Chapter 22

158 5 1
                                    

NAPABALIKWAS ako sa pagbangon nang napagtantong panaginip lang iyon! Pinatay ko ang alarm mula sa aking cellphone na nasa bed side table.

Oh my gosh! Why did I even dream of kissing Anton?

Napatutop ako sa aking bibig. Siya namang paglabas ni Anton mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya!

Lalong sumikdo ang dibdib ko.

"Good morning", anito habang tinutuyo ng isa pang tuwalya ang buhok nito.

"Good morning." Lumingon ako sa kabilang direksyon para di ito makita.

Nagtungo ito sa cabinet malapit sa kama.

Nakatalikod ito sa akin habang naghahanap ng masusuot sa cabinet. Hindi ko maiwasang lumingon muli sa direksyon nito at pagmasdan ang malapad nitong likod.

Naalala ko ang panaginip. Nababaliw na yata ako. Pinagpapantasyahan ko na ang lalaking ito!

Bigla itong humarap sa akin at sakto pang ka lebel sa paningin ko ang malaking umbok nito sa ibabang parte ng katawan nito.

Napadilat ang mga mata ko sa tanawing iyon.

"Bastos!" Hinagis ko ang unan dito na agad naman nitong nasalo.

He was so confused. And unfortunately, the towel wrapped around his waist got loose and it fell down the floor! Mas lalong nandilat ang mga mata ko at napasigaw!

"Aaaahhh!" Sigaw ko habang nakatakip ang palad sa mga mata.

"Shit!" Nataranta rin ito at mabilis na pumasok ulit ng banyo dala ang mga damit na susuotin nito.

Pulang-pula ang mukha ko sa nasaksihan. It's the first time I saw it in broad daylight.

Oh my gosh! Di ako makapaniwala. Di pa 'yun galit sa lagay na yun!

I shook my head to forget what I just witnessed. I calmed myself and got out of bed. I decided to leave the room and went to the living room.

Buti na lang aalis na rin kami mamaya. I can't wait to go back home!

Bigla akong di mapakali nang lumabas din sa kwarto si Anton makalipas ang ilang sandali. Nakabihis na ito ng light blue shirt and white shorts. Papalapit ito sa akin.

Kumalma ka, self!

Tumikhim muna ito bago tuluyang nakalapit.

"I'm sorry for what happened. Hindi ko iyon sinasadya." Anito.

Hindi ako makatingin ng direcho rito.

"It's okay. And it's not the first time-" Napatigil ako. What am I talking about?!

Pati ito ay natigil sa aking sinabi.

"I mean it's an accident. It can happen and it's not like you really wanted to show it off." I laughed awkwardly.

Ano ba itong pinagsasasabi ko? Tumahimik ka na self!

He chuckled. "Yeah, I get it. Anyway, you can go shower and fixed your things after kasi aalis na tayo matapos nating makakain. Hihintayin kita sa lobby para sabay na tayong pumunta ng restaurant."

"Okay." Tugon ko.

Umalis na rin ito sa harap ko at lumabas ng villa.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung-hininga nang tuluyan na itong makaalis.

Pumasok na ako sa kwarto para makaligo at makapagbihis.

INAASIKASO na lang ni Anton ang pag-check out namin matapos kaming makakain at mailabas sa tulong ng bellboy ang mga gamit namin patungong lobby.

Marrying Mr. StrangerWhere stories live. Discover now