CHAPTER 12

1.2K 21 0
                                    

                       THIRD PERSON

Kunot ang noo at salubong ang mga kilay ni Creigh na nakatingin sa bakanteng kwarto ni Hayana. Kanina n'ya pa ito hinahanap ngunit hindi n'ya ito makita.

Pag-gising nito ay agad n'ya itong hinanap para ipagtimpla s'ya ng kape, pero halos pumutok na ang ugat n'ya sa leeg dahil sa kakatawag sa pangalan nito ngunit wala pa ring Hayana na lumalabas o lumalapit sa kanya.

"Damn. Where did she go?" Frustrated na tanong nito sa sarili. Inis na ginulo nito ang magulo ng buhok bago nilasan ang kwarto at tumungo sa kusina.

Nadatnan niya roon ang nakahanda ng mga pagkain na nasa mesa. Pero mas nakakuha ng atensyon n'ya ang isang maliit na pirasong papel. Kaagad n'ya itong nilapitan at kinuha.

'PATAWAD PO SEÑORITO PERO NAUNA NA PO AKO. AYOKO PO KASING ABALAHIN KAYO SA PAGTULOG N'YO AT ISA PA PO, AYOKO RING MA-LATE SA UNANG ARAW KO. NAIHANDA KO NA PO LAHAT NG KAKAILANGANIN N'YO - HAYANA

Mas lalo lang nadagdagan ang inis n'ya dahil sa nabasa.

"ARGHHHH DAMN IT! Why did she leave without me. That girl"

Marahas nitong muling ginulo ang buhok bago mabilis na naglakad at tinungo ang kanyang kwarto upang magpalit ng uniporme.

Hindi na ito naligo pa. Basta na lamang itong nagbihis ng long sleeve at pantalon. Hindi na rin nito pinansin ang hindi pagkapantay pantay na pagkaka-butones ng kanyang long sleeve. Maging ang necktie na suot nito ay hindi rin maayos dahil sa pagmamadali.

Pagkasuot nito ng sapatos ay mabilis na nitong nilisan ang kanyang unit.

Pero tila minamalas s'ya ngayong araw. Dahil naabutan siya ng matinding Traffic na mas lalo pang nag painit ng ulo n'ya.

Umaalingaw-ngaw ang lakas ng kanyang pagbubusina na akala mo ay s'ya lang ang naaabala ng Traffic.

Hindi ito nakatiis at dumungaw sa bintana bago sumigaw ng malakas.

"MOVE YOUR FUCKING CARS OUT OF MY WAY! DAMN!" Galit na sigaw nito. Tumingin lamang ang iba sa kanya, at hindi na lang pinansin ang sinabi n'ya

"Arghhh fuck!" Inis nitong hinampas ang manibela ng kanyang kotse bago marahas na sumandal na tila sumuko na.

Dalawang oras ang tinagal ng Traffic kaya Alas otso na ng makarating ito sa University. Mainit ang ulo, salubong ang mga kilay at kunot na kunot ang noo nitong bumaba sa kanyang kotse. Saktong pagbaba nito ay ang pagdating din ng dalawa nitong pinsan na sina Vrion at Mirken.

"Ow! Fuck Totoo ba ang naki-" hindi na naituloy ni Mirken ang sasabihin ng makita nito ang madilim na mukha ng pinsan

"Shut.your.fucking.mouth" bigay diin ang bawat salitang lumabas sa bibig nito bago nito nilampasan ang dalawang pinsan at dumiretsong naglakad patungong Senior High Building

Wala sa sariling napalunok ng laway si Mirken dahil nakaramdam ito ng kaunting takot mula sa pinsan.

'Kakaiba talaga ang isang iyon. Tsk!' Sa isip ni Mirken

Iiling iling naman si Vrion na tinapik pa ang balikat ni Mirken.

"Told ya. Kapag madilim ang mukha n'ya. 'Wag ka ng dumada pa kung ayaw mong mameet si kamatayan ng maaga" bulong nito kay Mirken na may kasamang pag ngisi pa bago sumunod kay Creigh.

Nagtataka man kung bakit sa SH Building dumiterso ang pinsan ay tahimik na lang na sumunod si Mirken.

"KYAHHHHHH"

"OH MY GODDD!!!"

Matinding tiliian at hiyawan ang agad na sumalubong sa tatlo pagtapak pa lang nila sa tapat ng SH Building. Mas lalong dumilim ang mukha ni Creigh dahil sa matinding ingay na likha ng mga babaeng tumitili. Tila mas'yado ng nauubos ang pasensya n'ya dahil sa inis na nararamdaman n'ya muka pa kanina

THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon