CHAPTER 35

749 20 1
                                    

"Did I tell you to come here" boses iyon ni Señorito. Malamig e

"Tsk. Bro naman. Bakit ba ayaw mo kami dito sa unit mo. Parang hindi mo kami pinsan ah. Pero, kahit anong sabihin mo tutuloy pa rin kami ni Vrion. 'Cause it's your day today my dearest cousin"

"Shut the fuck up, Mirken"


"Ito naman. Ke-aga aga High Blood. Parang walang nangyaring maganda kagabi e. Lagay ko muna itong cake sa Ref"

May narinig akong mga yabag na palapit dito sa kusina. Nagulat ako ng pumasok ang isang pinsan ni Señorito. 'Yung moreno na medyo mahaba din ang buhok.

"Ow.. Hi gorgeous" nakangiting bati nito sa akin. Ngumiti na lang din ako pabalik. Pansin ko na tila kakaiba ang klase ng pagkakangiti niya. Parang may ibig sabihin.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Kinuha ko ang pitcher sa ref saka naglakad palapit sa drawer para kumuha ng baso.


"Seems like may magandang nangyari kagabi. Maaliwalas kasi Mukha ni Luc" Natigil ako sa akmang pag-inom ko ng tubig dahil sa sinabi niya.


Humarap ako sa kaniya at kunot noo siyang tinignan "Huh?"


Pilyo itong ngumiti saka umiling "Nothing. Anyway, we bought cake for Luc's birthday" Saad nito saka ipinakita ang cake


Nagulat naman ako sa narinig. Birthday ni Señorito Ngayon? Bakit 'di man lang siya nagsabi.



Maya-maya lang ay pumasok din dito sa kusina ang isa pa nitong pinsan. Ngumiti at kumaway ito sa akin.


"Hi there Hayana" Naiilang na ngumiti na lang din ako pabalik sa kaniya

"Do not disturb her Idiot"

Napatingin naman ako kay Señorito na pumasok din dito sa kusina. Masama ang mga tingin na ipinupukol nito sa dalawa. Lumakad ito palapit sa akin at hinapit ako palapit sa kaniya.


"As I count of three. Dapat wala na 'yang mga pagmumukha n'yo rito. Isa.." nagsimula siyang magbilang


"Wait. Did I hear it right? Nagtatagalog ka na?" Halata ang pagka-gulat sa mukha ni Moreno. Mukhang ngayon lang nila narinig na nagtagalog si Señorito



"Dalawa..."



"Teka lang naman Bro. Mag cecelebrate pa tayo ng Birthday mo 'di ba" Saad naman nung Singkit. Napangiti na lang ako. Mukhang takot Sila Dito Kay Señorito.



"Don't try my Patience. Now.get.out" nagtitimping saad ni Señorito



"Psh! Fine" sabay na naglakad paalis yung dalawa. Napapailing na lang ako.

Hinarap ko si Señorito

"B-birthday mo?"

Tumango siya"Yeah"


"Bakit hindi mo sinabi. Wala tuloy akong naihandang regalo" Nakangusong sambit ko.



"You already gave me your gift. So don't worry about it" nakangiting sabi niya

Naibigay ko na ang regalo ko? Teka, kelan?

"May niregalo ako sa'yo?" Kunot noong tanong ko. Alanganin naman siyang ngumiti.

"Huwag mo ng isipin 'yong regalo. Let's have a date na lang later" sabi niya ng nakangiti pa rin.

Parang na-eexcite naman ako sa sinabi niya. Ngayon lang yata kami magdedate. Kaya lang kasi... masakit pa 'yong katawan ko

THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon