CHAPTER 28

743 9 0
                                    

Pagdating sa Hospital ay halos kainin ako dahil sa sobrang kahihiyan lalo na ng sa Emergency Room pa ako ipinasok dahil nakipagtalo pa siya sa mga Doctor.



Nasa kotse pa lang kami ay paulit-ulit ko ng ipinaliwanag sa kaniya na normal lang na dinudugo ang mga babae, pero ayaw niya talagang makinig. Wala talaga siyang pinapakinggan.





Ngayon ay narito kami sa kwarto na mukhang private room pa yata at hinihintay ang doctor. Kanina ko pa sinasabi na mauwi na kami pero ayaw niyang pumayag. Gusto niya daw mismong marinig sa bibig ng Doctor kung anong nangyari sa akin at bakit ako may dugo.




Imbes na mainis ay kabaliktaran ang nararamdaman ko. Alam kong takot siya sa Hospital at ayaw na ayaw niya sa lugar na ito pero dahil sa sobrang pag aalala niya sa akin ay parang binalewala niya ang takot niya. Mas lalo ko lang tuloy siyang hinahangaan.



"Are you sure you're okay?"




Napapabuga na lang ako ng hangin. Simula ng ilipat ako dito sa kwarto ay paulit-ulit iyon na tanong niya. Sobrang hiyang hiya nga ako sa mga nurse kanina dahil tinutukso nila ako. Masiyado daw kabado ang asawa ko dahil baka daw inakala nitong nakunan ako. Asawa kasi ang pakilala niya sa mga nurse at doctor kanina.





Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Doctora Marquez na siyang umasikaso sa akin kanina.




"W-what's the problem Doc. Why she bleed?" Agad na tanong nito kay Doctora. Ngumiti naman si Doctora at tumingin sa akin



"You don't have to worry Mr. Monteverde. Natural lang sa babae ang dinudu-"




Hindi na natuloy ni Doctors ang dapat na sasabihin niya dahil sa biglaang pagtayo ni Señorito.



"What the hell are you talking about? She bleeds and all you have to say that is just a normal thing? How could you say that? What if, her blood ran out. Was it still normal huh?" Asik nito kaya Doctora. Napakagat labi na lang ako dahil sa inasal niya.




"I know you're worried Mr. Monteverde. But it's really normal. Every month dinudugo talaga ang mga babae. And it's called Menstruation. Menstruation or period, is normal vaginal bleeding that occurs as part of a woman's monthly cycle. Every month, woman's body prepares for pregnancy. If no pregnancy occurs, the uterus, or womb, sheds its lining. The menstrual blood is partly blood and partly tissue from inside the uterus. In short, it's a woman body's way of releasing tissue that it no longer needs. So you don't have to worry" mahabang paliwanag ni Doc.



Ako na lang talaga ang nahihiya para kay Señorito




"Anyway. I have to go. Pumunta lang ako dito para sabihin na pwede na kayong umuwi. So, mauna na ako. Bye Mrs and Mr Monteverde"




Pagkaalis in Doc ay hinarap ako ni Señorito na kunot na kunot ang noo.



"Is that true?" Tanong nito na tinanguan ko na lang.



"Why didn't you tell me?" Muling tanong niya na ikinanganga ko




Hindi sinabi? Eh halos parang sirang plaka na nga ako kaninan na paulit-ulit sinabi sa kaniyang period lang iyon. Siya itong ayaw maniwala. Tsk




KEORIN'S POV

I'm on my way home at habang nagda-drive ay napapangiti ako sa tuwing inaalala ko ang mga nangyari sa clinic kanina. Ang sarap sa pakiramdam na concern na concern sa akin si Hayana. It feels like...she's really a part of me..




THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon