CHAPTER 11

1.3K 21 0
                                    

                        HAYANA'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa matinding pagkirot ng ulo ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, pero wala akong makita. Masyadong madilim.


Pinilit kong umupo kahit na pakiramdam ko ay wala akong lakas. Kakaiba rin ang pakiramdam ko. Para akong nilalamig na naiinitan. Mukhang nilalagnat ako na hindi ko mawari.


Mabilis kasi akong magkasakit lalo na kapag nababasa ako ng ulan. Kahit simpleng ambon nga lang e, kapag nabasa ako ng kaunti lagnat na agad ang kapalit.


Napahawak ako sa ulo ko ng muli na naman itong kumirot. Biglang nagliwanag kaya wala sa sariling naipikit ko ang mga mata ko. Mukhang may nag on ng ilaw.


"Are you feeling better now?"

Mabilis kong iminulat ang mga mata ko dahil sa boses na narinig ko. Nagulat ako ng makita ko si Señorito Creigh na may bitbit na mangkok na hindi ko alam kung anong laman.



"S-señorito?" Nagtataka kong inilibot ang paningin ko at napagtanto kong wala ako sa kwarto ko. Hindi rin into ang kwarto n'ya


"We're in my condo" malamig na sabi nito pagkatapos ay ibinaba sa lamesa ang hawak nitong mangkok.



Muli na naman akong napahawak sa ulo ko ng muli na naman itong kumirot.



Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina. Ang paghihiwalay namin ni Lyndon. Hindi n'ya man diretsahang sinabi na hiwalay na kami pero alam ko na ganoon na rin iyon.


"You're crying again"


Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nagtatakang tumingin sa kanya. Paanong nandito na ako sa condo n'ya. Sa pagkaka-alala ko nasa park ako.




"B-bakit p-po nandito ako sa Condo n'yo?"



"Ahm.I..I..tsk Don't ask. Just eat this." iritadong sagot nito bago kinuha ang mangkok at iniabot sa akin. Mukhang lugaw ang laman kakaiba lang ang kulay dahil medyo brown. Nanghihina ko naman itong inabot.



Nanginginig ang mga kamay ko kaya kamuntik ko ng mabitawan ang mangkok. Mabuti na lang at hindi bumagsak.


"Careful tsk!"


"I think you can't eat that by yourself. Give me back that. I will feed you" dugtong pa nito



"K-kaya ko na po Señorito" pagtanggi ko. May lagnat lang naman ako, hindi pa ako baldado.



"Masyado kang makulit. Mahina ka naman" mariing sabi naya ikinatigil ko. Kinuha nito sa kamay ko ang mangkok at s'ya na ang humawak.



Mahina? Siguro nga


Napangiti ako ng mapait. Bakit ba kasi ipinanganak akong mahina. Bakit hindi ko man lang kaya na maging matapang at malakas.


"Here" itinapat nito sa bibig ko ang kutsara na may lamang lugaw.


Para hindi na s'ya mas lalo pang mainis ay isinubo ko na lang iyon ng tahimik.



'Yon nga lang, pagdampi pa lang nito sa bibig ko ay parang gusto ko ng isuka dahil sa sobrang alat.



"What? Why your face like that? Does it taste not good?" Kunot noong tanong nito bago sumandok muli ng lugaw at isinubo sa sarili. Napanganga pa ako dahil iyon ang kutsarang ipinansubo n'ya sa akin.




"Fuck! Why it taste like a sea. Damn it!" rinig kong bulong nito.



Tumayo ito at muling ibinaba sa lamesa ang mangkok. Pinilit ko namang lunukin ang nasa bibig ko na. Bigla akong napatingin sa kamay nito dahil napansin kong may band aid.


THE BIPOLAR SEÑORITO ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon