CHAPTER 40

700 18 1
                                    

"Hayana, alam mo na bang aalis lahat ng Civil Engineering student?"

Natigil ako sa pagliligpit ng gamit ko at nilingon si Miyuri.

"Aalis? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko

"Sabi ni Kuya, lahat daw sila sa Department nila, I mean sa klase nila ay may Training na gagawin sa France. One week din daw yata 'yon. Hindi ba nasabi sa'yo ni Lucwein?" Umiling na lang ako bilang sagot sa kaniya

Training sa France ng isang linggo? Ibig sabihin, mawawala siya ng isang linggo. Bakit wala siyang sinasabi sa akin?


"Sige Hayana, mauna na ako. Pupuntahan ko pa kasi si Kuya sa Building nila. Or baka gusto mong sinabay na lang sa akin. Classmate naman sina Lucwein at Kuya eh" alok niya. Tumanggi na lang ako.

"Mauna ka na. May dadaanan pa rin ako sa Locker mamaya e" Saad ko

"Okay. Ingat sa pag uwi ha"

Tumango na lang ako sa kaniya. Ng makaalis siya ay itinuloy ko na rin ang pagliligpit ko saka lumabas ng room. Ako na lang rin kasi ang naiwan sa room. Si Macee ay nauna na rin kanina dahil tinawagan daw siya ng papa niya dahil may emergency sa bahay nila.





Nakayuko akong naglalakad habang iniisip ang sinabi ni Miyuri kanina. Isang linggo lang naman kung tutuusin iyon. Kaya lang kasi, hindi ko alam kung kaya ko ba na wala siya ng isang linggo. Lalo pa't nasanay na ako na hindi siya nawawala sa paningin ko ng matagal.


"Having a deep thought? What is it?"


Mabilis kong inangat ang tingin ko at tinignan si Señorito. Kinuha nito ang bag na dala ko at siya na ang nagbitbit.


"Let's go on a date. What do you think?" Suhestiyon nito na may kasama pang pag-taas-baba ng makakapal nitong kilay.



Huminga ako ng malalim "Uwi na lang Tayo" walang ganang saad ko

"What's with the mood? Para yatang ang tamlay mo ngayon. Are you sick?" Kinapa nito ang noo ko. Maging ang leeg ko.


"Mukhang hindi naman. Is there something bothering, my wife?" Aniya


Tinignan ko siya ng seryoso sa mga mata. Humigit ako ng lakas ng loob bago nagsalita


"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Señorito?" Seryosong tanong ko na ikinakunot ng noo niya



"What do you mean?"

Mukhang wala talaga siyang balak na sabihin sa akin ang tungkol sa pag alis niya. Hindi na lang ako umimik at itinuloy ang paglalakad.




Hanggang sa makauwi kami ay wala akong naging imik. Papasok na sana ako sa unit namin ng pigilan niya ako. Pinaharap niya ako sa kaniya


"Wait Hayana, may problema ba. Bakit napakatahimik mo? Hindi ako sanay" nagsalubong ang mga kilay niya



Tinignan ko siya ng seryoso sa mga mata "Aalis ka 'di ba?"


"What do you mean?" Mas lalong kumunot ang noo niya.


"May nakapagsabi sa akin na aalis kayong mga Civil Engineering student para sa training niyo sa France. Totoo ba iyon?" Tanong ko. Bigla siyang nag iwas ng tingin. Tinalikuran niya ako kaya bumagsak ang balikat ko.



"Let's go inside"


Akmang papasok siya ng ako naman ang pumigil sa kaniya.


"Totoo ba 'yon Creigh? Aalis ka? Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Huminga siya ng malalim saka muling humarap sa akin



THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon