CHAPTER 21

906 15 0
                                    

Pagpasok namin sa kwarto niya ay kaagad nitong ini-lock ang pinto. Pagkatapos ay hinila ako paupo sa kama niya.


"Do not go outside. Stay here with me. Understand?"

Isang tango lang ang isinagot ko. Wala na rin naman kasi akong magagawa kun'di ang sumunod na lang sa kaniya.

At gaya nga ng sinabi ko. Gagawin ko na ang punishment niya para matapos na.


Tumayo ito at lumakad palapit sa study table niya. Napansin kong merong wine doon. Binuksan niya iyon at nilagyan ang wine glass na nasa tabi nito


"Why did he say that?"


Humarap ito sa akin at tinignan ako ng diretso sa aking Mukha.

"Alin po?" Takang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang tinutukoy niya. Lumagok muna ito sa hawak nitong wine glass bago muling nagsalita



"Why did he say that you are his girlfriend, is he courting you?" Bawat salitang lumabas sa bibig niya ay parang may halong inis. Tumitig ako sa mga mata niya bago sumagot.




"Hindi po" sagot ko bago nag iwas ng tingin.




Namamawis ang mga kamay ko. Pakiramdam ko, para akong girlfriend na hinuhuli ng boyfriend kung may ibang lalaki.




"I think he likes you"




Muli akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Sunod sunod nitong nilagok ang wine na nasa baso niya. Ng maubos ay nagsalin na naman uli siya





"Stay away from him, will you?" Anito ng hindi na nakatingin sa akin. Umupo ito sa couch at ipinatong ang ulo niya sa sandalan.





"Kaibigan ko po si Keorin Señorito. Hindi ko po siya pwedeng layuan" seryosong saagot ko.



Gusto ko nga ang mapalapit kay Keorin dahil napakagaan ng loob ko sa kaniya tapos palalayuin niya ako.





Iniangat niya ang ulo niya at tinignan ako ng masama.




"Do you like him?" Malamig na may halong inis nitong tanong. Pero hindi iyon ang napansin ko. Para kasing malungkot ang mga mata niya.




Isang iling ang isinagot ko. Gusto ko sanang sabihing oo. Dahil gusto ko naman talaga si Keorin. Gusto ko siyang maging kaibigan. Kaya lang baka, iba ang isipin niya.





"Good. You're not allowed to like someone else except me Hayana. Ako lang ang dapat mong gustuhin dahil sa akin ka lang" seryoso nitong saad.




Tumayo ito at naglakad palapit sa kamang kinauupuan ko. Umupo ito sa lapag at tiningala ako.





"I can give or share them all the things I have, but not you Hayana. Not you"





Biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Kitang kita ko rin sa mga mata nito ang sinseridad.




Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa mga hita ko.

"I won't let anyone take you away from me. Never" muling sambit nito bago umayos at isinubsub ang mukha sa mga hita ko. Pumulupot na rin ang mga braso niya sa mga binti ko.




Damang dama ko ang mukha nito sa balat ko dahil naka shorts lang ako. Nakakakiliti pero hindi na lang ako umimik at hinayaan siya. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at marahang hinaplos ang buhok niya.





THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon