CHAPTER 43

630 13 0
                                    

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong ko habang hinihimas ang likod niya. Nag aalala na rin ako dahil kanina pa siya namumutla.


Wala rin siyang naging imik noong bumaba kami sa Space Shuttle at talagang nakatulala lang siya.


"I.. i-m f-fine" mahinang sagot nito. Humarap ito sa akin at ngumiti ng tipid.

"Hindi lang siguro ako sanay" nanghihinang  sambit niya.

"Dapat kasi sinabi mo na lang. Para hindi na tayo sumakay doon" Saad ko

"Like what I said. I'm fine. Ikaw, are you okay? Hindi ka ba pagod?" Balik na tanong nito sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot.



Isang rides pa lang ang nasasakyan namin pero parang ayaw ko ng sumakay pa sa iba. Baka kasi mamaya, magsuka na itong kasama ko o baka mawalan na ng malay.



"What do you want to ride next?" Mahinang tanong nito. Napailing na lang ako.



Balak niya pa talagang pahirapan ang sarili niya. Ni halos hindi na nga siya makalakad ng ayos kanina e.   



"Pwede bang maglibot na lang muna tayo o kaya kumain na lang muna tayo. Medyo gutom na rin kasi ako"


"Okay. As you wish"


"Tara! Meron akong nakitang Fishball vendor diyan sa labas. Iyon na lang ang kainin natin" Aya ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya.


"Fishball? You mean, a round fish?"


Bigla akong natawa sa sinabi niya. Mukhang hindi pa ito nakakatikim ng street food. Sabagay, introverted nga lang pala siya noon at hindi masiyadong nag-lalabas.



Hinawakan ko na lang ang kamay niya at hinila palabas ng EK. Hinanap ko 'yong nagtitinda ng Fishball.




Nakita ko si Manong na nasa gilid naka-pwesto. Hinila ko si Señorito palapit doon.



"Manong, magkano po Fishball niyo?" Agad na tanong ko pagkalapit pa lang namin. Grabe, amoy pa lang natatakam na ako. Lahat ng paborito ko nandito. Ang wala lang ay yung mga ihaw ihaw pero okay lang. Basta may Fishball, kwek kwek at kikiam.



"Malinis ba 'yan?" Si Señorito na kunot noong nakatingin sa mga tinda ni Manong



Hinampas ko ng mahina ang braso niya. Nakakahiya kasi kay Manong 'yong klase ng pagkakatanong niya.


"Naku hijo, malinis iyang mga tinda ko" sagot naman ni Manong na abala pa sa pagluluto ng iba pang street foods gaya ng kikiam, kwek-kwek atmarami pang iba.


"Manong kukuha na po ako ha" paalam ko

"Sige lang hija"


Kumuha na ako ng stick at diposable cup na lalagyan. Tinignan ko si Señorito at gusto kong tumawa dahil sa itsura niya.


Kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay Manong na nagluluto pa ng fishball.


"Ayaw mo ba? masarap ang mga 'to. Tikman mo" tumusok ako ng isa at inilapit sa bibig niya.


"Are you sure na malinis 'yan? What if, sumakit ang tiyan mo dahil diyan" komento niya na parang nandidiri pa ang itsura ng mukha.



Para malaman niya ang sagot. Sapilitan kong ipinasok sa bibig niya 'yong Fishball




"Kapag iniluwa mo 'yan. Hindi na tayo bati. Hindi ka na rin makakahalik sa akin. Sige iluwa mo" pananakot ko ng akma niya ng iluluwa ang nasa bibig niya.



THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon