Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi man agad ako nakatulog kagabi ngunit nakapagpahinga pa rin naman at maayos na ang aking pakiramdam.
Agad akong naligo at nag-ayos sa sarili. Pagkatapos ay pumunta sa labas at nagtungo sa garden para mag-unwind. May upuan at lamesa sa gitna ng garden na napapalibutan ng mga naggagandahang bulaklak at mga puno. It's one of my favorite spots actually when I was still living at this house. Kaya lang ay di ako masyadong nagtatagal sa pagpirmi sa bahay nitong mga nakaraang buwan. Tulad ngayon na dalawang araw lang din namang mananatili rito.
Umupo ako doon at nilanghap ang preskong hangin ng umaga. Ramdam ko rin ang kaunting init ng sinag ng araw na lumulusot sa awang ng mga dahon.
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling gumising sa umaga na walang inaalalang trabaho at problema sa kumpanya. This feels really refreshing and relaxing.
Nanatili pa ako roon nang ilang minuto at ninamnam ang kagandahan ng paligid. Ilang saglit pa'y naalala kong hindi nga pala schedule ng pagpunta ni Manang Fely sa bahay ngayon.
Should I cook breakfast for both of us?
Well, wala namang masama. Kailangan ko ring bumawi sa kanya.
And so I went inside the house and proceeded to the kitchen.
Hmmmm.... Ano kayang lulutuin ko for breakfast?
Aaminin ko, hindi ako magaling magluto pero marunong din naman. I know I can prepare something decent for us.I checked the pantry for the available ingredients na pwede kong magamit for my recipe. I decided to have something simple kasi ayokong mag-take risk into something complicated at baka pumalpak lang at di makain.
I opted to cook tortang talong, sunny side up eggs and corn soup. Buti naman at kumpleto lahat ng ingredients doon at sinimulan ko na ngang magluto.
And tsaraaaan... natapos ko na nga. Nakahain na ang lahat ng pagkain sa lamesa.
Anton should be awake by now because he hates being late for work.
Kakatukin ko ba siya sa kwarto niya? Baka kasi di na naman ito kakain tulad ng dati at masayang lang ang niluto ko. Nag-effort pa naman ako.
Naghintay pa ako ng ilang saglit habang nakaupo sa kusina. Ngunit kataka-taka naman na di pa lumalabas ng kwarto si Anton. Did he already left? Nasa labas pa naman ang sasakyan niya.
Natagpuan ko na lang ang sarili sa harap ng pinto ng kwarto ni Anton. It's very unusual that he's not up yet.
"Anton? Are you there?" Tawag ko rito habang mahinang kumakatok sa pinto.
Inilapat ko ang tenga sa pinto. "Anton?"
Bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad ang nanghihina at hapong mukha ni Anton.
"What's wrong?" Nag-aalala kong tanong rito. Biglang dumaan sa isip ko na naulanan ito kagabi. Sinapo ko ang noo nito at di nga ako nagkamali. Sobrang init nito.
"Oh my! You're having a fever. Go back to your bed." Iniakbay ko ang braso nito sa aking balikat para alalayan ito sa paglalakad pabalik sa kama. Nagpatiuna naman ito.
Dahan-dahan itong humiga sa kama habang inaalalayan ko.
"You should be brought to the hospital. Just wait here, tatawag ako ng 911."
Aalis na sana ako ngunit mabilis akong napigilan ni Anton sa kamay.
"No need to go to the hospital. Walang kaso to. Kailangan ko lang magpahinga." Anito kahit bakas sa boses nito ang panghihina.
"But you're not okay."
"Don't worry. I'll be alright soon."
Nagdadalawang-isip ako kung okay lang bang manatili lang ito sa bahay.
"Hmmm... okay. Basta ubusin mo yung breakfast na dadalhin ko rito at uminom ka ng gamot."
"Okay." Isang munting ngiti ang namutawi sa labi nito at binitawan ang aking kamay.
Lumabas ako ng kwarto upang ihanda ang pagkain at gamot.
Pagkabalik sa kwarto, naabutan kong kausap nito sa phone ang secretary nitong si Jeric para magpaalam na di ito makakapunta ng opisina. Nagbilin din ito ng ilang instructions na kailangang matapos ni Jeric ng araw na iyon. Pagkatapos ay ibinaba na rin nito ang cellphone.
Agad kong inayos ang mga pagkain sa katabing mesa sa kama nito at inaya itong kumain.
"Sabay na tayong kumain." Anito.
"Hindi mamaya na lang ako. Bilisan mo na ang kain para makainom ka na agad ng gamot."
"Mas gusto kong may kasabay kumain, eh, lalo na't ikaw pa ang nagluto. Can you eat breakfast with me, please?" Para itong bata na nagre-request na bilhan ng laruan.
"Oo na. Sasabayan ka na po."
At sabay na kaming kumain. Naubos naman nito agad ang mga pagkain at uminom ng gamot pagkatapos.
Buong araw kong binantayan si Anton at inasikaso ang pagkain at pag-inom nito ng gamot. Pinapaalalahanan ko rin ito na magpalit ng damit dahil maya't maya nababasa ang likod nito ng pawis.
Minsan, tinutulungan ko pa itong magbihis ng damit kasi mahina pa rin ito. And I'm helping him to change his clothes respectfully by the way! Kahit na minsan ay sumisilip ang dashboard abs nito.
What are you thinking, Damarah?!
Gabi na pala. Lumalamig ang simoy ng hangin. Naka-amba na naman ang pag-ulan.
Sinapo ko ang ulo ni Anton. Mainit pa rin ngunit hindi na tulad ng kaninang umaga. Subalit giniginaw pa rin ito. Kumuha ako ng isa pang kumot sa cabinet para ibalot rito.
"Hey! Are you alright?" Tapik ko rito habang nakaupo sa gilid ng kama nito.
"Yeah, I'm just cold." Anito sa mahinang boses habang nakapikit ang mga mata.
Tapos na itong kumain at uminom ng gamot. Kung hindi ko lang nabasag ang baso kagabi, hindi sana lalabas ng bahay si Anton para itapon iyon sa likod at nabasa ng ulan.
Ba't kasi hindi nagpayong! Haay, naaawa ako sa kalagayan nito. It's the first time I'm seeing him weak.
Sinapo ko ulit ang noo ito. Mainit pa rin.
Then suddenly, he held my hand and placed it above his chest.
"Hey." I tried to pull my hand but he just won't let go. Nakapikit pa rin ito.
Tulog na ba to? Hindi na lang ako gumalaw. Baka maistorbo ko pa ang pagtulog nito. Dahan-dahan ko na lang babawiin ang kamay ko mamaya.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ito nang tahimik habang natutulog ito. May maliit na nunal pala ito sa gilid ng pang-itaas na labi nito sa kanan. It's small but added beauty and character to his face.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon at nangangawit na ako. Inaantok na rin ako. I pulled my hand again but he held onto it more.
Hindi ko na kaya ang antok kaya I decided to lay beside him. I made sure we still have space between us.
Nagsisimula na naman ang pagpatak ng ulan. Gumiginaw na naman ang temperatura ng paligid kahit hindi naman nakabukas ang aircon.
Ilang saglit pa'y gumalaw ito mula sa pagkakatihaya, tumagilid at humarap sa akin. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. He moved my hand resting on his chest a while ago to pull me closer to him. The space between us is gone. Siniksik nito ang ulo sa aking leeg habang ang braso naman nito ay nakapulupot sa aking bewang. Napasinghap ako at napigil ang hininga saglit. Hinihiling ko na sana mas malakas pa ang ingay ng pagpatak ng ulan at di nito naririnig ang dagundong ng dibdib ko.
It took me a some time to be calm. Hanggang sa nakatulog kami sa ganoong posisyon.

YOU ARE READING
Marrying Mr. Stranger
RomanceWhat's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata pero nararamdaman kong maliban sa mga haplos ay may mga mumunting halik sa aking tenga at pisngi. Ang kumot ay unti-unting bumababa sa aking...