HINDI ako makapaniwala sa nangyaring eksena sa kusina.
Nagprisinta itong magluto ng breakfast! Hah!
Never in our marriage na nakita kong nagluto si Anton. Lagi itong busy at nagmamadaling umalis ng bahay patungong opisina o sa kanyang business trips. Hindi ko ito kailanman nakitang nag-agahan sa bahay sa mga pagkakataong nanatili ako rito. Di ko nga alam kung paano nito isinisingit ang pagkain sa sobrang abala nito.
Simple lang naman ang mga niluto nito. Just a typical breakfast meal- sunny side up eggs, hotdogs and rice. But what amazed me was actually seeing him in front of the stove and cooking. May suot pa itong apron!
What happened to the cold and stiff, Anton? Naguguluhan kong isip habang nakatingin rito.
To make myself busy, I prepared our plates and utensils on the table. Ilang saglit pa'y tapos na itong magluto at inihain na ang mga pagkain sa mesa.
Tahimik kaming kumakain. No one dared to talk hanggang sa matapos. Di ako makatiis and so I broke the silence and said,
"Thanks for the meal. Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." It's just the right thing to do at the moment.
"Sure. And after that, you can go shower and dress for work. Ihahatid na kita sa opisina mo." Kaswal nitong sabi at lumabas na ng kusina.
My eyes widened in wonder. Anton offered to drive me to work!
I tightly shut my eyes and shook my head to check if this is real.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas para makapag-ayos na sa aking sarili. After showering, I dressed myself with a plain long sleeved white turtleneck to hide the marks.
Kasalanan mo 'to, Anton! Inis kong sapo sa mga markang iyon habang nakatingin sa salamin.
Buti na lang meron akong turtleneck blouse sa cabinet ko rito. I paired it with black trousers and white-heeled pumps. Simple but decent. That's the only fashion I know para sa aking may pagka-malaman na pangangatawan ngunit may kurba rin naman. Lastly, I put on my make up and grabbed my coat.
I found Anton outside the car waiting for me. Nakaligo na ito at nakapag-ayos na rin sa sarili.
It's so unfair that he's only standing there but so devilishly handsome in that navy blue suit. He's sexually alluring, confident and charming. When I got near to him, he smelled pleasantly spicy but not too strong.
Okay, let me make it clear. He's my husband and I don't have feelings for him, okay? But I won't deny how good he looks. I still know how to appreciate beautiful humans.
He opened the door to the passenger's side for me. I went in after saying a small thank you and then he went to the other side and sat in the driver's seat.
I was about to put my seatbelt on pero naunahan na niya akong abutin yun. He's so close habang inaabot ang seatbelt sa dako ko that I didn't even notice I'm not breathing anymore. His face is so close to mine that I can feel his breath. He even paused to look at me with amusement while I'm not moving like a statue hanggang sa naikabit nito ang seatbelt.
This Anton is torturing me! Mas okay pa sa akin yung Anton na business-like at straightforward compared to this Anton na di ko alam kung anong inaakto at iniisip!
Ilang saglit pa'y binuhay na nito ang makina at binabaybay na namin ang highway papunta ng opisina. Tahimik lang kaming pareho sa loob ngunit gulung-gulo na ang isip ko.
What's he up to? Did I do something out of the contract? Inaalala ko ang provisions na nakasulat doon. Pinipiga ko na ang utak ko sa kakaalala at hindi ko namalayang narating na pala namin ang destinasyon.
"We're here." He said.
Nasa harap na kami ng pinagmamay-ari kong 5 storey building. Nasa 5th floor ang aking pinaka-opisina.
"Thanks for the ride." I said. I immediately unbuckled my seatbelt bago pa man nito abutin iyon and went out of the car. Nakalakad na ako nang kaunti and was about to step on the few stairs coming up to the main door of my office building when I heard Anton calling my name.
"Damarah." Tawag nito.
I looked back and saw him walking towards me.
"You forgot something." Anito nang makalapit at tumayo sa harap ko.
I wondered kung ano ang naiwan ko sa kotse.
"What is it?" I asked in confusion.
Before I knew it, he put his arms around my waist to pull me close to him and kissed me!
Pinandilatan ko siya ng mata sa gulat. Hindi ako maka-alma dahil sa mangilan-ilang empleyado na pumapasok ng opisina. Nandiyan din ang guwardiya malapit sa pinto.
"Just the goodbye kiss. Have a good day!" May ngiti sa labi nitong sambit. Agad ako nitong binitawan at bumalik na sa kotse.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. What the heck? Dito pa man din sa harap ng opisina ko?
Tinanaw ko ang paligid at nakita ko ang ilan sa mga empleyadong ngiting-ngiti sa nasaksihan lalong lalo na si manong guard. Some are trying so hard na magpatay-malisya but failed miserably!
(How do you find the first 6 chapters? Let me know what you think. Please comment. 🥰)

YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...