CHAPTER 47

678 20 3
                                    

Gabi na ng makauwi kami ng Mansion. Idineretso agad ako ni Sir Lucio sa kwarto ni Señorito. Sabi kasi ni Mam Cria na mas maganda kung sa kwarto muna ako ni Señorito tumuloy.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ni Señorito. Iniisip ko ang problema ko. Alam kong bawal sa akin ang ma-stress, pero hindi ko maiwasang isipin na, anong mangyayari kapag nalaman nila ang totoo tungkol sa pagkamatay ni Lorraine.

Matagal ng panahon iyon. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay ibinaon na nila sa limot ang lahat. Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Hinawakan ko ang tiyan ko na hindi pa naman masiyadong bumubukol. Mapait akong napangiti.

"Bakit hindi ko man lang naramdaman na nandiyan ka na pala Anak. Ganoon na ba ako kamanhid. Pati ikaw, hindi ko man lang naramdaman"

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Dahil sa wakas, maibibigay ko na din ang gusto ni Señorito.

"Lulu, ito ba ang karma ko sa nagawa ko sa'yo. T-talaga bang tinadhana na dito ako mapunta sa p-pamilya mo at m-mahalin ang k-kapatid m-mo "

Mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking mukha ng may kumatok sa pintuan.

"P-pasok"

Pagbukas ng pinto ay pumasok si Luisa dala ang isang tray na may lamang pagkain.

"Hayana dinala ko na dito pagkain mo. Sabi kasi ni Madame Cria na hindi ka pa okay" saad nito saka binaba sa maliit na lamesa ang tray na hawak bago naglakad palapit sa akin.

"Kamusta na pakiramdam mo?" May pag alalang tanong nito

"Medyo maayos na ako"

"Alam mo bang sobrang nag alala kami kahapon ng makita ka ni Akira na walang malay sa kwarto ni Señorita Lorraine. Ano bang nangyari ha, Hayana?"

Napangiti ako. Kahit hindi ko siya ka-ano ano. Halata ang pag aalala nito sa akin.

"Huwag ka ng mag alala Luisa. Okay na ako. Okay na kami ni baby" saad ko saka ngumiti sa kaniya. Kahit hirap akong ngumiti ay pinilit ko.

"Baby? B-buntis ka?" Gulat nitong tanong. Tumango lang naman ako sa kaniya. Bumilog ang mga mata niya.

"Hindi nga? Seryoso Hayana?" Niyugyog nito ang katawan ko

"Awww" Daing ko dahil medyo napalakas ang pag-uyog nito sa akin.

"Ay sorry sorry! Naku pasensya na Hayana. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. OMG! Magiging Mommy ka na" puno ng kagalakan nitong Saad

Kung umasta itong si Luisa ay parang siya iyong buntis. Halata sa Mukha niya ang sobrang saya.

"Si Señorito 'di ba ang Daddy?" May panunuksong tanong nito. Pinipisil kasi nito ang tagiliran ko. Tumango na lamang ako sa kaniya na naging dahilan ng pagtili niya.

Mabilis ko naman siyang sinuway. Tumalon-talon pa ito ng ilang beses bago ito tumigil at kumalma. Napangiti na lang ulit ako. Nagpapasalamat ako dahil narito si Luisa. Isa siya sa nagsisilbing ate ko.

"Pasensya na Hayana. Excited lang ako. Sigurado, kapag lumabas na 'yang baby niyo. Magbabago na ng tuluyan si Señorito Creigh" ani nito na ikinawala ng ngiti ko.

Hindi ko alam. Pero kapag dumating ang araw na malaman ni Señorito ang totoo. Hindi ko alam kung matatanggap niya pa ako. Pero sana kung hindi niya man ako mapatawad, sana hindi niya maisip na ilayo sa akin ang magiging Anak namin.

Hindi ko kakayanin kapag pareho silang nawalay sa akin.

May ilan pa kaming napagkwentuhan ni Luisa bago nito naisipang magpaalam na. May mga gagawin pa rin daw kasi ito sa kusina.

THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon