banayad na paghinga ang naramdaman ko sa aking batok na siyang nagpatayo ng aking mga balahibo sa katawan.

Teka, bakit parang unti-unti s'yang bumabagsak.

'Wag n'yang sabihing...


"KYAHHHHHH"

*bogshhhhhh*

"Ouch!!" Agad na daing ko ng tumama ang likod ko sa lapag gawa ng mabilis kong pagbagsak. Idagdag pa ang mabigat na lalaking nakadagan sa akin.


Pikit kong itinutulak ang tulog na Señorito paalis sa ibabaw ko dahil hindi na ako makahinga. Nang maitulak ko ito paalis sa ibabaw ko ay mabilis akong bumangon at umupo habol habol ang hininga ko. Pinilit ko ring inabot ang masakit kong likod at hinilot-hilot.


Tinignan ko si Señorito na mahimbing na ang pagkakatulog at hindi man lang naramdaman ang naging pagbagsak naming dalawa.

Anong nangyari sa kaniya?? Bakit bigla s'yang nakatulog??

Bigla akong napatingin sa center table na narito sa sala. Nakita ko ang tatlong bote ng wine na nasa ibabaw na sa tingin ko ay wala ng mga laman.


Mukhang umiinom s'ya kanina bago pa ako dumating. Kaya pala amoy alak ang hininga n'ya.

Bakit s'ya uminom? Hindi ba't kararating lang n'ya.


Ibig sabihin lasing s'ya kaya n'ya ako nagawang halikan kanina. Wala s'ya sa katinuan.


Ngayon lang naging malinaw sa akin ang kahihiyang nagawa ko. Ang pagtugon ko sa mga halik nito. Agad kong pinukpok ang ulo ko.


THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon