CHAPTER 27

759 15 2
                                    

KEORIN'S POV

"Dude, hinahanap ka ng Mommy mo"

Itinigil ko ang pagpupunas ng basa kong buhok at nilingon si Casper, isa sa mga ka-team mates ko sa basketball.

"Saan siya?" Simpleng tanong ko bago muling pinunasan ng towel ang buhok ko

"Nasa gym"

"Okay. Thanks"

Kinuha ko muna ang bag ko na nasa locker ko bago ako lumabas at tinungo ang gymnasium.

"MOM!" Tawag ko sa kaniya ng makita ko siya na nakaupo sa bleachers.

Tumayo naman ito saka kumaway sa akin. Naglakad ako palapit sa kinauupuan niya.

"How was your day?"

"Good Mom. As always" sagot ko saka humalik sa pisngi niya.

"Hinahanap niyo daw ako. Bakit Mom?" I asked. Umiling naman siya saka ngumiti


"Nothing Son. Na-miss lang kita. Hindi ka kasi umuwi kagabi. You know, madali kitang mamiss specially kapag hindi kita nakikita sa bahay" malambing na sagot nito. Ngumiti ako pagkatapos ay inakbayan siya.

"Kaya pinagseselosan na ako ni Dad e. Nasa akin lagi atensiyon mo" pagbibiro ko na ikinangiti niya


"Hayaan mo ang Dad mo. Puro siya business kaya tinatamad akong lambingin siya" nakasimangot na saad nito na ikinatawa ko.

"Business man e" natatawang sambit ko.

"Haysss. Anyway Son. Nakasalubong ko yung kaibigan mo kanina. You know, I felt something strange when I touched her face earlier"

"Kaibigan ko? Sinong kaibigan ko, Mom?"

"The girl we met no'ng nagdinner tayo kina Cria"

"Hayana?"

"Yes. Kanina ko lang din nahalata na magkamukha pala kayo. You both have the same shape of eyes. Even the curve of your face, it's really same as her. She's like a girl version of you. Well, Para kayong kambal haha" saad nito na ikinatigil ko. I looked away and faked a laugh

"Maybe we're really twins" I joked. But I wish we really were.

"How can you be twins? You are the only one I gave birth to. Maybe it's just really a coincidence. Marami namang gano'n eh, magkakamukha pero hindi magkadugo" she said

Hindi na lang ako umimik. Maybe she's right. Maraming tao ang magkakamukha kahit na hindi magkadugo. Bakit ba iniisip ko na posibleng si Hayana ang kapatid ko.


Kaeriz is already dead. Matagal na siyang nananahimik. Dapat ay gano'n din ako. Dapat hindi ako nagpapaapekto sa pagkakapareho namin ni Hayana.

"Nga pala, sabi ng Dad mo bago ka umuwi mamaya, dumaan ka daw muna sa office niya"

"Okay Mom"

"You still have a class, right?. Sige na anak, uuwi na rin ako"

"Ok! Bye Mom"

Humalik muna ako sa pisngi niya bago siya tumayo at naglakad palabas ng gym.

I heaved a deep sigh. Humiga ako at tumitig sa itaas.

"How are you there princess. Are you watching us from there? Can I have a favor to ask"

"Can you give me a sign princess. Give your kuya a sign that you're really in heaven. Para mawala na rin itong iniisip ko na Ikaw at si Hayana ay iisa"

THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon