CHAPTER 22

849 14 0
                                    

                     HAYANA'S POV

Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa himbing si Señorito samantalang ako ay hindi man lang dalawin ng antok.



Kung tutuusin ay hindi ito ang unang beses na nakatabi ko siya sa pagtulog dahil kagabi lang rin ay magkatabi kami.



Pero iba naman kasi kagabi. May sakit siya kagabi kaya napilitan akong tabihan siya. Ngayon ay wala kaya matinding ilang ang nararamdaman ko.



Nagulat ako ng bigla itong gumalaw at hinapit ako papalapit sa kanya.



"Why aren't you sleeping?"Tanong nito ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata.



Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang siya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at sinalubong ang tingin ko.



"Aren't you comfortable?" Muling tanong nito. Umiling na lang ako bilang sagot.




"Then why are you still awake?" Tumingin ito sa wallclock at agad na kumunot ang kaniyang noo. Muli niyang ibinalik sa akin ang kaniyang tingin.



"M-may iniisip lang po ako. Matulog na po kayo ulit" sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Tumihaya ako at tumingin sa kisame.




"What are you thinking? Are you thinking of me?" Mabilis kong ibinalik ang tingin sa kaniya. Kunot ang noo nito habang nakangisi ang kaniyang mga labi.
Lihim na lang akong napairap.




"Iniisip mo ba kung gaano ka kaswerte dahil gwapo ang asawa mo" pilyong sabi niya. Napanganga na lang ako.



Hindi dahil sa straight ang pagtatagalog niya kung kaya ako napanganga. Napanganga ako dahil umandar na naman ang kahanginan niya. Minsan ko na nga lang siyang marinig na magtagalog ng diretso at hindi slang. Kayabangan pa ang sinabi tsk!



"Inaantok na po ako. Matutulog na po ako Señorito" Sabi ko na lang. Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla niya akong hatakin ng mas malapit sa kaniya at mabilis na ikinulong sa mga bisig niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng inilapit nito ng mas malapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaunting galaw lang at paniguradong magdidikit ang mga labi namin.


"Have you forgotten? It's Hubby, my wife. Call me Hubby" Humampas sa aking Mukha ang amoy alak nitong hininga. Napalunok ako ng pindutin nito ang tungki ng ilong ko gamit ang kaniyang hintuturo.


"I want to hear it.."




Gumapang paibaba ang hintuturo nito patungo sa mga labi ko na nagbigay ng kiliti sa aking buong katawan.


Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa ginagawa niya.



"From here" huminto iyon sa gitna ng mga labi ko.



"Say it Hayana. Call me Hubby, before I let you sleep"



Napatitig ako sa mga mata nito tong malamlam na tila nakikiusap. Alam ko namang kasama sa punishment ang pagtawag ko sa kaniya gamit ang endearment na iyon. Kaya lang nakakahiya. Hindi ko siya totoong asawa, ni hindi ko nga siya nobyo tapos tatawagin ko siya gamit ang endearment na iyon!


"I'm waiting" Inalis na nito ang daliri sa labi ko at ibinalik ang kamay sa beywang ko.



"Hubby"



Agad akong napatakip sa bibig ko ng bigla na lang 'yung nasambit.



"What? I didn't hear it" aniya saka ngumuso. Natulala tuloy ako dahil ito ang unang beses na makita ko siyang nakanguso. Napatitig ako sa mga labi nito at hindi ko maiwasang mapalunok.




THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon