CHAPTER 24

861 11 0
                                    

"So, Aware naman siguro kayo sa gaganaping Sport Festival this coming November 20 right?" Saad ni Miss Cruz na nakakuha ng atensiyon ko




Sport Festival?



"Yesss Missss" sigaw na sagot ng mga kaklase ko at syempre nangingibabaw ang boses nina Macee at Miyuri.




"Okay. As a part of the Event that I've mentioned. Magkakaroon tayo ng Foreign Pageant on the last day of the Sport Fest"





"Foreign Pageant?"




"Yes. The owner of this University which is Mr. Li Rue Xi decided to have a Pageant of those Half's students here. Meaning, lahat ng may Foreign Blood ay may chance na sumali. Half Japanese, half Chinese and etc."



Nagsimula ng mag ingay ang mga kakalase ko lalo na iyong mga may ibang lahi gaya nila Miyuri at Hakari.



Foreign Pageant. Medyo kakaiba. Kadalasan kasi ay Inter pageant. Pero sabagay. International naman kasi ang University na ito. At karamihan sa mga estudyante na nag-aaral dito ay puro may lahi. Kakaunti nga lang yata 'yung purong Pinoy.








"Bukas ang registration para sa mga gustong sumali sa Pageant. Pipili lang ang Heads ng 20 students. 10 girls and 10 boys na maglalaban-laban. Then ang partners na mananalo ay magkakaroon ng prize from Mr. Li which is secret na muna kung ano" anunsyo pa nito bago tumingin sa wristwatch n'ya.



"And before I forgot. Next week ang registration for the Sports. May mga assigned clubs naman for registration para hindi na kayo mahirapan. That's all for today. Wait for your next teacher. Class dismissed" dugtong nito bago naglakad palabas ng




Pagkaalis ni Miss Cruz ay mas lalo pang nag ingay ang mga kaklase ko.



"Hayana anong Sport ang sasalihan mo?"




Nilingon ko si Miyuri bago umiling. Wala naman kasi akong Sport na alam.



"Wala? Sayang naman" malungkot na saad nito




"Eh ikaw ano sasalihan mo?" Balik kong tanong sa kaniya.



"Archery. Member ako ng Archery club e. Actually dalawa kami ni Hakari" sagot nito. Napatango tango naman ako.



"Eh ikaw Macee?" Binalingan ko naman si Macee na busy sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya.



"Uhm Volleyball siguro" simpleng sagot nito. Saka kumibit-balikat.


Mabuti pa sila may mga Sport. Ako kasi kahit anong Sport hindi ako marunong.  Kaya nga kapag Sports Festival din sa dati kong school, hindi ako umattended.




"Kung wala kang Sport. Why don't you joint sa Pageant na lang" Nagtatakang napasulyap ako kay Hakari na katabi ni Miyuri. Ngayon lang kasi ulit ito nakisali sa usapan namin.




"Oo nga Hayana" pagsang ayon naman ni Miyuri sa kakambal niya.




"Hindi naman ako Half eh. At saka wala akong alam sa Pageant" walang ganang sagot ko.




"Anong hindi Half. Mukha ka kayang Chinese. Kulay pa lang ng balat mo at saka 'yang mga mata mo oh, Chinese eyes" Saad ni Miyuri



"Oo nga Hayana. Para ka talagang Chinese. Sigurado ka bang hindi ka Half" si Macee na tumigil na sa kaniyang ginagawa.



Umiling na lang ako. Malay ko ba sa totoong pagkatao ko. Basta ang alam ko. Galing akong bahay Ampunan bago ako ampunin ng masamang mag asawang iyon. Ang pinagtataka ko lang ay walang kahit na ano akong maalala tungkol sa bahay ampunan na kinalakihan ko daw.




THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon