Chapter 31

131 3 1
                                        

(🎀: Sorry sa matagal na update. Andami lang nangyari sa buhay... pero laban lang.✌️)




WALA akong ganang kumilos pero maaga pa rin akong bumangon sa umaga. Hindi rin naman ako makabalik sa pagtulog kaya't bumaba na lang ako sa may kusina at gumawa ng kape.

It seems the coffee's aroma is the only thing that gives me peace right now. I went to the balcony and enjoyed a sip.

The weather is looking good. At least it's not as sad anymore. Parang ang puso ko na lang ang nananatiling malungkot.

But I know this will pass. At least I could start living alone now. It's what I wanted from the start.

I'm done with my coffee and started cleaning the house. I discovered that there are holes in some parts of the roof in the kitchen kaya may kaunting basa sa sahig. Tumutulo ang ulan sa mga butas na iyon. Mamaya magtatanong-tanong ako rito kung sino'ng pwedeng mag-repair ng bubong.

Bago sumapit ang tanghali, dumating ang pinsan kong si Mike kasama ang nakababatang kapatid nito na babae na si Chelsea.

"Ang lakas po ng ulan kagabi. Okay ka lang po ba rito, ate?" Concern na tanong ni Chelsea.

"Yes, I'm okay. You don't have to be worried about me. Luma na ang bahay pero kaunting repair sa bubong lang naman ang kailangan."

"Kaya nga kami naparito para i-check ka at ang bahay. Buti naman at iyon lang ang problema rito. Wag ka nang mag-abalang maghanap ng mag-aayos ng bubong, ako na gagawa non." Ani Mike.

"Salamat, Mike. Maaasahan talaga kita."

"Walang anuman, Damarah. Tayo lang din naman na magkapamilya ang magtutulungan. O siya, akyat muna ako sa taas."

Napangiti na lang ako bilang tugon.

Habang nagtatrabaho si Mike sa bubong, abala naman kami ni Chelsea sa kusina sa pagluluto ng tanghalian. Saktong matatapos si Mike ay makakakain na rin kami.

Mas matanda ako kina Mike at Chelsea ng ilang taon. Anak ang mga ito ni Auntie Susan, ang nakababatang kapatid ni mama. Matanda na si Auntie Susan at marami nang nararamdamang sakit sa katawan kaya't pinatigil na nila sa pagtatrabaho sa pabrika. Matagal na ring namayapa ang asawa nito. Para may maipantustos sila sa araw-araw, natigil sa pag-aaral si Mike at siyang pumalit sa pagtatrabaho sa pabrika sa bayan habang si Chelsea naman ay graduating na sa high school at siyang nagbabantay sa ina nila.

"Oh, saan mo balak mag-kolehiyo, Chelsea?" Tanong ko rito habang hinahanda na namin ang mesa para sa pananghalian.

"Hmmm... Di ko po alam. Siguro titigil lang din po muna ako sa pag-aaral para makatulong kay kuya." Anito na bakas sa mga mata ang lungkot.

"Sayang naman. Kung interesado kang magpatuloy sa pag-aaral, pwede naman kitang tulungan. Sa ciudad ka na mag-kolehiyo. Susuportahan ko ang pag-aaral mo."

"Talaga ate?" Nangningning ang mga mata nito sa tuwa. "Parang nakakahiya naman po. Pwede bang magtrabaho na lang din ako sa kumpanya mo ate habang nag-aaral? Working student kumbaga."

As someone na ayaw rin magkaroon ng utang na loob, naiintindihan ko ang sentiment nito. Sometimes you don't need to give everything when helping people. It's also good to help them while keeping their sense of dignity by making them work for what they want.

"That's alright. You can stay with me and start working at the company after you graduate in high school."

"Salamat po. Kaya lang pala, paano naman si Kuya Mike at Mama, maiiwan sila rito."

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now